"Napagdisesyonan na namin ito ng Mama mo. Isasama ko na kayo sa america at doon na tayo maninirahan para matutukan natin ng maayos ang pagpapagamot mo." muli niyang giit. Nanghina ang mga tuhod ko at nanginginig na ngayon ang mga kamay ko. Diretso lang akong nakatingin sa kanya at bakas sa mukha ko na hindi ako makapaniwala sa mga narinig.

Hindi pwede. Hindi ako pwedeng umalis. Ayokong iwan si Kib dito.

"Pa, wag na po. Okay naman na po ako dito sa pilipinas e. at tsaka may mga magagaling din namang doctor dito." reklamo ko sa kanya pero umiling lang siya.

"Anak, mas makakabuti kung doon ka sa states magpapagamot dahil mas high tech ang mga gamit nila doon at tsaka ayaw mo ba akong makasama?" giit niya. Hindi parin ako makapaniwala. Mukhang kailangan kong pumili ngayon ah. >_<

"Hindi naman sa ganon Pa. P-pero kasi--" hindi ko maituloy ang sasabihin konat napatingin na lamang ako kay Kib na nakayuko na ngayon. Hindi ko alam kung paano ba 'to ipapaliwanag sa kanya. Biglaan ang mga nangyayari. Maski ako ay hindi ko rin inaasahan.

Matapos ang usapan namin nila Papa sa salas ay napagpasyahan kong kausapin si Kib kung kaya't niyaya ko siya sa kwarto ko para doon mag-usap.

"K-kib." tawag ko sa kanya at hinang-hina na naman ang katawan ko. Masyado akong nagulat sa sinabi ni Papa.

"Y/N, it's okay." giit niya pero nasasalamin ko sa kanyang mga mata ang sinasabi ng puso niya na 'it's not okay. Don't go away.'

"S-sorry. Hindi ko inaasahan 'to. Ayokong umalis at iwan ka dito, Kib." nagsimulang tumulo ang mga luha sa mata ko. Hinawakan ko ang mga kamay niya at hindi ko magawang tignan siya ng diretso sa mga mata.

"Ayoko rin namang umalis ka sa tabi ko e. Ayokong magkalayo tayo pero kasi Y/N... tama ang Papa mo. Mas makabubuti sayo kung doon ka magpagamot sa ibang bansa." giit niya at parang gumagaral na ang kanyang boses. Umiiyak din siya. Hindi niya mapigilan ang pagtulo ng kanyang luha at ganoon rin ako.

"P-pero ayokong malayo sayo." pagmamatigas ko. Nakatingin lang ako sa kanyang dibdib at parang unti-unting binabasag ang puso ko habang iniimagine na magkakalayo kami ng mahabang panahon.

Hinawakan niya ang baba ko at inangat ang ulo ko para magkatinginan kaming dalawa.

"Hindi naman tayo tuluyang magkakahiwalay. Lagi akong nasa tabi mo kahit saan ka man magpunta at alam kong lagi ka ring nasa tabi ko. Hindi mawawala ang pagmamahal natin sa isa't-isa kahit na magkalayo man tayo." nakangiti niyang sambit. Bakit ganito? Nagsisimula palang kami pero pinaglalayo na agad kami ng tadhana.

"Lagi tayong mag-uusap. Madaming paraan para magkausap tayo. Ang hiling ko lang ay huwag mong pababayaan ang sarili mo. Unahin mo ang sarili mo bago ang iba. Magpagaling ka para magkasama ulit tayo." lumabas sa kanyang bibig ang isang masakit na hikbi. Napapatunay na hindi niya tanggap ang mangyayari pero nilalakasan niya na lamang ang kanyang loob.

Tumango ako at kahit masikip sa dibdib ko ay susundin ko ang sinabi niya. Niyakap ko siya ng mahigpit at sabay kaming umiyak. Ayokong malayo sa kanya dahil siya ang lakas ko. Kapag wala siya sa tabi ko ay pakiramdam kong tuluyan akong nanghihina.

Kahit anong gamot man ang inumin ko para lang mawala ang sakit ay mukhang hindi tatalab dahil siya lang ang kailangan ko. Siya lang ang makakapagpalakas sa akin. Siya ang gagamot sa sakit na nararamdaman ng puso ko ngayon.

Ngunit, kung ito nga talaga ang nakatakdang mangyari ay wala na kaming magagawa pa kundi ang tanggapin ito. Pagsubok lang ito upang mas lalong pagtibayin ang samahan at pagmamahalan namin.

Lumipas ang isang linggo. Dumito na rin muna si Kib para naman makasama ko siya habang hindi pa kami umaalis. Hindi ko parin matanggap na magkakalayo kami. Noong isang araw ay talagang pinilit ko si Papa na huwag ng ituloy ang plano niya pero nagmatigas siya at kinausap pa niya si Kib. Hindi ko naman alam kung ano ang sinabi niya. Pero sigurado akong tungkol 'yun sa aming dalawa.

Eyes Nose Lips (Knightinblack Fanfiction)Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin