welcome d^__^b lll

167 37 2
                                    

*

*

*

*

*

*

*

.

.

.

.

.

.

.

.lawrence's POV

makalipas ang ilang minuto mula nang makapasok kami dito sa silid-aralan, hindi parin ako natitinag dahil nakita ko na naman si soduko bweset. "psh! naiirita ako sa pagmumukha niya".

itinuon ko nalang ang atensyon ko kina yassy na masayang nagkukwentuhan kasama sina inna, minyie at janine na nasa unahan namin nina troy at jhanrei. walang pagbabago, same old time na nung high school palang kami. kwentuhan, bulungan ang lahat kahit na may instructor na nagdi-discussed sa unahan.

at tama nga, si yassy na kapatid ko ay ka-batchmate ko. pa'no nangyari? mahabang kwento. dahil  wala na naman ako sa mood, next time ko nalang ikukwento kung bakit.

ang kaninang saya at ligayang bumabalot sa sarili ko ay biglang napalitan ng inis at irita nang makita ko si bweset. hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko ngayon.

"hindi pa tayo tapos!.." napahigpit ang hawak ko sa ballpen nang di sinasadyang mapalingon ako sa kinauupuan nila at nagtama ang paningin namin ni bweset. ngayon masasabi ko na magkadikit ang kilay ko sa pagkakasalubong. napaigtad pa ako sa kinauupuan ng bigla siyang ngumisi.

"arrggh! ginagalit talaga ako ng bweset na'yan!!!..." d>>_<<b

"lawrence okey kalang?" nagulat pa ako sa biglang tanong ni troy na bakas ang pagtataka.

"hoy.. nakikinig ba kayo? magi-introduce daw ng sarili hahaha feeling ko nasa high school parin tayo." siya namang kalabit sa'min ni jhanrei.

nabaling man ang atensyon ko sa kanila andun parin ang isip ko kay bweset. "nakakainis talaga!!! lintik lang ang walang ganti...!!!" d>>>>_<<<<b

"hoyy.. ano bang nangyayari sa'yo?.." tanong na naman ni troy. natauhan ako. hindi ko namamalayang ipinupukpok kona pala ang ballpen na parang patalim sa armchair.

"kuya... hahaha nag-aaway kayo?" napaangat ako ng tingin at napatingin kay yassy. palipat-lipat ang tingin niya sa'min ni troy. masyado na yatang halata sa mukha ko ang pagkairita at inis.

"ah eh .. hehehe no!.." sagot ko sa kanya na pilit pang tumatawa.

"just don't mind us.." saad naman sa kanya ni troy.

"okey.. ayy tayo na pala ang next.." buti naman hindi na nagkwestyun pa si yassy. sa kakaisip ko kay bweset hindi ko na rin napansin na sina yassy na ang susunod na magi-introduce.

"alam mo pare, umayos ka kung ayaw mong pagtawanan ang ganyang itsura mo hahaha" tiningnan ko si troy ng masama. loko 'to anong akala niya sa'kin kasing pangit niya. psh! bakit nga ba hindi ko mapigilang ang magalit ngayon. bweset na babaeng yan! panira ng araw.

"wala ka nang pakialam, ikaw nga ang umayos dyan! nagmumukha kana namang bakla.. psh!" naiinis na sagot ko sa kanya at umayos ng upo.

"wooh! go janine...!" isa pa 'tong si jhanrei. ang ingay! kailangan pa bang mag-cheer?

Mr. hambog meets Ms. weirdoDove le storie prendono vita. Scoprilo ora