Chapter 83: Welcome new half blood students

Depuis le début
                                    

"Hindi naman sya ganon dati, masayahin si Kill kahit may pagkamaldita sya. Ni hindi nya pa nga tayo sinasabihan ng nga masasakit nasalita. Bakit ganito na? Bangungot ba 'to?" Tumulo muli ang mga luha sa mata ko.

Tumakbo ako papunta sa kwarto ko at doon nilabas ang mga luha ko. Hindi ko inaakala na magiging ganon si Kill, kapatid na ang turing ko sakanya. Bakit ang sakit-sakit, hindi ko naman talaga sya kapatid pero bakit ganito kasakit?

Third Person POV.

Diretso lang na naglalakad si Killy papunta sa kanyang kwarto. Sobrang dami nyang iniisip at hindi nya na alam kung ano ang uunahin. Nang makarating sya sa kwarto nya ay agad nyang hinablot ang vase na nasa tabi nya at inihagis nya ito.

"Nakakainis!!! Nakakainis talaga!!!" Inis na sabi nya at nagwala.

Biglang lumabas si Tagabantay sa kanyang madilim na lungga. Lumapit sya kay Killy at tinanong kung bakit sya nagwawala.

"Princess bakit po kayo nagagalit?" Tanong ni Tagabanta

"Wala" tanging sabi ni Killy.

"Sigurado po kayo?"

"Oo" pumunta si Killy sa kanyang kusina, kumuha sya ng tubig at ininom ito lahat.

Kinuha nya ang kanyang phone at dinial ang number ng kuya nya.

"Kuya? Okay na ba ang lahat?" Pinilit nyang maging normal ang kanyang boses.

[Yes okay na ang lahat] sabi ng kanyang kuya

"Good, pakisiguro nalang na walang mangyayaring hindi maganda"

[Ano bang sinasabi mo Kill? Walang mangyayaring hindi maganda okay? Easy ka lang]

"May gagawin pa ako kuya, mamaya nalang ulit siguro tayo magusap"

[Okay pero Kill may prob----] Hindi na natapos ni Zack ang kanyang sinasabi ng bigla syang babaan ni Kill.

Pumunta si Kill sa kama nya, humiga sya at nagtalukbong ng kumot. Nilabas nya ang luhang kanina pa namumuo sa kanyang mga mata.

'Ano na ang gagawin ko?'

Ayan ang nasaisip ni Killy habang sya ay umiiyak. Hindi nya na talaga alam kung anong gagawin.

Ryza POV

Nandito na kaming mga spiders sa taas ng stage, tanging si Killy nalang ang inaantay ng lahat.

Amoy lupa, kanal, usok, at kung anu-ano pang mga mababahong amoy.

Ugh! Ang baho!! Promise ang baho talaga! Yung mga kasamahan kong Spiders kunwari may iniisip sila, yung kunwari nakahawak sa baba nila, pero ang totoo ay tinatakpan nila ang kanilang ilong dahil sa baho.

Half Blood Academy (School Of Half Bloods)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant