**

Monday na ngayon at si Angel naman ay sa DVU na din nag-aaral. Sayang nga lang at hindi na kami magkaklase dahil puno na kami dito sa room na ang maximum ay 30 students.

Kasalukuyang nagtuturo sa harap ang English teacher namin ng bigla akong kalabitin ni Edward.

"Hindi ka nabobored?" Tanong niya sakin at saka naghikab ng malakas. Wrong move, Rivera.

"MR. RIVERA! ARE YOU YAWNING AT MY CLASS?!" Sigaw ni Mr. Agustin kaya nagising halos lahat ng diwa naming magkaklase. Si Edward naman na nangliliit ang mata kanina dahil sa antok ay biglang nanglaki ang mata dahil sa gulat.

"No, sr." Sagot niya habang umuupo ng maayos at umiling naman si Mr. Agustin.

"I heard you. You and Ms. Torren, out of my class. NOW!" Sigaw niya tapos ay napatayo naman si Edward kaagad. Tinignan ko lang ng masama si Mr. Agustin ng mga ilang segundo bago ako lumabas ng pinto.

"Mali yung punctuation mo sa sentence three." Sabi ko at nagtuloy-tuloy maglakad palabas. Hindi naman ako kasali dinadamay niya ko. Tsk.

"Tara cafeteria tayo nagugutom ako." Sabi niya at naglakad na naman kami papuntang cafeteria. Pagpasok namin sa loob ay merong ibang year level na nagre-recess. Nakita naman namin si Kris sa gitna na napapalibutan ng limang babae.

"Bago pa lang dito mas madami nang nahatak na babae kesa sakin." Umiiling na sabi ni Edward.

"Subukan mong manghatak ng ibang babae babasagin ko bungo mo." Sabi ko sa kanya at tumawa naman siya at niyakap ako ng mahigpit. Bumitiw ako sa yakap niya at naglakad na papunta sa table ni Kris na nakasimangot dahil sa mga babaeng nakapalibot sa kanya.

"Alis." Sabi ko pagkatapat ko dun sa table nila at tinignan naman ako nung mga babae. Tinaasan ko sila ng kilay kaya naman napaalis na sila kaagad.

"Kris daig ka ng babae. Isang salita at taas lang ng kilay umalis na kaagad." Natatawang sabi ni Edward habang umuupo kami sa tapat ni Kris.

"Hindi ako marunong magtaas ng kilay." Problemado niyang sagot samin at sinubukang itaas yung nasa right niyang kilay pero sabay tumaas yung kilay niyang dalawa.

"Ang dami pa lang malalandi dito sa school niyo April." Nakangising sabi ni Kris habang nakatingin sa ibang table. Sinundan naman namin ng tingin yung tinitignan niya at nakita ko naman na mayroong mga babaeng kumakaway sa kanya.

"Nasasayo lang yan pare kung magpapalandi ka. Tignan mo ako loyal sa April ko." Sabi ni Edward at umakbay sa akin. Tinanggal ko naman kaagad yung kamay niyang nakalambitin sa braso ko. Ang bigat kaya!

"Sorry I'm taken." Sabi ni Kris habang nagt-type sa phone niya at bigla namang lumungkot expression ng mukha niya.

"Oh? Parang nung nakaraan lang sabi mo may gusto ka kay Shin ah?" Tanong sa kanya ni Edward.

"Kaya nga." Tumatango niyang sagot.

"Ibig sabihin.." Sabi ko at tumingin sa kanya na nanghihingi ng kumpirmasyon at tumango na naman siya.

"KAYO NI SHIN?!" Sigaw namin sa kanya at nagtinginan naman lahat ng tao dito samin.

"Kaya pala kayo nagkasundo." Sabi ni Kris sa amin.

"Wait, kelan pa? Pano nangyari yun? Bakit hindi niya man lang sinasabi sakin? Alam ba ng mga kuya niya?" Sunod sunod na tanong ko kay Kris.

"Nung 3rd year pa lang siya. Ayaw niya munang ipaalam kasi bawal pa daw sabi ng papa niya. Pero alam ng mga kuya niya." Pagpapaliwanag ni Kris.

"Niloloko mo lang yata kami eh!" Sigaw ko sa kanya.

"Maniwala ka kung san mo gusto." Sabi niya at tumayo na din.

The Gangster's Princess (COMPLETED)Where stories live. Discover now