Nilapat ko ang aking kamay sa gate at nasorpresang, bukas pala ito. At dahil sa wala namang tao sa paligid, hindi na ako nagpatumpik tumpik pa. Lakas loob akong humakbang papasok at hindi na rin inusisa pa kung bakit siya bukas. Dati madalas akong isama ni Albert dito. Punong-puno rin nang mga magagandang ala-ala naming dalawa ang lugar na ito.

Kailangan kong maka-usap sina tita Mel. Siya kasi ang nagpalaki kay Albert magmula nang ma-ulila ito sa kanyang mga magulang.

Nilapitan ko ang unang pinto na kulay brown. Dito kasi naka-tira ang kanyang tita. Kakatok na sana ako ngunit may napansin akong maliit na siwang. Nakabukas pala ito nang bahagya at pag-tulak ko, hindi nga ako nagkamali. Bukas talaga siya at hindi naka-kandado. Bigla tuloy akong naguluhan.

Nang buksan ko ang pinto, muli na naman akong nasorpresa dahil wala nang gamit sa loob. Madilim na rin dahil tinanggal na ang ilaw. Mukhang inabandona na nila ang buong compound. Akala ko nandito pa sila. Nadismaya ako dahil umaasa sana akong maabutan pa sila rito. Na sa isang banda ay nagtataka pa rin dahil hinayaan nilang bukas ang pinto pati na ang gate. Wala ba silang caretaker nito. Umalis sila na hindi man lang inisip ang seguridad nang buong compound.

Biglang pumasok sa aking isipan ang unit ni Albert. Nagtungo ako roon at hindi nga rin ako nagkamali, bukas din ito. At ang mas nakakapagtaka, may gamit naman ito sa loob. Sinadya ko pa ring pumasok habang unti unting nababalot nang maraming katanungan ang aking pag-iisip. Bakit hindi nila kinuha ang mga gamit ni Albert? Under investigation pa rin ba ang lahat nang naandirito? Mabuti nalamang talaga, hindi siya nilooban.

Naglakad-lakad ako sa loob habang pinag-mamasdan ang buong paligid. Muling gumuhit ang napaka-raming ala-ala sa tirahan niyang ito na kaming dalawa pa ay magkasama. Bawat kasangkapang nakikita ko rito, ay bahagi nang mga iniwang ala-alang iyon.

May sumampal na naman ata sa aking puso dahil naramdaman ko na naman ang sakit. Etong kulay gray niyang sofa, madalas kaming mangarap na dalawa rito. Umupo ako at hindi ko maiwasang mapahagulgol nang pag-iyak.

Napa-lingon ako sa picture frame sa side table. Kinuha ko ito at pinagmasdan habang humihikbi. Panay ang pahid ko nang luha sa aking mga mata. "Albert, bakit?" 

Sinandal ko ang aking kaliwang kamay sa kutson nang sofa at may maramdaman nalang akong bagay. Napa-lingon ako at nakita ang isang nakasuksok na papel sa pagitan nang dalawang kutson. Hinila ko iyon na napunit ko pa yung ibabaw. Gusot-gusot pa ito na halatang sinuksok doon nang sapilitan. Bigla nalang nanlaki ang aking mga mata nang malaman kong maikling liham ito ni Albert – sa akin.

Iris kapag nabasa mo ito, please magtago ka, hinahanap ka nila, nanganganib ang buhay mo. Kailangan kong umalis dito para ma-protektahan ka.

Parang tumigil ata ang aking mundo nang di oras. Tumaas ang aking mga balahibo at tumahan pa ako sa pag-iyak. Hinahanap ako nila? Sino sila? Bakit nanganganib? Umalis? Ibig sabihin hindi nagpakamatay si Albert. Nagsimula akong kapusin nang paghinga na akala mo mayroon akong hika.

Buhay si Albert. Unti unti na naman akong naguguluhan, ano yung suicide letter?

Tumayo ako nang sofa at nilapag ang aking pulang shoulder bag sa coffee table. Nagsimula akong maghalughog sa buong bahay na tuliro at wala sa sarili. Na para bang may hinahanap akong mahalagang bagay ngunit wala naman.

Nakarating ako sa kwarto niya sa ikalawang palapag. Nadatnan ko ang mga damit na sinuot niya pa sa aming kasal. Polo barong, kamiso't chino, itim na pantalon, pati yung sapatos niya at medyas, nakakalat ito sa buong kwarto. Hinawakan ko ang barong at niyakap ito nang mahigpit. Na-aamoy ko pa yung jovan musk niyang pabango.

Nabaling ang paningin ko sa sliding window na mas lalong nagpanindig balahibo sa akin. Basag kasi iyon. At nang bitawan ko ang barong dahil lumapit ako dito, napatakip ako nang aking bibig. May nakita akong dugo sa gilid nang basag na salamin. Nanghina bigla ang aking mga tuhod na para bang gusto kong bumigay at bumagsak sa sahig nang walang malay. Muling tumulo ang mga luha sa aking mga mata. Ano ba talaga ang nangyari kay Albert?

A PAST WITH AN ALIEN #wattys2018Where stories live. Discover now