Habang naglalakad palabas ng gusali ay ipinagpatuloy niya ang pagtipa ng mensahe subalit biglang may biglang tumawag sa kanya. It was an unknown number. Kunut-noo niya itong sinagot. "Hello?"

"Hi! Is this Mason?" masiglang bati ng babae sa kabilang linya. Her voice sounded familiar.

"Yes. Who's calling please?"

"Oh, thank God! I thought I had the wrong one, hahaha. I'm Althea! I'm Louie's best friend from UP? I asked for your number during Tita Louise's wake, remember?" sunud-sunod na saad nito.

"Ah, oo. Althea, napatawag ka?" tanong niya nang maalalang tinipon nina Kuya J ang mga kamag-aral at kaibigan ni Louie noong huling gabi ng burol ng ina nito. Binilinan silang lahat ni Kuya J na laging samahan ang pinsan nito. Bagay na hindi naman tinanggihan ni Mase. Doon din kinuha ni Althea ang cellphone number niya.

"I'm with Louie right now. I mean, not right now. She went to see our prof. But I have an appointment. And our other friends have classes pa, so wala akong mapagbilinang iba. Are you free by any chance?"

Bumilis ang lakad ni Mason papalabas ng gusali patungo sa sakayan ng jeep. "Oo, libre na ako. Nasaan kayo?"

----

Pinatos ni Mason ang pagsakay sa taxi upang mas mabilis na makapunta sa campus. Mabuti na lamang at may taxi stand sa kumpanya kung saan idinaos ang patimpalak. Hindi na niya inalintana ang mataas na pamasahe.

Wala pang tatlumpung minuto nang makarating siya sa EEEI Faculty center. Subalit tinakbo na rin niya ang ilang palapag ng gusali mahanap lamang ang silid kung saan naghihintay si Althea.

"Oh, good, you're here," bati nitong may kasunod na buntong-hininga.

"Nasa loob pa siya?" hinihingal na tanong ni Mase.

"Yep. Might be a long talk. Afterall, she isn't doing well in class after..." she trailed off.

Tumango siya at nagpaypay gamit ang polo. "Sige, ako na lang ang bahala sa kanya."

"Thank you so much!" ani Althea at sa tindi ng tuwa nito'y bahagya pang napayapos sa kanya. "I'm really running late. Let me know if you need help or anything ha?"

"Sige." Nang tuluyan nang makaalis ang dalaga, napasandal si Mase sa haligi. Muli niyang kinuha ang telepono upang padalhan ng mensahe si Louie.

He didn't know what to tell her after five days of silence. Marahil sa iba, iilang araw lamang iyon. Subalit sa taong nangangailangan ng kasama, ang limang araw ay parang limang buwan, limang taon, limang dekada. Maging sa mga taong tulad ni Louie na hindi nagpapakita ng kahinaan o na kailangan nito ng karamay.

Mason didn't want her to feel alone. And so with a one-word text, nais niyang iparating na hindi niya ito nilisan.


To: Louie Kwok

Hello :)


Ilang sandali ang lumipas nang bumukas ang pinto ng silid ng propesor at iniluwa niyon si Louie na kunot-noo. Maya-maya pa ay naghilamos ng mukha gamit ang isang kamay. Mahina niya itong tinawag subalit tila wala ito sa sarili habang nakatuon ang atensiyon nito sa telepono.

Kasunod niyon ay ang pag-vibrate ng cellphone ni Mase. Di niya maiwasang mapangiti nang mabasa ang mensahe.


From: Louie Kwok

Hello, Mase.


From A DistanceWaar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu