" Hindi ba siya makakagawa ng paraan? Importante sayo ang araw na ito at ngayon pa talaga siya wala?" Chloe must realize na wala siyang kwenta.

" Naiintidihan ko ang sitwasyon Ethan, his cousin Rhian will undergo surgery dahil sa sakit neto at kailangan siya don, Mommy na ni Z ang tumatayong ina don sa bata dahil patay na ang totoong Mommy neto." Napakabait niya talaga para intindihin pa ang lalaking yon.

" But still, importante din naman sayo ang araw na to." ngumiti siya.

" It's fine Best."

" Excuse me po Ms. Chloe para po sa inyo ang mga bulaklak na ito..may nag deliver po."

Lumapit sa amin ang isa sa mga staff ng caterer at iniabot ang bulaklak kay Chloe

Ops! Esta imagem não segue as nossas directrizes de conteúdo. Para continuares a publicar, por favor, remova-a ou carrega uma imagem diferente.

Lumapit sa amin ang isa sa mga staff ng caterer at iniabot ang bulaklak kay Chloe. Hindi ko na kailangan itanong kung kanino galing ang mga iyon basi sa pagkakangiti niya habang binabasa ang maliit na card na nakaipit sa bulaklak.

Nagagawa pading umepal ni Mondejo kahit wala siya.

" Best wait lang ha maiwan muna kita, tatawagan ko lang si Z." tumango nalang ako..balato ko na sa kanya to dahil pagkatapos ng gabing ito' akin na si Chloe.


Chloe Alexandria

Hello Lovey?... sinagot naman agad niya ang tawag ko, halatang malungkot ang boses niya. Alam ko naman na gusto niya akong samahan sa gabing ito.

Thank you sa flowers Love. I love you. gusto kong malaman niya na hindi mababawasan ang pagmamahal ko dahil lang hindi siya makakapunta sa party.

I'm sorry ulit na wala ako d'yan Lovey, Congratulations Vp Chloe Alexandria' naniniwala ako na kayang kaya mo ang position na ibinigay sayo ng Daddy mo. Alam ko naman na siya ang isa sa pinaka natutuwa sa panibagong chapter sa buhay ko.

Thank you Love, kamusta na ang pinsan mo? Tapos na ba ang operation niya? Gusto ko din sana siyang samahan, sila ng Mommy niya.

Hindi pa Lovey, nag aalala na nga si Mom, pag nakalabas na siya ng operating room susubukan kong humabol sa party mo. Ako padin talaga ang inaalala niya.

Love ano ka ba, magkita nalang tayo bukas, pupuntahan kita d'yan sa hospital para nadin makapagpahinga si Tita. I love you Mondejo. Sana kahit paano ay naalis ko ang pagaalala niya.

Lagi mong tatandaan na mahal na mahal kita Zaide Travis.. parang may nagtutulak sa'kin na sabihin yon sa kanya.

Mas mahal na mahal kita Chloe Alexandria at hindi ako mawawala sayo unless ikaw na mismo ang lumayo. As if naman mangyayari yon.

Wag ka ng umasa Mondejo, hindi ka na makakawala sa pagmamahal ko, subukan mong tumingin sa iba, kukulutin kita! alam kong nakangiti siya dahil sa sinabi ko. Love tinatawag na ako, I'll see you tomorrow' wag kana magworry about sa hindi mo pagpunta dito okay..

A Beautiful DISASTER (Published by POP FICTION) Onde as histórias ganham vida. Descobre agora