Sabi ko kay Marcus ay magkasama kaming lalaban. Pero, ang sitwasyon para samin ay napakahirap. Ako, na anak ng isang kilalang tao sa ibang bansa. ..At si Marcus na hinahabol ng masasamang tao pati ang batas. ..

I. ..don't know.

"Siya naman talaga palagi, Lumi." Iling niya pa. "Siya naman talaga."

"Greg. ..itigil na natin 'to." Iyon ang gusto 'kong sabihin sakanya. Matagal ko ng nais gawin ito. Hindi ko alam kung kailan at saan nagsimula ang lahat ng ito.

Pero iisa lang ang sigurado ako, hindi ko kayang bitawan si Marcus.

"At ano? Magmamahalan kayo?" Muli itong natawa. "Love won't save you, Lumi. Pag umalis ka sa poder ko, your father will definitely be suspicious about the sudden decision. Think, Lumi. Think."

"Greg, please. ..don't make this hard for me. ..just let me go. .."

"Ako pa ang masama?" Natawa ito at napahilamos ng kanyang mukha. Frustration is written all over his face. "I am saving you, Lumi! Bakit hindi mo makuha iyon? Ako na ang handang tumulong sayo. .."

Napakagat ako ng labi. "Marami na ang naitulong mo, Greg. ..And this will be a burden to your heart. Madadamay ka 'rin kay Dad pag nalaman niya na tumutulong ka sa'min."

"I am helping you, not Marcus. If you're thinking that I'll spare that bastard, no Lumi. Makakuha lang ako ng ebidensya, sa kulungan ang bagsak ng isang iyon."

Ngayon, nakita ko si Greg na merong pagkamuhi sa mata niya. Wala akong masabi at maisip. Iisa lang ang alam ko, delikado kami ni Marcus. I am really scared about that. Paano kung may mangyaring masama sakanya? Sa amin?

I have my Dad and Greg that trying to catch him. Pati ang ibang batas ay sinusubukan 'din siyang hulihin. At mayroon 'ding ibang mga grupo na gusto siyang patayin.

Muli 'kong pinunasan ang aking luha.

Ayokong tumulong si Greg, pakiramdam ko ay napakasama 'kong tao. Marami na siyang nagawa sa'kin. Lahat iyon ay sobra. Wala akong masabi. At lahat ng iyon ay binabalewala at tinatapon 'ko lang.

At ayoko siyang madamay kung sakali malaman ni Dad ang ginagawa kong kabaliwan ngayon. Pero kung hihilingin ko ito, tiyak na magagalit siya at hahayaan na lang ako.

"Greg, if you would help me. ..I know this is too much to ask, but please, spare him." Iyon ang sinabi ko dito para tigilan na niya ang pagtulong sakin.

Parehas kaming nahihibang sa pag-ibig. Kaya't kailangan ko ipamukha sakanya na. ..na tama na ang sakit na naidulot ko sakanya. Wala ng pag-asa.

Tila hindi ito makapaniwala sa narinig. "Are you hearing yourself? Spare him? That man is a killer! Lahat ata ng labag sa batas ng diyos at mga tao na kasalanan ay nagawa na niya!"

Napailing ako at hinawakan ang kamay niya, trying to plead. "Alam ko. .Alam ko, pero gusto ko gumawa ng bagong buhay, kasama siya."

Tila hindi ito makapaniwala sa narinig. Parang nababaliw na ako kung ako ay tignan niya.

"If you're going to help me, Greg. ..Pasensya na pero sasagarin ko na. Pero okay lang. ..kung ayaw mo. Let me go! Ayoko ng tulong na sinasabi mo! Trust Marcus. He won't let me have a scratch."

I am sorry, Greg.

Tumaas ang kilay nito. "I can't believe you are trying to make me a mad man too."

"Then that's a no! Greg, please. Itigil na natin 'to. Ayokong madamay 'ka. You are precious to me. ..you're a great friend."

"But never been a great lover? Really?" Tumayo ito. "Then I'll give you what you want. Have a battle with your own Dad, Lumi. Goodluck."

Taming the Mafia Bossजहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें