Chapter 13

43.2K 986 96
                                    

ELISA

Naisipan kong dumiretso sa sementeryo kung saan nakalibing si mama. Kahit sobrang dilim na ay itinuloy ko pa rin ang balak ko. Gusto kong lumayo muna.

Sobrang dilim, pero patuloy pa din ako sa paglalakad.

Ng mahanap ko na kung saan nakalibing si mama ay lumuhod ako. Napatigil ako sa nakita ko. Bakit may mga bulaklak? Halatang bago pa ito at sariwa. Tumingin ako sa paligid. May iba pa bang dumadalaw bukod sa'kin?
Panay ang gala ng mata ko sa paligid.
Ng wala naman akong makita ay napatingin ako muli sa libingan ni mama.

             Marcela Elise L. Mendez

Born: Feb. 16, 1974
Died: Feb. 10, 2005

Bumalik sa'kin lahat ng masasayang alaala. Bigla kong namiss si mama. Lahat ng pag-aalaga niya at pagmamahal sakin noong nabubuhay pa siya. Tumulo ang mga luha ko.

"Kamusta ka na mama?" Tanong ko.

"Alam mo ba, ma. Bumalik si tiya Martha. Ang sabi niya, siya daw ang tunay kong ina. Totoo po ba ma?"

Pinahid ko ang luha ko.

"Kung siya ang tunay kong ina. Paano nangyari na nawalay ako sa kanya?"

Biglang bumalik sa'kin ang mga sinabi ni tiya kanina.

Elisa, hindi. Ako ang ina mo. Yung batang namatay noon, siya ang tunay na anak ng mama mo. Pinagpalit niya ang namatay niyang anak sa anak ko.

"Totoo po ba ang sinabi niya? Na ipinagpalit mo ang namatay mong anak para sa 'kin?" Tanong ko.

Hindi ko lubos maisip kung magagawa 'yon ni mama dahil sa pagkamatay ng anak niya. Pero, mabait si mama at hindi niya 'yon magagawa.

"Mama. Kung ano man ang totoo. Tatanggapin ko. Pero, hindi ko po mapapatawad ang tunay kong ina na siyang nanakit sa'kin." Sabi ko.

"Kahit may parte sa'kin na naniniwala na siya nga ang tunay kong ina. Hindi pa din 'yon sapat na dahilan para mapatawad ko siya, mama." Sabi ko.

"Para sa akin, ikaw ang tunay kong ina. Mahal na mahal po namin kayo ng anak ko." Hinalikan ko ang puntod ni mama.

"What are you here doing in my mother's grave?!" Napahinto ako at lumingon sa aking likuran.

Isang babae ang papalapit sakin ngayon.

Tumayo ako at humarap sa kanya. Maganda siya at mukhang mayaman. Pero mas nakuha niya ang atensyon ko ng makita ko kung sino ang kamukha niya.

"Who are you? Bakit mo hinahalikan ang puntod ng mommy ko? Do you know her?" Sabi nito.

Napatitig ako sa kanya. Ang ganda niya. Kamukha niya si mama.

Hindi ko maiwasang mapaluha. Ito na ba ang sagot?

"Tinatanong kita miss. Sino ka?" Tanong niya muli.

"A—ako si Elisa." Sagot ko.

Kung patay na ang anak ni mama. Sino 'tong nasa harapan ko? Bakit kamukha niya?

"Elisa, whoever you are. I want to know kung ano ang ginagawa mo dito sa puntod ng mommy ko." Tanong niya.

Napatingin ako sa puntod ni mama.

"B—binisita ko lang ang mommy mo." Sagot ko. Muli akong tumingin sa kanya.

"Sino ka ba? At bakit mo siya binibisita?" Tanong niya. Sa tingin ko ay may pagkagaspang ang ugali niya.

Sasabihin ko ba?

"P—pamangkin niya 'ko." Pagsisinungaling ko kahit 'yon ang totoo.

Matagal siyang tumitig sa'kin at umamo ang mukha at lumapit puntod ni mama. Lumuhod ito.

"I thought ako lang ang bumibisita sa kanya. But you're here." Sabi niya at may nilabas sa bag niya. Isang kandila.

"Tomorrow is her birthday. May nakaalala din pala." Sabi niya. Biglang umamo ang boses niya.

Oo nga pala! Birthday ni mama bukas! Kaya siguro nangyayari ang lahat ng 'to.

"A—ah, oo. Tama ka." Sagot ko habang nakatayo lang ako sa likod niya.

"Binisita ko na siya ngayon dahil may pasok ang anak ko bukas and may event sila sa school. Magdamag ako doon kaya di ako makakadalaw." May anak na din pala siya.

"May anak ka na pala. Parehas tayo." Sagot ko.

"Really?" Tumayo ito at humarap sakin.

"O—oo."

"Ilang taon na siya?"

"4 years old."

Nanlaki ang mata nito.

"Really? Same age lang pala sila ng anak ko. My daughter is 4 years old too." Napatango na lang ako at ngumiti.

"What's your name again?"

"Elisa."

"Elisa?"

"E—Elisa Mendez- Saavedra."

Kumunot ang noo nito.

"Saavedra?" Tanong niya.

"Oo. 'Yon ang apelyido ng asawa ko. Samantalang Mendez ang apelyido ni mama." Nakatitig lang siya sa'kin.

"I think it's just a coincidence." Napa 'huh' ako sa sinabi niya.

"Oh, nevermind. Kamusta si tita? Ang sabi sa'kin dalawa lang daw silang magkapatid ni mommy. Buti na lang at sinabi mong Mendez ka. Kasi Mendez ang apelyido ni mommy eh. And 'yon na ang ginagamit ko simula nung— never mind. But I am using Montejo now. May asawa na kasi ako." Sabi niya.

Ano bang sasabihin ko.

"Ah, oo nga eh." Sabi ko.

"P—pwede ko ba siyang makita?" Hindi ako naka-imik sa sinabi niya.

Paano ko ba gagawin ang gusto niya. Gusto ko mang sabihin lahat sa kanya pero 'di ko magagawa 'yon sa ngayon. Baka di niya maintindihan. Pero, sa palagay ko ay may alam siya sa nangyari sa mommy niya.

"N—nasa abroad si mama." Pagsisinungaling ko.

"May Facebook account ba siya?"

"W—wala. Busy siya sa trabaho."

Halata sa mukha nito ang pagkadismaya.

"Ganon ba? Sige next time na lang. Pakisabi na lang na ako 'yong pamangkin niya ha?" Tumango ako.

"Anong pangalan mo?" Tanong ko.

"Ay oo nga pala! I'm Erich Raye M. Montejo. Your only one cousin. Sorry, sa ugali ko kanina ah? Nagulat kasi ako." Sabi nito habang nakangiti. "By the way." May kinuha ito sa bag niya. "Here's my calling card. Tawagan mo lang ako ha?" Sabay abot sakin ng card.

"Nice meeting you Elisa. Mauna na ko ah? Maaga pa kasi ako bukas. Umuwi ka na din." Sabi niya.

"Bye, mommy." Paalam nito sa puntod ni mama.

"Bye Elisa!" Humalik ito sa pisngi ko at umalis.

Napatingin ako sa binigay niya.

Erich Raye M. Montejo
Montejo's Clothing
Contact no: 09********

Erich?

San ko ba narinig ang pangalan niya?

The Ignorant Selfless Wife (BOOK 1)حيث تعيش القصص. اكتشف الآن