"Hindi kita niloloko!" natatawang ani Kaye. "Pinaiyak naman talaga niya ako, as in namumula na ako n'on at may luha na!"

"Pero. . .pero. . .pero. . ."

Natahimik si Rayne, napaupo nang maayos at ilang segundong tinitigan si Kaye. Lumuwag ang pakiramdam niya mula kanina na para bang kabadong-kabado.

Dinantay ni Kaye ang hintuturo sa noo ni Rayne, ilang segundong natahimik. Yumuko pa ito kaunti para magpantay ng mukha, hindi malayo ngunit hindi rin naman sobrang lapit.

Enough lang para kabahan si Rayne nang bongga.

"Exclusive lang ako sa babae."

Napansin din niya ang mahinang pagtapik ni Kaye sa dibdib gamit ang isang kamay.

May kung anong sumipa sa puso ni Rayne. Napatango na lang siya, natameme. Walang pumapasok sa isip na kahit anong rebuttal para sana magpatuloy ang usapan.

Tinanggal ni Kaye ang hintuturo sa noo niya, kaya tumango ulit si Rayne. Napainom sa baso na wala naman nang laman.

Tahimik lang sila, hanggang sa kusang nagsalita si Rayne. Bumulong, actually.

"Gusto ko 'yon."

At natigilan.

Wait, teka. Anong sabi niya?

Nasabi ba niya 'yon?!

(Shocks!)

Dahan-dahan niyang nilingon si Kaye para tingnan kung narinig ba siya nito. Napaiwas naman siya agad ng tingin dahil nakangiti ito habang nagsasalin ng margarita sa sariling baso.

Shit. Na. Malagkit.

Napa-refill din tuloy siya ng inumin sa baso, medyo tinungga kahit mainit na nga talaga ang pakiramdam niya. Nagte-take toll na ang alcohol sa katawan.

"Mahirap bang maging maganda?"

Muntik mabulunan si Rayne. "Ha?"

"Question lang." Pinatong ni Kaye ang braso sa sandalan, ang kamao ang nagsisilbing stand sa ulo. Humarap sa kanya. "Kung mahirap ba."

"Uhm, hindi ko sure? Siguro mahirap kasi maraming hindi nakakalagpas sa pisikal na anyo lang?"

"What do you mean? Hindi ba't mas madali ang buhay kapag maganda ka? Mabilis mong makukuha lahat."

"Ayun na nga, eh," ani Rayne, unti-unti nang kumakalma. (Buti naman!) "Mabilis mo makuha lahat. 'Yong kahit gusto mong i-prove na may ibubuga ka pa pwera sa ganda, wala nang naniniwala masyado. At kung may maniniwala man, mas marami 'yong dahil nabulag na ng ganda kaya oo na lang nang oo sa' yo. Minsan pa, hanggang d'yan na lang mga tao sa pisikal na anyo. Hanggang desirable lang.  Ang hirap kaya 'yong feeling na ganda lang ang panlaban mo dahil 'yon lang ang nakikita ng iba. That's all. Thank you."

Nagtawanan silang dalawa. Nag-pabebe wave pa kasi itong si Rayne.

"Mukhang ang lalim ng pinaghuhugutan d'on, ah. Nakaka-relate sa hirap maging maganda?"

"Alam mo, kaunti na lang maniniwala na ako."

"Na ano? Maganda ka?"

"Wala na. Naniwala na ako."

"Dapat lang naman," anito, nakangiti. "You're beautiful."

Napasimangot si Rayne, pinigilan ang pagngiti. "Hinihintay ko 'yong char o charot."

Ngumisi si Kaye. "Walang char o charot sa part na 'yon."

Hindi sapat ang pagkagat ni Rayne ng labi para pigilan ang pagngiti. Ngumiti pa rin siya. Malawak. Kinilig. Pinakitang mayaman siya dahil may braces ang ngipin. Nakatingin sa mga mata ni Kaye.

Love Songs for No OneOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz