“Tsk! Mahirap nga yan. Alam naman ng pamilya mo na bakla ka di ba?”

“Yes?”

“Anong yes? Sira! Oh e di sabihin mo sa Mama mo na hindi mo kayang gawin ang pinapagawa ng Lola mo, sa mga telenovelas lang ang ganyang last will ano. Isa pa, lalaki ang mga characters dun, di ba nga sabi mo Girlie Rodis (babae) ka by heart.” Natatawa siya, lately natuto na siya ng gay lingua, at nakakatuwang gamitin. Minsan nga ginamit na niya kay Aron Miguel.

“Nakalagay dun bestfriend that if I will not follow, Mama could not get his share, not a single centavo.”

“Sus! Ang ina, Elvin, igi-give up lahat ng kayamanan para sa anak.”

“Limpak-limpak na datung (pera), girl! As in bonggakea (sobra) na kayamanan! Manghihinayang kang di makuha. Kawawa naman si mader (mama) kapag napunta lang sa mga charitable institutions, di ba?”

“Yun naman pala eh, maawain ka, eh di mag-asawa ka.” Natatawang sabi niya.

“Cannot be reach! (hindi pwede)  Mag—aasawa ako ng lalaki, hindi babae. Hindi ako tetetet. (tomboy)” Reklamo niya.

“Anong tetetet?” Natatawa siya, may bago kasing friends si Elvin na kagagaling ng Pinas kaya may mga alam na namang gay lingua.

“Tomboy, lesbian.”

“Sira! Gusto mo ng suggestion?” Tanong niya, may tumatakbo kasi sa utak niya ngayon.

“What’s that?”

“Hire someone who will act as your wife. Yung pupuwede mong I divorce after some time, di ba nga ganun sa mga movies?”

“Kung may papayag, I only have a short period of time to look for a mujer. Help mo ako, friend please! Baka may kilala ka, yung mabait, yung mapagkakatiwalaan. Maawa ka sa akin.”

“Oo na! Now, get a ticket at umuwi ka na ng Pinas. Maghahanap tayo ng pupuwede sa gusto mong set-up, bigyan mo nga ako ng copy niyang last will mo, kahit excerpt lang at nang mapag-aralan natin ang gagawin.” Utos ni Candice sa kanya.

*******************

Kanina pa nakatutok si Candice sa papel na hawak niya, nakasulat dun yung mga characteristics ng dapat ay hahanapin nilang mapapangasawa ni Elvin para sa mana nito. Grabe lang, nag-eexist pa pala ang ganitong mga drama. Kawawa naman ang friend niya.

Look for the following:

1.       Open minded girl, matatanggap ang sitwasyon ni Elvin.

2.       A good actress, they should act as real couple in front of many people.

3.       Can accept the fact that it would be a contract, there’s a certain expiration. One year ang nakalagay sa testament.

Okay na yung tatlong iyon, pero may isa silang napakalaking problema. Kailangang magkaanak sina Elvin at ang magiging asawa kunwari nito. At sigurista ang Lola niya dahil kailangang ipa DNA Test ang bata bago ibibigay ang mana, in case na matutuloy. Mautak ang Lola ni Elvin. Siya pala ang pinakapaborito nitong apo. Ang sabi ng kaibigan ay okay naman raw sa Mama niya na huwag sundin, kaso, papatayin naman siya ng konsiyensiya niya kapag nangyari yun.

Sino naman kayang babae ang papayag sa ganitong set-up? Unless na lamang siguro kung in-love siya sa kaibigan niya, eh wala naman siyang alam na babaeng may gusto kay Elvin.

Nasa ganoon siyang pag-iisip nung biglang may mag door bell, sa Davao siya nakatira ngayon, kapag kasi nasa Davao ang asawa ay dito rin siya naglalagi. Tinatamad na binuksan niya ang pinto, day off kasi ng mga kasambahay nila.

“Kathryn!” Tuwang-tuwang sabi niya.

“Surprise!” Hindi kasi ito nagtext man lang na dadalaw ngayon sa kaibigan. Na miss niya ng bongga si Candice, si Loise kasi ay nag out of town na naman.

“Pasok.”  Yaya niya sa kaibigan. Saglit na nakalimutan ang problema nila ni Elvin.

“Kumustang buhay may asawa, hindi na talaga tayo tulad dati girl! Ala ng mga gimik, si Loise naman busy na rin. Hay! Nakakalungkot kung minsan.”

“Sira! Mag-asawa ka na rin kasi. Alam mo ang sarap ng may asawa, ang sarap nung alam mo na.” Sabay ngiti sa kaibigan.

“Yuuuucccck! As in you’re so mahalay na!” Pero deep inside, kapag ganito at nakikita niyang masaya ang mga kaibigan ay naiinggit siya, kasi naman, hindi niya maintindihan ang sarili, bakit ba walang nanliligaw sa kanya, maganda naman siya, sexy, at mayaman. Nung biglang may inilipad ang hangin papunta sa kanya.

“Look for the following” Biglang basa niya. “Ay ano ito?”

Inagaw ni Candice ang papel na hawak ni Kathryn. “Wala yan, may konting problema si Elvin. Remember him?”

“Of course!” mabilis na sagot ni Kathryn. “How is he?”

Napatingin si Candice sa kaibigan, bakit ganun ang expression ng mukha. Napangiti siya. “He’s okay, uuwi ng Pilipinas. Magkikita kami.”

“Talaga! Oh my! Bibisitahin ka ba? Kailan? Okay lang kay Aron Miguel?” Excited lang ang peg nito.

“Teka nga, may gusto ka ba kay Elvin?” Prangkang tanong niya. Biglang namula ang mga tenga ni Kathryn, ganun siya kapag nagbublush.

“OMG! As in you like him!” Na eexcite na tanong ni Candice.

“Y-yah. Nakakahiya! Sorry ha, he’s super cute kaya! He’s so gentleman, ang tangkad, may dimples pa, sobrang ganda ng skin. Saka ikaw nga nagkagusto dun, di ba?”

“Hmmmmm! Alam mo bang naghahanap siya ng mapapangasawa?”

“Really? Kaya ba may ganyang papel? Characteristics ba yan ng mapapangasawa niya? Pakapalan na girl ha, pupuwede ba ako jan?”

“Sure! Pero may napakalaking problema.”

“What? Baog siya?” Natawa si Candice sa sinabing iyon ni Kathryn, mas sobra pa dun.

“He’s a gay.”

WHEN A BEKI FALLS IN-LOVE (Published Under PSICOM)Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu