Wala ni isang nakapagsalita sa kanila. Nang tingnan niya si Cholo ay panay lang ang iling nito habang sapo-sapo ang noo.

"Er, I guess you two have to talk," sabi naman ng ipinakilalang Jose Maria.

"Yeah, time for the honeymoon, baby!" sabi ni Jules na kaagad sinaway ng mga kasama, saka lumabas na nga ang mga ito.

Ilang minutong katahimikan ang namagitan sa kanila ni Cholo, hanggang sa magsalita na siya. "I think we really did get married."

"I think so, too. I remember flashes."

"But we can't stay married, of course. I mean, kung kakilala pala ni Jules ang judge, then maybe you two can take care of it."

"Yeah. I'm thinking the same thing."

Namayani uli ang katahimikan. Halos hindi makapaniwala si Cher. She was now Mrs. Pociolo Almendra. Somehow, that sounded nice in her ears. But that was crazy. Apat na taon ang lumipas mula nang magkaroon sila ng romantikong relasyon, ni hindi nga tumagal iyon, and he cheated on her. Pagkatapos, pagkalipas ng ilang taon ay babalik ito sa buhay niya at wala pang isang linggo ay kasal na sila? That was preposterous.

Hindi na talaga siya iinom ng alak kahit kailan. Palagi lang siyang napapahamak sa lintik na alak.

"I think y-you better get going now."

"Yeah, I think so, too."

Napabuntong-hininga na lang siya. Pinatuloy uli ni Cholo ang mga kaibigan at sinabihang maliligo lang. Hindi siya makatingin sa mga lalaki, lalong-lalo na kay Wulfredo. Tatlong araw pa lang ang nakalipas nang tangkain niya itong pikutin. Ngayon, kasal na siya sa kaibigan nito.

"How did you know Cholo?" tanong nito.

"He's my ex."

"You're his ex? Like when did you two become an item?" tanong ni Jose Maria.

"Four years ago. It's not important. We won't stay married."

"But why?" tanong ni Urbino.

"But why? I hardly know the man!"

"All right, calm down," sabi ni Wulfredo. "Naisip ko na rin na baka talagang lasing lang kayo kagabi. Ito naman kasing si Julian, hindi kami sinabihan. Kung nalaman ko lang, wala sana ngayong problema."

"Look, Wulf, last night they wanted to get married so bad. Ano naman ang palagay mo sa 'kin? Walang ginawa para balaan sila? I tried to convince them not to do it, but they convinced me they have to get married. I mean, they're both adults."

"And drunk," paalala ni Jose Maria.

"You weren't there last night, Joe, so cut me some slack."

"Enough," saway ni Wulfredo. "Maaayos ito."

"Are you sure you don't want to stay married?" tanong ni Burt, nakangisi. "It's kinda cool, you know. Cholo's a good guy anyway."

"Yeah," sang-ayon ni Jules.

Kinontra naman iyon nina Jose Maria at Urbino. Iba-iba ang opinyon ng mga lalaki. Pero nilinaw ni Cher sa mga ito na hindi na mababago ang kanyang pasya. Isang malaking kalokohan kung hindi agad magagawan ng paraan ang kasalang naganap nang pareho silang lasing ni Cholo.

Mayamaya ay lumabas na nga si Cholo ng kuwarto. Nagkasundo silang si Jose Maria na lang ang maghahatid sa kanya. Si Wulfredo daw ang bahala sa opisina. Sina Julian, Burt, at Cholo naman ang mag-aayos ng mga papeles. Hopefully ay hindi pa raw iyon naipa-file ng judge.

Territorio de los Hombres 2: Pociolo AlmendraWhere stories live. Discover now