Nasobrahang Inspirasyon

26 0 0
                                    

Disclaimer: Totoong buhay ito. Hindi ako magaling na manunulat. Simple lang akong may-bahay na nagku-kwento. Kaya pagpasensiyahan niyo na kung may mga mali o mga salita kayong hindi magugustuhan sa kuwentong ito.

************************************
Uumpisahan ko sa tanong na ito:

Ano ano nga ba ang mga nakakamotivate sainyo para pumasok araw-araw?


Sa mga interview hindi mawawala yang tanong na yan, what motivates you? Kaya, ako pag may nanghihingi ng tips isa sa mga binibigay ko eh yung "magaganda saka poging nagtratrabaho sa kumpanya, it's like they are a breath of fresh air in a concrete jungle of zombies." Oha! Pak! So far kinakagat naman ayun tanggap naman.


Ang di ko lang inexpect eh yung isa sa inadvisan ko eh hindi lang tingin gagawin, lalandiin rin ng totoo. Hahahaha! Oh ayun nanga, pareho silang bago sa nasabing kumpanya, training palang eh napukaw na talaga ni Ate si Kuya. Natapos na ang training, talaga namang mapaglaro ang kapalaran at sila ay naging magkateam. At kahit kailangan maglipat nanaman ng mga miyembro talagang mapaglaro ang tadhana, at ayun magkateam ulit sila.


Lagi

na silang magkasama alam niyo na magkatabi sa station, magkasama sa break kahit mawasak yung adh nila push lang basta magkasama sila. Sobrang close na nila na kahit wala na sa opisina eh talaga namang magkachat pa rin sila. Andyan yung magrereport si Ate kung ano ginagawa niya, kung anong niluluto niya, kung saan siya galing at pupunta o nanggaling. May pabaon pa yan si Ate minsan, pa-yosi at pa-lighter. Basta nga close na close na sila. At si Ate lagi nauuna sa opis kaya siya lagi nagrereserve ng station at naghihintay kay Kuya sa 7-11. Ang tagpuan lang ang peg! Hahaha


Nandyan yung late night chats nila kapag off. Clean chat naman pero si Kuya hindi na nakapagpigil may mga pahapyaw ng i miss you, bakit di kita nakilala noon pa, at todo puri sa lahat ng ginagawa ni Ate. At, willing mabasag ang adh para lang masamahan si Ate sa lahat ng breaks niya, pati sched ng pasok niya willing niyang iswap para swak na swak silang dalawa.


Si Ate naman, she likes the attention so much. Kaya, pabibo rin siya more more send ng mga luto niya, mga selfie niya ganun. Pati natapon niyang inumin pipic niya at sesend kay Kuya. Pati pagpasok niya sa opisina itatanong niya kay Kuya kung papasok ba daw sila? Leave credits ni Kuya alam na alam niya pati kung kailan niya ginamit alam niya. More more yaya din siya kay Kuya sa ibang kumpanya na lilipatan niya.


Talaga nga namang true love na yata kung maituturing ang peg nila at ayaw na nilang mawalay sa isat-isa. Gustong gusto talaga nilang mag-usap kaya talaga kahit wala na sa opisina eh "we find ways" parang slogan lang ng isang banko.


Yun nga lang

, ang problema, pareho na silang may sabit. Si Ate may asawa na at mga anak, si Kuya naman may kinakasama na rin at  may anak na rin. Kinilig ka na ba sana? Hahaha! Sorry

na.

Nagsimula ng magduda yung partner ni Kuya. Nagsimula na nilang pag-awayan yung babae. Basta, hindi na normal ang pagsasama nila na sa tuwing papasok sa opisina si Kuya eh hindi na makatulog yung partner. Hanggang sa nagkakasakit na rin si gf sa stress at kakaselos. Pero, wala, mas matimbang kay Kuya yung "friendship" nila ni Ate dahil parang kapatid lang daw ang turing niya dito.

आप प्रकाशित भागों के अंत तक पहुँच चुके हैं।

⏰ पिछला अद्यतन: Aug 18, 2017 ⏰

नए भागों की सूचना पाने के लिए इस कहानी को अपनी लाइब्रेरी में जोड़ें!

Call Center Affairजहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें