Chapter 1 : Beginning

12.5K 287 9
                                    

Tiffany


"Guys, rise and shine! Bumangon na ang haring araw kaya dapat bumangon na rin kayo!" I sighed. Nakakapagtaka. Bakit dito sila natulog sa kwarto ko? Parang wala namang aircon sa mga kwarto nila.

Tinignan ko ulit ang tatlo pero hindi pa din sila bumabangon.


"Hoy kayong tatlo diyan gumising na kayo at baka malelate na tayo!" Sigaw ko habang patalon talon sa kama. Tulog mantika talaga ang tatlong 'to oh.


"Hmm. Five minutes please," sabi ni Crystal. Sumang ayon naman ang dalawa.


Ayaw niyo talaga, ha. Bumaba ako sa kama at nakapameywang na nakatayo sa harap nilang tatlo.


"Walang five minutes! Bilis na bangon na kayo! Gusto niyo buhusan ko kayo ng malamig na tubig, o 'yung kumukulong tubig?!" Sigaw ko ulit. Nakakagigil na talaga sila ha.


"Babangon na nga kami."


"Maliligo na ako."


"I want to sleep pa ng matagal." Sabay-sabay na tugon nilang tatlo na parang mga zombie. Mabuti naman at nadala na rin.


By the way, before ko malimutan, I want to introduce myself. I'm Tiffany Mae Alvord. Ako ang pinakasweet sa kanilang lahat. Friendly, hindi maldita. Well, medyo lang pala. I mean, hindi masyadong sweet, pero hindi rin naman magaspang ang ugali. Katamtaman lang. Hay, ang gulo ko.


So much for that, nagtataka kayo kung bakit ako sumisigaw am I right? Tinatawag ko kasi ang mga kasama ko sa bahay na sina Daphne, Crystal, at si Sabrina. Unlike other high school students, nakatira kaming apat sa iisang bubong. Bakit? It's not just because we want to be away from our parents. Bonus na 'to. Pero kasi, lahat ng mga parents namin ay business partners so walang mag-aalaga sa amin sa mga bahay namin dahil nga busy sila. That's why they decided na ipatira kami sa iisang bahay para mabantayan at maalagaan namin ang isa't isa. Sila naman  ang nagbabayad sa mga gastusin dito sa bahay katulad ng tubig, kuryente at iba pang may kinalaman sa finance dahil estudyante pa lang kaming apat.


Actually, okay lang naman sa'kin na sa bahay ng parents ko pa rin ako titira dahil meron naman akong kasama doon. Pero masaya din naman na titira ako kasama ng mga kaibigan dahil masaya. Ang saya kaya na may karamay ka sa lahat ng bagay. At tatlo pa sila. The more, the merrier!


Okay, back to present time. Nagulat sila nang makita nila akong nakaready na for school.


"O, bakit ang aga mo ata ngayon?" tanong sa'kin ni Daphne, ang babaeng amazona. NBSB 'yan. Kaya nga walang lalaking hindi nabasted sa kanya eh. Palagi niya kasing ginugulpi kaya ang mga lalake, hanggang tingin nalang. Pero kung titingnan mo lang si Daphne, para siyang anghel na hindi makabasag pinggan. Pero, pero ulit ha, 'wag mo na lang siyang pagsalitain dahil madalas ka lang niyang mumurahin. Oha, rhyming! Haha!

Campus Royalties AcademyWhere stories live. Discover now