Chapter 24 - Rekindle (part II )

Start from the beginning
                                    

Di ko na naman sya kinibo nun hanggang sa makalabas kami pero 'di na 'ko nakatiis kaya tinanong ko s'ya habang naglalakad kami.

"Jockas, Anong babes 'yung sinabi mo kanina ? bakit ganun na lang 'yung tawag mo sa'kin ?" Napahinto ako sa paglalakad habang hinahantay ang sagot n'ya kaya naman awtomatikong napahinto din s'ya. Lumapit s'ya sa'kin at ngumiti.

"Hindi ba maganda 'yung babes as endearment ? ano palang guto mong tawagan natin?" Tanong n'ya habang nakangiti pa din. Hindi ko alam kung 'yung anak ba namin o ano pero may umiikot sa tiyan ko.

Hayyy... Stomach meet butterflies na ba ito ?!

"H-Hindi 'yon, Jockas. Bakit mo 'ko tinatawag ng ganun at bakit kailangang may ganung tawagan, pwede namang pangalan lang natin,diba ?" Napatawa naman s'ya ng mahina.

"Hindi pwede 'yun okay ? Ikaw ang may hawak sa magiging anak ko, soon, ikaw na din ang hahawak sa puso ko, we should start now atleasr 'di tayo mabibigla when we're already married,diba ?" Halos mabilaukan naman ako sa sinagot n'ya.

Dapat ba 'di ko na lang tinanong ?

Di na 'ko nakasagot kaya tahimik kaming naglakad hanggang makalabas ng school. Sa sobrang tahimik akala mo di kami magkakilala.

Nagulat ako ng walang ano-ano ay hinawakan nya ang kamay 'ko. sinubukan kong alisin dahil naiilang ako pero sinimangutan nya lang ako habang nakikipag hilahan sa kamay 'ko kaya naman hinayaan ko na lang.

Pagkasakay namin sa jeep hanggang makauwi na ako't lahat 'di nya pa din biitiwan ang kamay ko, well, pwera na lang nung nagbayad s'ya at kung kailangan lang talaga.

Nawala din kasi yung awkwardness, siguro dahil hawak nya yung kamay ko.

Sa Linggo, ipapaalam na namin sa parents namin 'yung lagay ko. Napabuntong hininga ako. 18years old lang ako pero eto ako, may bata na sa tiyan.

Ni hindi ko pa nobyo ang ama ng anak ko. Pero atleast diba, mahal ko.

---

Kinabukasan, Miyerkules. Final exam na namin at ilang araw na lang bakasyon na. 3rd year na din kami...Dapat.

Uwian na nun at naglalakad ako papuntang HQ para puntahan sana si Jockas para sabay kaming umuwi ng bigla akong mabunggo ni Kier.

Halos mapaupo ako buti na lang at nasambot nya ko.

"Ay ! sorry,Nicole. Nagmamadali lang ako. pasensya na talaga." Di pa man ako nakakareact ay umalis na sya.

Kakaiba tlaga sabi ko sa arili ko. Lagi na lang syang nagmamadali, minsan nga kahit alam kong may klase pa sya ay nakikita ko syang umaalis. Parang may mali sa kanya.

Parang may sikreto syang tinatago. Kailangan kong alamin. Hahakbang pa lang sana 'ko may naramdaman na kong kamay sa braso ko.

"Saan ka pupunta ? diba't sabi ko sabay tayo dapat lage ?" 

"Nakita ko kasi si Kier---"

"Ano namang meron kay Kier ?!  Dapat sa'kin ka lang nakatingin lagi.tsss"

Napangiti naman ako sa kanya.

Di na sya nagsalit anun at atalagang nakabusangot ang mukha kaya naman di ko na inungkat pa. Pinilit ko ding pagsalitain sya pero puro iling at tango lang ang isasagot nya sa'kin.

Nung nasa tapat na kami ng Dorm, Hinarap ko sya.

"Gusto mo ba munang pumasok ?" 

Revenge with Mr.Ex  [ COMPLETED ]Where stories live. Discover now