"Iiwan lang natin siyang ganiyan?" Ay! Nako naman 'tong babaeng 'to! Masyadong pusong mamon. Ikapapahamak niya ang pagiging mabait niya sa totoo lang.

"Hayaan mo na s'ya. Nand'yan naman 'yung ka-grupo niya. Sila na ang bahala sa lalaking 'yan." Akala ba nila hindi ko alam na marami sila at nakapalibot sila sa amin ngayon. Oo nga't hindi sila nakikita ng mga mata ko pero nararamdaman ko naman sila. Alam ko kung saan sila eksaktong naka-pwesto.

"What do you mean?" tanong ni Jane. Teka! 'Wag niya sabihing hindi niya nararamdaman.

"Bakit hindi mo ba nararamdaman yong presensya nila?"

"Hindi, eh." Mukha nga, sa mukha niya pa lang mukha na siyang walang nararamdaman.

"Halika na nga, mamaya tayo pa mapagkamalang pumatay d'yan, kahit ako naman talaga." Nakatitig siya sa lalake na wari mo'y may sinusuri. "Ano tinitingnan mo Jane?" Tanong ko.

"Isa siya sa miyembro ng scorpion" Scorpion? 'Yon pinamumunuan ni Jemuel, hindi ba?

"Alin? 'Yong grupo ng mahanging si Jemuel? Tsk. Wala naman pala sila, an'dali kong napatumba ang isa sa miyembro niya." Napangiti si Jane sa sinabi ko.

"Halika na nga, kunin na natin 'yong susi ko kay Dean."

"'Yon na nga 'yong gusto ko. Ikaw lang 'tong ayaw pang gumalaw diyan sa pwesto mo." Tumawa lang siya nang marahan.

Tinatahak namin ngayon ang daan papunta sa office ng Dean. Wala akong nakikitang kahit na isang half bloods pero nararamdaman ko may naka-masid sa amin.

"Nararamdaman mo ba 'yon?" tanong ni Jane.

"Oo, may mga nakamasid sa atin at madami sila. Siguro iwasan na lang muna natin dahil baka mapahamak pa tayo." Tsh! Ano ba'ng sinasabi ko? Bakit naman kami mapapahamak? Subukan lang nila na sugurin kami, makakatikim talaga sila sa akin.

I'm Killy and no one can kill me.

Nakarating na kami sa Dean's Office. Binuksan ko ang pinto, buti na lang hindi naka-lock.

Isang gulat na expression ang ibinungad sa amin ni Dean. Mukhang nagulat siya ng makita kami.

"Anong ginagawa n'yo rito? Hindi n'yo ba alam na legal ang pagpatay rito tuwing umaga?" tanong ni Dean.

Half Blood Academy (School Of Half Bloods)Where stories live. Discover now