THREE: Mr.50pesos Found Ms.NBS

137 8 2
                                    

[Fam's POV]

Nasa mall ako ngayun at inaaliw tong best friend ko. First time tong nagkaganito sa lalake.

1 day and a half na itong di nagsasalita. Nagsimula kahapon ng tanghali tapos ngayun na malapit nang mag-gabi, di parin nagsasalita.

Nasa National Book Store kami ni Paulynn, tinitingnan ko lang siya habang nagtitingin ng mga libro. Atleast ngayun medyo ok na siya nung dinala ko siya dito sa National Book Store.

"Ahh.. Cha alis muna ako ah! Sana pagbalik ko sabihin mo na problema mo" tapos umalis ako at pumunta sa popfic. Section.

Naalala ko dito yung lalakeng pinaglaruan ko ng aking Prank XD saan na kaya yung si Mr.50pesos? Hahaha XD

[Ford's POV]

Andito kami ngayun ni Vince sa mall, sa National Book Store to be exact kasi dito ko unang nakita si Ms.NBS..

at di kami nagkamali andito nga siya at tumatawa pa mag isa. Ano siya baliw??

Nilapitan namin siya ni Vince..

"Hey! Baliw ka na?" -Ako

Nagulat naman siya nung nakita ako..

"I am not baliw!" -siya

"Eh bakit ka tumatawa diyan mag-isa?" -Ako

"Wala! Naalala ko lang ang prank na ginawa ko sayo dati XD pffftt hahahaha" -siya at ngayun tumatawa siya na parang walang katapusan -____-

Tsss.. pinakita ko sa kanya yung papel sa Prank Contest...

"What's this Mr.50pesos? Hahahaha"

"Mr.50pesos?" -Ako

"Haha mr.50pesos? Haha ok ka rin eh no?" -Vince

"Vince?" -Ms.NBS

"Kilala mo siya?" -Ako

"Yun oh! Ang liit ng mundo, ikaw yung bff ni Paulynn diba?"-Vince

"Yup! Ako nga at alam kong may problema kayo" -Ms.NBS

Ok cge -_- multo ako, di nila ako napapansin :3 sila lang ang naguusap >_<

"Huy! Teka nga sagutin mo muna ang tanong ko!"-ako

"Ano ba tanong mo?" -Ms.NBS, tignan mo -_-! Kinalimutan tanong ko!

"Bakit Mr.50pesos?" -Ako

"Mr.50pesos haha XD kasi nung prinank kita ang dala mo lang ay 50 pesos haha XD" -siya at tumawa ulit -___- nung nag

"Basahin mo na nga lang ang papel! " Bwesit tong babaeng to tawa ng tawa parang baliw tuloy Tinignan niya ang papel at "Prank Contest?" -Siya

"Yup Prank contest, hinahamum kita diyan!" -Ako

"Pffftt.. hahaha XD hindi kasi ako talunan katulad mo! So I never Accept the challange" -sabi niya at nag-bleee pa talaga at umalis

"Hahaha XD BASTED!!" -Vince

"Bro -___- hindi ko siya niligawan ok? So hindi ako basted" -ako

"pareha lang yun! Hahaha XD" -vince

Tawa lang siya ng tawa hanggang sa Tumigil at iniwan niya ako

"Saan ka pupunta?" -Ako

"Sa laruan ko" sabay punta sa isang babae na parang wala lang kain.. tsss.. yan bagong laruan ni Vince? Parang patay ah! Namumuti ang labi tapos parang galing sa pagiyak ang mata XD

[Fam's POV]

Hahaha laptrip yung kaibigan ni Vince. XD naalala niyo yung prinank ko?? Kaibigan pala siya ni Vince, tapos ngayun si Mr.50pesos gusto ako isali dun sa Prank Contest XD haha oo mahal ko ang prank pero ang sumali dun para makipaglaban dun sa Mr.50pesos na yun? Talunan lang ang papayag -___-

Nung pagbalik ko sa place kung saan nandun si Paulynn, nakita ko namang lumalapit si Vince kaya di ako tuluyang lumapit at nakinig nalang.

[Paulynn's POV]

Hi Readers ako nga pala si Paulynn Delo Santos.

Alam kong marami na ang nakikilala sa akin kasi ako ang bestfriend ni Fam. Kaya di nalang ako masyadong magpapakilala kasi pagod narin ako sa kakaiyak :'(

Kahapon pa ako sa tanghali umiiyak at ngayun lang ako natigil. Nagpapasalamat ako dahil kahit hindi ako nagsasalita, hindi parin ako iniwan ng aking best friend at talagang dinala niya ako dito sa National Book Store. Ako kasi I love books pero hindi ako Nerd ok?? Bookworm lang XD at pagmay hinanakit o malungkot ako dito ako sa NBS pumupunta or should I say ngayun dito ako dinala ni Fam.

"Pau!" Nilingon ko agad ang yumakap sa akin..

And unfortunately si Vince ang nakita ko :'( naiiyak nanaman tuloy ako :'(

"Bitawan mo ako Vince!" Galit na sabi ko pero mahina kasi ayaw ko naman ng eskandalo dito.

"Bakit? Anung problema Love? Bakit ka umiiyak?" -vince

"Ganyan ka rin ba manglambing sa mga ibang laruan mo Vince?"

"Ano ibig mong sabihin Pau?"

"Vince! Alam ko na eh! Alam ko nang laruan lang ako!" Ang sakit! Kasi minahal ko siya!

"Kanino mo nalaman?" -vince

"So di mo tinanggi! So totoo nga! Kinamumuhian kita Vince Lopez! *Slap*" sinampal ko siya at tuluyang umalis sa NBS. Hindi ko nalang hinintay na bumalik si Fam kasi ang sakit eh! Ang sakit-sakit!

#Mr.50pesosFoundMs.NBS

at

#AngSakitMagingLaruan!

Paano kaya mapapapayag ni Ford si Fam??

At ano kaya mangyayari kay Vince at Paulynn ??

ABANGAN ;)

Pranks is the ReasonWo Geschichten leben. Entdecke jetzt