1

8 5 5
                                    

Rem's POV:

"Jigs! Jigs! Tulong!" Humahangos kong sigaw nang mahabol ko sya.
"Oh, anyare sayo?" Tanong nya

"Yung pattern na binigay mo kanina sa cellphone ko. Naaalala mo ba?" Tanong ko.

"Anak ng pating naman oh! Ganyan ka ba talaga ka-ulyanin?!" Inis nyang sabi at napakamot sa ulo nya

"Ah eh.. sorry na. Alam mo naman yung tungkol dito eh." Paliwanag ko.

Hindi ko maintindihan pero simula nung bata palang ako. Ulyanin na talaga ako. Ewan ko ba kung bakit. Kaya lagi akong bagsak sa recitation namin dahil sa hindi ko natatandaan yung mga terms at mga concepts. walang pinipiling subject tong pagka-ulyanin ko. At kahit na simplenh bagay lang ay nakakalimutan ko rin.

Kagaya nalang nito, nakalimutan ko yung pattern ng sarili kong phone. Buti nalang talaga at naalala ni Jigs kung hindi malaking problema to.

"Oh ayan na! Tandaan mo na yan ah! Psh. Ulyanin talaga." saad ni Jigs nang maturo nya na muli ang pattern.

"Salamat pre." Saad ko

"Oh sya, kita nalang tayo mamaya sa party ah."

"Ha? Anong party?"

"Ay ulyanin! Birthday mamaya ni Kuya Juds! magtatampo talaga yun pag nalaman nyang nakalimutan mo yung birthday nya!" Paliwanag nya. Hala, oo nga pala. Birthday nga pala ni kuya Jugs ngayon.

Nice to meet youUnde poveștirile trăiesc. Descoperă acum