Chapter 4

8.5K 259 8
                                    

Kinabukasan ay mas lalo akong nagsisi sa ginawa kong pag-absent. Totoong nasa attendance ang pangalan namin ni Yuna kahit absent kami, pero hindi ko naman nakita ang crush ko.

"Sorry na kasi, Zia."

Hindi ko na mabilang kung ilang beses akong umirap sa harap ni Yuna. Naiirita talaga ako dahil sa nasayang na pagkakataon. I saw some instagram stories from my schoolmates; 'yong iba ay short clip habang kumakanta si Chaos, while few of them uploaded their pictures with him.

"Zia naman e. 'Di ko naman alam na invited pala sa battle of the bands 'yong labidabs mo."

"Nakakainis ka talaga, Yuna!"

Pabiro ko siyang pinalo at saka umirap. Chaos was invited yesterday in our school. He is one of the judges for the battle of the bands. Sising sisi tuloy ako kung bakit ako nagpademonyo sa matalik kong kaibigan.

"Kahit naman pumasok tayo kahapon, hindi mo rin naman siya lalapitan."

"Nakakainis ka talaga," singhal ko at nagmartsa palayo.

"Hoy, teka lang naman!"

Binilisan ko ang lakad ko, pero naabutan niya pa rin ako. Umakbay siya sa akin habang tumatawa. Well, she has point. Kahit pumasok kami kahapon ay hindi ko rin siya kayang lapitan. Hindi ko maintindihan 'yong sarili ko kung bakit kapag wala siya ay hinahanap-hanap ko, pero kapag nanjan siya ay panay naman ang iwas ko.

"Just ask him if he can be your date on our promenade," she suggested.

My day ended without any special happening. Hindi na ako nagpasundo kay manong dahil malapit lang naman sa village namin ang school. Nasa mood akong maglakad dahil hindi naman na masyadong tirik ang araw.

I was eating dirty ice cream that time when a black BMW car stopped next to me. My eyes widened out of nervousness. Tinted ang sasakyan kaya hindi ko makita kung sino ang nasa loob. Ang pinagtataka ko lang ay bakit 'to tumigil sa tabi ko.

Sindikato. Ayan ang unang pumasok sa aking isipan. My jaw dropped when I saw the driver. It's him, Chaos Valderama. He was wearing his usual expression, and his athletic gym wear.

"It's dripping," puna niya sa kinakain kong dirty ice cream.

Doon lamang ako natauhan, dahil punong puno na pala ng tulo ang aking kamay. Some parts of my uniform is already stained, too.

Nakakainis naman! Kung kailan haggard ako ay saka ko pa talaga siya makikita. Baka ang iisipin niya dugyutin ako at pabaya sa sarili.

"Get in."

"P-po?"

Really, Azhia? Why do you keep on answering him with 'po'? Baka ma-turn off siya sa sayo dahil sa ginagawa mo!

"Get it," ulit niya.

"Uh, sige po."

Amusement filled within his eyes as he looked at me. Hiyang hiya naman ako ngayon dahil sa tingin na ibinibigay niya sa akin. Tumaas ang arko ng kilay niya dahil nanatili pa rin ako sa kinatatayuan.

Nilinis ko muna ang kamay ko bago pumasok sa sasakyan niya. Nakakatakot at nakakahiyang dumihan 'to dahil nakikisakay lamang ako.

A thin line formed into his lips as I closed the door of his car. Hindi ko alam kung saan ibabaling ang tingin, kung sa kalsada ba o sa lalaking katabi ko ngayon.

Palihim kong kinurot ang hita ko upang magising sa isang kahibangan sa pag-aakalang kathang isip lang ang lahat ng 'to. But I was wrong, because this is not a dream. Totoo ito. Totoo ang lahat ng 'to. I am really inside his car, and he's driving me home.

Nagulat ako ng ihinto niya ang sasakyan. Kinabahan ako nang kaunti dahil baka nagbago na ang isip niya at pababain na ako sa sasakyan.

Triple ang naging bilis ng tibok nang puso ko ngayon dahil sa kakaibang tingin na muli niyang ibinibigay sa akin. Tumagal nang ilang minuto ang pagtitig niya sa mukha ko, at wala akong ibang ginawa kundi kagatin ang pang-ibabang labi.

"M-may dumi po ba ako sa mukha, kuya?"

I swallowed hard because of his sudden movements. Pigil na pigil ang hininga ko ng ilapit niya ang sarili sa akin.

"Chaos," I uttered for the first time without the word 'kuya' or 'po'.  A-no kayang gagawin niya?
Hahalikan niya ba ako? Damn. Baka mabaho pa 'yong bunganga ko!

I closed my eyes slowly and waited for his lips to touch mine. Ganito. Ganitong ganito 'yong napapanood ko sa netflix, at nababasa sa mga romance novels. Is it finally happening to me now?

I waited for his lips, but it didn't touch mine.

"Seatbelt, Azhia."

Mabilis pa sa sikat ng araw na iminulat ko ang aking mata. Hiyang hiya ako dahil sa nangyari. Ngumisi siya dahil sa reaksyon ko bago lumayo at nag-drive ulit.

Damn eyes. Bakit ba kasi ako pumikit? What makes me think that he would kiss me? Paniguradong nakikita niya lang ako bilang isang nakababatang kapatid, at hindi bilang ibang babae.

"Thank you po," pagpapasalamat ko sakanya. Hindi na siya muling umimik at wala na akong ibang nagawa kundi nakawan siya nang tingin.

Hindi naman malayo ang bahay namin, pero bakit pakiramdam ko ay ang tagal ng biyahe. Muli akong sumulyap sakanya ay sa pagkakataong 'to ay alam kong hindi na ito simpleng sulyap lang, dahil tumagal ang mata ko sakanya.

Seryoso lang siyang nakatingin sa kalsada at walang kamalay malay sa ginagawa ko. Kahit anong anggulo 'ata ay gwapo siya. He wasn't doing anything, but he can melt my heart for instant.

Tall, dark, and handsome. Ayan ang tipikal na diskripsyon ng babae sa isang perpektong lalaki. Chaos wasn't tall, but not small too. Katamtaman lamang ang tangkad niya, pero bagay sa maskuladong katawan niya. He's not dark and handsome too, because no words can describe how good looking he was. Handsome is understatement.

"Do you have something to say?" He asked which makes me realize that I was staring on him for too long.

"P-po?"

"Kanina ka pa nakatingin akala ko may gusto kang sabihin."

"Huh? W-wala naman p-po," palusot ko. But the truth is, I was planning to ask him to be my promenade date. Umiwas na ako nang tingin at muling kinagat ang pang-ibabang labi dahil sa kahihiyan.

"Were here."

Dahil sa hiya ay lumabas na ako ng hindi man lang lumilingon at nagpapasalamat sakanya. Sapu-sapo ko ang aking dibdib nang makapasok sa loob ng bahay.

Wrong move, Azhia.

Fatal DesiresUnde poveștirile trăiesc. Descoperă acum