Chapter 7: Kulit

2.3K 113 7
                                    

Nathalie's point of view.

"Join us in dining hall."

"That's absurd." Sambit ko at umalis, pero hinarangan na naman niya ako at ngumiti ng nakakaloko sa harapan ko.

•••

As usual, maraming estudyante sa dining hall.

"Here's your large red velvet flavored milk tea and carbonara

Ουπς! Αυτή η εικόνα δεν ακολουθεί τους κανόνες περιεχομένου. Για να συνεχίσεις με την δημοσίευση, παρακαλώ αφαίρεσε την ή ανέβασε διαφορετική εικόνα.

"Here's your large red velvet flavored milk tea and carbonara." Sambit niya sabay lapag ng pagkain sa mesa. Yup, sinamahan ko siya este sila. Pinapunta ko na lang ang tatlo sa hideout namin.

Akmang kakain na ako ng carbonara ng, "Can I get your number?" Sambit niya at nilapit ang kanyang mukha sa mukha ko.

"Suntok, baka gusto mo?" Irita kong tugon.

"Ang sungit," sambit ni formal attire at sinundan naman ng halakhak ni giant. Sobrang tangkad niya kasi.

"You know what, you don't know me well yet, so stop acting that we are close. Kilala niyo ba talaga ako?" Tanong ko sa kanila sabay layo ng mukha ko sa mokong at kinain ang carbonara ko.

"Kailangan ba talaga naming kilalanin ka?" Sabay nilang sabi at nabulunan naman ako. Bwiset, kailangan sabay sabay?

"Aalis na ako. This is going to be the last time na magkikita tayo." Tugon ko at tumayo na.

"We're classmates, remember?" Sambit ni Denver.

"Hoy, Koreanong baliw. Lahat na lang ba na sasabihin ko ay literal para sa'yo?" Sambit ko at inirapan ko siya sabay talikod.

"I love her personality." Mahina niyang sabi pero narinig ko pa din bago umalis.

•••

Naisipan kong bisitahin si Nathalia sa elementary building at saktong nakita ko agad siya kaya sinundan ko siya nang tahimik.

Nakaka-tatlong hakbang pa lang ako sa paglalakad ng humarap siya.

"Are you stalking me, ate?" Sambit niya at napangisi na lang ako

Ουπς! Αυτή η εικόνα δεν ακολουθεί τους κανόνες περιεχομένου. Για να συνεχίσεις με την δημοσίευση, παρακαλώ αφαίρεσε την ή ανέβασε διαφορετική εικόνα.

"Are you stalking me, ate?" Sambit niya at napangisi na lang ako.

"Paano mo nalaman na sinusundan kita?" Tanong ko sa kanya.

"Guts?" Sambit niya at napakibit-balikat pa ang bruha.

"Anyway, can you stop doing that, ate? How many times do I have to tell you na wala nga akong boyfriend." Tugon niya. Napatawa na lang ako ng konti.

Lumuhod ako sa sahig para maging magka-level ang height namin.

"Alam mo," sambit ko sabay hawak sa buhok niya. "kaya lang naman kita sinusundan kasi baka may nangbu-bully sa'yo."

"Ano naman ang gagawin mo sa kanila? Susuntukin, sisipain, sisikmurahin? That's not good, ate. You should also stop doing that." Seryoso niyang tugon na may halong pag-aalala sa kanyang boses. Niyakap ko na lang siya.

"Basta mag-ingat ka." Sambit ko at umalis na.

•••

"I missed you." Bungad agad ni Drake pagpasok na pagpasok ko pa lang sa hideout sabay yakap sa akin.

"Baliw," sambit ko at dahan dahang kinuha ang mga kamay niya na nakapulupot sa aking bewang. "Maka-drama ka diyan as if nanggaling ako sa ibang planeta." Sambit ko at tumawa.

Umupo kami sa couch.

"Nasaan ang iba?" Tanong ko.

"Nakalimutan mo ba?" Tanong ni Drake.

"Ang alin?"

"May members' battle ngayon sa Underground pero tatlo laban sa tatlo lang. Nag-insist ako na kailangan nila akong isama at may kailangang mag give way pero nagpumilit si Yancy na silang tatlo lang daw." Pagtatapos niya ng usapan.

"Shoot, oo nga pala. Bakit hindi mo sila sinamahan?" Tanong ko.

"Dahil hinihintay ko kung kailan mo balak umalis kasama ang mga transferees?" Sarcastic niyang tugon.

"So why didn't you show up?"

"Nah, I don't want to ruin your day with them."

"What you're thinking is very wrong. Sinira na nila actually ang araw ko. Hindi ko nga din aakalain na close na agad ang tatlong 'yon." Sambit ko.

"Hindi mo sila kilala? Sila ay--"

"Sila ay sina mokong, formal attire, at giant." Mabilis kong tugon sa sasabihin niya sana. "Punta tayong Underground." Sambit ko at umalis na kami. Hanggang ngayon, ay gulong gulo pa rin ang isip ni Drake sa sinabi ko.

Habang naglalakad ay nag-ring ang phone ko.

"Oh, Daz? Nasa kalagitnaan kayo ng away bakit ka tumaw--"

"Si..." Hingal na sabi niya. Kaya mas binilisan namin ang paglalakad ni Drake. Alam kong hindi maganda 'to.

"Si?" Tanong ko.

"Si Zai," hingal pa rin na tugon niya. "Si Zaira. Nawalan ng malay. Kailangan namin si Drake." Sambit niya at pinatay na ang tawag.

Shoot, bakit ba naman kasi members' battle ang kailangang mangyari ngayon?

"They need your help." Tugon ko kay Drake at kumaripas na kami ng takbo.

Written In The StarsΌπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα