“’Key payn.”

“What?”

 

“Oh… ehem. Okay, fine,” pagtatama ko.

Pagdating naman sa Math at computations, hindi ko matanungan si bespren Louie. Dahil bukod sa hindi na namin siya makontak sa Skype, ang alam ko, may kinalaman sa pagdodoktor ang course niya. Enko don! Wala na kaming balita sa kanya. Nakakatampo talaga.

Kaya ayon, sinubukan kong lapitan si Chan-Chan dahil magaling din naman ‘yon sa Math. Kaso sabi niya, wala raw siyang alam sa theories at formula na pinag-aaralan sa Computer Science kasi magkaiba raw ‘yung inaaral namin. Kaya sabi niya, magpaturo na lang daw ako sa mga kaklase ko.

Edi sempre, ang unang pumasok sa isip ko ay si Hiro. Kasi diba kami lang dalawa ‘yung pumasa dun sa quiz ‘tas siya lang ‘yung nakasagot sa problem solving? Kaso dalawang linggo na siyang hindi pumapasok sa school.

“Ms. Pelaez, do you know where Mr. Kwok is?” tanong sa’kin ng isang prof namin pagkatapos ng lecture sa Communication Skills 1.

“Ay, no po ma’am,” sagot ko naman habang binabasa ulit ‘yung mga examples na binigay niya kanina. Tatanungin na naman kasi ako ni Kuya Chad pag-uwi ko eh.

Humalukipkip si Ma’am. “If he won’t show up, I’ll be forced to drop him from this class. Hindi rin siya pumapasok sa ibang klase, tama?”

Kahit hindi ako sumagot, tumango naman ‘yung mga kaklase namin kaya wala na rin akong nagawa.

Pagkaalis na pagkaalis niya, halos kuyugin na naman ako ng grupo ni Chelsea! “Nasaan na ba si Hiro-my-labs?”

“Di ko rin alam eh,” nakangisi kong sagot habang nagkakamot ng ulo. Kahit nga sa teks ko di nagre-reply ‘yon.

“Tinatago mo siya ‘no?! Nasa’n siya! Ilabas mo siya!”

“Grabe namang makapangbintang! San naman siya itatago ni Mahal na Pinuno?” sabad naman nila Martin.

“I don’t know,” pabalang na sagot ni Chelsea. “Malay ko ba kung may Hermione bag siya—“

“Kung may Hermione bag siya, pagkain ang siguradong laman no’n at hindi si Hiro!” pagtatanggol nila Martin.

Bago pa sila mag-away-away, pumagitna na ako. “Teka nga lang sandali!” Buti na lang natanggap ko agad ‘yung unli registration, hehe. “Tawagan na lang natin siya.”

Pagkasabi ko non, tumahimik lahat. Nilagay ko sa armchair ‘yung telepono ko tas ni-dial ko ‘yung number ni Hiro saka nilagay ‘yon sa loud speaker mode. Halos dasalan na nga nila Chelsea para sumagot siya eh. Ayon, gumana naman.

HATBABE?! Season 2Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ