Ilang minuto pa ang lumipas at lulan na ako nang aking sasakyan. Binuhay ko pa ang sterio ng kotse at sinabayan ang tugtugin doon. Hindi naman ganoong kalayo ang lugar ng bago kong pag tatrabahuhan. Sa katunayan ay maaari kong lakarin na lamang iyon mula sa aking condo patungo doon. Mahigit bente minutong lakaran lang naman ang kailangan, pero talagang ayokong malate sa unang araw ko sa trabaho, kaya sa ibang araw ko na lamang siguro ‘yun gagawin.
Agad akong bumaba sa kotseng kinalalagyan nang sa wakas ay makarating sa aking destinasyon. Taas ang noong pumasok ako roon at nagtungo sa guard na naka-duty.

“Hello kuya ako po ‘yung bagong hire na empleyado.” – nakangiti kong sabi kay manong guard nang makalapit dito. Magalang naman itong ngumiti bago binuklat ang tila notebook na nasa harapan nito.

“Pangalan mo Miss?”

“Honey Paine Salazar.” – marahang tumango ang lalaki bago may kinuha sa ilalim nang lamesa nito.

“ID pass miss hanggat wala ka pang company ID.” – abot sa’kin nito ng isang ID pass. Agad ko iyong kinuha at isinuot sa’kin leeg. Itinuro din ni manong guard kung anong floor ba ang kailangan kong puntahan. Muli ko itong nginitian bago ito iwan.
Ramdam ko rin ang mga matang nagmamasid sa aking paglalakad. Marahil naninibago ang ibang empleyado na makita ako dito. Ngunit hindi ko ‘yun pinansin at deretsyong pumasok sa loob ng elevator. Ako lamang ang laman noon, kaya naman malaya ko muling napag masdan ang sarili sa repleksyon sa harapan nang dingding ng elevator. Isang itim na blouse at isang itim na pencil cut skirt na lampas tuhod ang aking suot ngayon, na penaresan ko pa nang isa ding itim na bag. I love black!

Bumukas ang elevator na hudyat na nasa destinasyong palapag na ako. Lumabas ako doon, ay iyon na naman ang mga matang mapanuri na sumalubong sa’kin. At tulad kanina ay hindi ko pinansin ang mga iyon at taas ang noo na naglakad.

"Oh? Ms. Salazar you're here"- bati nang isang pamilyar na tinig sa’kin habang ako’y nilalapitan. Agad ko naman itong nginitian. "Tamang tama ang dating mo. Halika rito sa loob"- sabi nito at niyaya ako papasok sa desk nito. Kaya naman pumasok ako.

“Teka lang at tatawagan ko si Elea. Take a sit.” – walang pag dadalawang isip akong naupo. Nakita kong naging abala ang babae sa pakikipag usap nito sa telepono, ngunit agad din naman iyong natapos. “I’m so glad na ikaw ang natanggap Miss Salazar.”

“Hindi ko rin po inaasahan na ako ang matatanggap sa pwestong ito.” – magalang kong sagot sa babae habang nakangiti. Ito ang babaeng nag interview sa’kin nitong nakaraang araw. Sa madaling salita ay ito ang HR nang company na ito. Ngunit kumpara sa mga HR na nakikita at nababasa sa libro ay may kabataan pa ito at tantya ko ay maedad lang ito nang ilang taon sa akin.

“Kung tutuusin ay overqualified ka sa pwesto, pero dahil sa mga experience mo ay mas naging deserving ka.” – isang ngiti lang ang isanagot ko sa babae. Hindi ko alam ngunit nakaramdam bigla ako nang hiya at kaba.
Maya-maya lamang ay isang maganda at matangkad na babae ang pumasok sa opisina nang HR. At kung hindi ako nagkakamali ay ito ang babaeng papalitan ko.

“Elea, finally you’re here.” – sabi ng HR. Nakita ko kung paano ako ngitian nang babaeng nag ngangalang Elea.

“Siya na ba ang papalit sa’kin?”- tanong pa ng babae. Agad na tumango ang HR. Bahagya pang nag usap ang dalawa, at maya-maya lang ay pareha na kaming nasa loob ni Elea ng elevator patungong sa aming destinasyon.

Tumunog ang elevator hudyad na nasa palapag na kami nan gaming pupuntahan.

“Let’s go?” – aya sa’kin ni Elea, tahimik akong sumunod dito habang ang mga mata ay sumusuri sa lugar na kinalalagyan. Normal na opisina lang naman, ngunit kumpara sa ibang palapag ng building na ito ay mas higit na elegante ang palapag na kinalalagyan. Mayroong anim na pinto akong nakita roon, na sa tingin ko ay may iba’t ibang malalaking tao rin ang nasasa loob noon. Ngunit mas naagaw ng aking pansin ang pintong may kakaiba at gandang desenyo, at kung hindi ako nagkakamali ay ito ang opisina ng may-ari ng kompanya na ito. Patunay na kasi doon ang office table na nasa gilid ng pinto, na mukhang magiging opisina ko na.

Boss! I'm Pregnant! (Edited Version) Where stories live. Discover now