Chapter 2- Cloud Cloud

10.9K 307 17
                                    

           

Cloud's POV

Pinatawag ako ni Red sa Main Office sa Pasay. Kababalik ko lang galing sa US. Trabahong may kasamang lakwatsa. This is life.

"Gusto mo bang kuhanin?" tanong nito. Binigay ang contract sa akin at binasa ko.
Party sa itaas?!
"Ilang oras ang party?" I asked. Wala kasing nakalagay na time table.
"From Manila to Thailand. Round trip." Sagot ni Red.
"Ilang araw sa Thailand?"
"3 nights." Sagot ni Red.

"Sige. I'll take it." I replied.
"Si Aries ang co-pilot mo. I'll let you know the details. Kasama si Lise sa team na magcocover nito."
Nataas ang kilay ko. "Alam ba ni Renz yan?"
He chuckled. "Matanda na siya para hindi makaintindi."
"Ows... If I'm not mistaken, parang hindi ka din makamove on kay Ayano."
"Si Angel ang hindi maka-move on kay Ayano." Tanggi ni Red.

I chuckled. Kawawang Ayano.

"Let me know the details. Nasa Country Club lang ako." I told him.

Red became my friend besides silent partner sa RS Aviation. Red is the major stock holder ofcourse. 20% lang ang sa akin. Sapat na para hindi ako maghanap ng ibang trabaho.

Magaang ang work ko dito. Nakakapili pa ako ng fight na gusto ko. Sa dami ng mayaman na hibang sa private flight, buhay ang negosyo namin.

Gaya nyan...tsk...tsk... party at 39,000 feet above sea level. Gaano kagulo ang party na yan? Buti hanggang Thailand lang.

"Uy Cloudio, tangina nagpakita ka din." Bati ni Audi sa akin ng pumunta ako sa Club Zero.
"Kamusta?" bati ko sa kanila.
"Same same. Bakasyon mo ba?" Tanong ni Tristan.
"Mga ilang araw lang. Meron akong biyahe ulit. Hinihintay ko lang ang confirmation galing kay Red." I replied.
"Sarap ng buhay nito." Sagot ni Neil. "Leisure and work in one."
"Kala nyo lang." I replied. Hindi na kailangan pang sabihin na minsan nakakapagod ding umupo sa masikip na flight deck.

"Balita namin may iniwan kang luhaan sa Korea." Audi is fishing for information again. Napaka-chismoso ng taong to.
"Saan mo na naman nabalitaan yan?!" Tanong ko.
"Nadagdag ba sa Club High Mile mo yung Koreana?" balik na tanong nito.
"Hindi naman Korean." I said.

Nagsimula na ang kulitan. Syempre hindi naman ako kissed and tell. Si Audi lang yun. Tinatawanan ko lang ang mga hula nila.

Hindi naman Korean kasi. Nakilala ko lang sa South Korea. Nagulat pa nga ako nung makita ko nung umaga. Parang ibang tao ang nakasama ko noong gabi kaysa sa kasama ko noong umaga. Kaya sinusumpa ko yang make-up na yan eh. Lakas makapeke.

Nagpasalamat na alng ako na totoong babae yun. Medyo masakit ang sampal niya ng tanungin ko kung totoong babae siya.

Jetlag... Nakakamatay. Nakakamatay ng oras. Kailangan kong sabayan ang oras ng Pinas para masanay ang katawan ko na hindi matulog ng umaga. Nagpunta ako sa Grace Hotel para mag-breakfast.
Nasanay ako sa US na sweets agad sa umaga.

Snadya ko talaga ang Sweet Bell. Sabi ni Kath, masarap daw ang cupcakes dito.

"Good morning sir." Bati ng isang maganda at matangkad na babae. Naka-uniform ito na pang chef.
"Good morning. What is your best seller?" I asked her.
"We have salted caramel, red velvet, choco jack. And if you want a refreshing taste, I recommend sweet lemon cupcake." She said.
"Ok give me half dozen. Assorted flavour, all that you recommended. Add oreo cheesecake and carrot cupcake."
"Any coffee?"
"Give me the biggest cup that you have." I gave her my card and she asked me to sign on the receipt.

Hindi naman masyadong madami ang tao siguro dahil maaga pa. Umupo ako sa table katabi ang isang babaeng busy sa tablet.

A service crew gave my order and I started to eat. Ang ganda ng hotel at ng community dito. Ang galing ng mga kaibigan ko. Naalala ko ang pagtanggi ni Red bago itayo to.

Sino niloko mong naka-move on kana?!

Masarap nga ang cupcakes, bagay sa coffee. Nakakadalawa na ako ng madinig ko ang pangalan ko.

"Cloud. Miss you baby." I heard someone said.

Napatingin ako sa paligid. Wala namang babaeng umaaligid.
Kulang na yata talaga ako sa tulog.

"Cloud. Cloud. Suplado ha. Miss na kita baby." I heard someone said again.

Tumingin ako sa likod ko. Parang galing sa babaeng nasa likod ko.

"Excuse me. Are you calling me?" I asked.
Humarap naman ang babae. She's wearing a huge...huge...eyeglasses. Her hair is in perfect bun. Walang kahit isang buhok na naliligaw ng landas.
I smiled at her but she didn't smile back.

"Sorry you must be mistaken. I don't know you." She said at humarap ulit sa tablet niya.

"Cloud. Do you miss me, baby?" she said.
I am positive she said my name. I tried to look at who she is talking on her tablet. Baka kinakausap niya ang picture ko. Malay ko ba.

"Miss." Kinalabit ko siya.
"What?" she asked in irritation.
"I am positive you said my name."
"I don't know you." Sabi nito.
"You said Cloud right?" I asked.
"Yes. I am talking to my cat." Pinakita nito ang isang pusa na nagme-meow sa screen. Isang puting Persian cat.
"You're talking to a cat?" I asked in amused. Is he for real? She's talking to a cat via video call?
Kinuha nito ang tablet niya at tumalikod ulit.
"Cloud." Tawag niya ulit sa pusang kausap.
"And you named your cat based on my name?" hindi ako makapaniwala sa nadidinig ko.

Sinong matinong tao magpapangalan ng Cloud sa pusa?

Binaba nito ang tablet at humarap ulit sa akin.

"Sinong matinong tao ang magpapangalan ng Cloudsa isang tao? Sorry ha, kung ang pangalan mo kalevel ng pusa ko." She said sarcastically.She end the video call, gathered her things and marched towards the door.

First Love (Grace Series Book 2) CompletedWo Geschichten leben. Entdecke jetzt