Chapter 1.b -- Apo siya ng may-ari ng school?

Börja om från början
                                    

“Ay! Sorry, Miss! Ikaw kasi eh!” narinig kong sabi ng isang lalaki.

“Anong ako? Ikaw kaya yung unang nangharot!” sagot nung lalaki sa kanya.

Anong nangyari? Nung susuntukin ko na dapat yung lalaking mayabang, bigla nalang may nagharutang dalawang lalaki na kasama din niya. Tinulak niya yung kasama niya pero imbes na yung kasama niya yung matumba, nasagi niya ako kaya ako yung natumba. At natumba ako sa ibabaw nung lalaking mayabang. Ano pang nangyari? Nagkiss kami. Saktong natapat yung lips ko sa lips niya nung natumba kaming dalawa kaya ayon…

Center of attraction kami. >.< Nakakahiya >////<

Nung nararamdaman kong matagal na kaming nasa ganoong pwesto na gusto ko nang umalis, nagulat ako nang maramdaman kong humahawak na sa kung saan-saan yung kamay niya. Kaya pinuwersa ko nang umalis at humiwalay sa kanya. Pinagtitinginan na kami ng lahat nang nandito sa gym pero ayaw pa rin tumigil nung lalaki sa paghalik sa akin kaya binigay ko na lahat ng energy ko para maitulak siya papalayo sa akin.

“Ano ba?! Bat mo ako tinulak?!” sabi niya. Siya pa ngayon ang galit? “Obvious ba?! Pinagtitinginan na kaya tayo ng mga tao! Mahiya ka naman! Tsaka nasarapan ka ata dahil kung saan saan na kasi napupunta yang kamay mo! Hindi ka lang pala mayabang eh. Manyak ka rin pala!”

“Sus! Ako pa nasabihang manyak? Eh sino bang pumatong sakin at hinalikan ako? Hindi ba ikaw? Tsaka wag ka nang magdeny, aminin mo na nasarapan ka rin sa ginawa ko!”

Walangya. Ano daw? “Ang kapal ng mukha mo! Kaya nga kita tinulak kasi hindi ko gusto yung ginawa mo tas sasabihin mong nasarapan ako?! Nahihibang ka na ba?”

Sa sobrang galit ko, dapat susuntukin ko siya ulit pero nung papalapit na ako sa kanya at itinaas ko na yung kanang braso ko, may bumuhat sa akin. “Oh, tama na yan. Baka maulit pa yung nangyari kanina pero aminin mo na kasi na nagustuhan mo din yung nangyari.”

“Ibaba mo nga ako!!!” sigaw ko sa bumuhat sa akin. Namumukhaan ko siya. Isa din siya sa mga kasama nung mayabang na lalaki kanina dun sa may gate. Pagkababa niya sa akin, “Ewan ko sa inyo, mga mayayabang na manyak pa!!! Tara na nga, Bhes! Baka kung ano pang magawa ko sa kanila.” Sabi ko tas lumayo na ako sa kanila para matigil na yung palabas. Kanina pa kaya nila kami pinapanood! >.< Nakakahiya na talaga >.<

Lumipat kami sa ibang pwesto na malayo sa mga lalaking nakaencounter ko kanina at sa dinami-dami ng nangyari, nag simula na rin sa wakas ang opening ceremony.

Principal: Dear Students, salamat dahil dito kayo nag-enroll sa school na ‘to. blah blah blah... at ngayon nais kong ipakilala sa inyo ang may-ari ng eskuwelahang ito, si Mr. Jiro Kyung.

 

 

Nung tinawag ng Principal yung may-ari, may bigla akong naalala sa mukha niya. Parang may kamukha siya ah? Saan ko nga ba nakita yung kamukha niya?

Mr. Kyung: Salamat, Mr. Sanchez at salamat din sa inyo blah blah blah... At hindi ko ito magagawa kung wala ang aking apo na si Zyren Justine Kyung. Apo, maaari ka bang tumayo upang magpakita sa kanila?

Bigla kong nakita yung lalaking mayabang kanina na tumayo at humarap sa amin.

O.O

Hala! Oo nga no?! Siya yung kahawig niya! Kaya pala sila magkahawig! Apo pala nya yung kumag na yun! Kaya pala may red carpet pa silang nalalaman sa entrance nila kanina. Teka, baka malagot ako neto dahil sa nangyari kanina. Patay.

Bat kasi inaway ko pa eh baka malintikan pa ako. >.< Baka isumbong nya ako sa lolo niya tas ipa kick-out pa ako. Nyeks!! Ayoko naman ng ganun no! Pero anong magagawa ko? Naasar ako kanina eh. Sobrang presko kasi ng ugali niya akala mo kung sinong magaling. Kung maka”hoy” akala mo close kami. -_-

Huh? Saan siya pupunta? Bat siya lumalakad? Bat papunta siya dito? Bat parang ako yung tinitignan niya? Bat parang sakin siya lumalapit? Bat--

Naging blangko ulit ang isip ko dahil na naman sa kanya. Hinalikan na naman niya ako. Sa sobrang gulat ko, hindi na ako nakapag-isip pa at wala na akong nagawang pagtatanggi.

“Sabi ko na nga ba gusto mo din eh.” Sabi niya nung naghiwalay ang mga labi namin sabay bulong, “Alam mo, ako din eh. Haha. Ulitin natin next time.” Tinignan niya ako at nagsmirk siya. At dahil wala akong masabi sa sobrang bilis at dami ng pangyayari, “Bhes, Okay ka lang?” nararamdaman kong inuuga ako ni Bhes pero hindi pa rin talaga ako makabalik sa reality.

~Loud music starts~

 

"Welcome to Louis Christian Academy, students! Have a good school year!" and that ends the opening ceremony.

________________________________________________________________

ung photo ung Louis Christian Academy.

yep, that's right... yan yung school nila Christine... Laki noh?

Ung sa External Link naman si Jacob Andrew Yang... Cute!

Thanks for reading!!!

&quot;Forcedly&quot; MarriedDär berättelser lever. Upptäck nu