Kabanata VI - Panibago

Start from the beginning
                                    

Tumakbo si Karyo patungo sa nakahandusay at wala nang buhay na dalagang punit-punit ang kasuotan.

Lalong humikbi ang binata at niyakap nang mahigpit ang babae.

"Mahal ko!" may halong galit at hinagpis ang boses ni Karyo.

Hindi kinaya ni Raya ang eksena. Hindi niya kayang nakikitang nasasaktan ang kanyang tauhan. Tumalikod siya at umiyak din. Nakakaawa si Karyo. Ayaw niyang nakikitang nahihirapan ang kanyang karakter. Halos mapunit ang puso niya habang naririnig niya ang paghikbi ni Karyo sa harap ng namatay na kasintahan.

"Magbabayad sila! Magbabayad kayoooo!" sigaw ni Karyo.

------

Kakatapos lang tabunan ni Karyo ang hukay ni Matyang. Pulos katahimikan na ang namayani sa paligid. Bago niya pinuntahan si Raya, na kanyang iniwan sa dalampasigan ng Ilog wawa, inihagis niya ang isang puting rosal sa puntod ng minamahal.

"Ipinapangako ko, Matyang, magbabayad ang may gawa sa iyo nito. Gagawin ko ang lahat upang magkaroon ng hustisya, kasama ang hustisya para sa mga katulad mong kinitil ang buhay para sa pansariling kapakanan. Balang araw, lalaya tayo sa pagkakasupil sa kadena ng mga lilo at mabubuhay ang susunod na henerasyon nang matiwasay. Paalam, mahal ko. Mahal na mahal kita."

Bago niya tinungo si Raya, pinunasan niya muna ang kanyang mga luha, at matipunong naglakad, bilang senyales ng kanyang pagbabagong anyo at pagbabagong buhay. Ngayon, handa na siya sa kahit ano mang laban. Titiyakin niyang magiging matagumpay siya sa misyong iniatang sa kanya ng kanyang mga katipon.

"Okay ka lang ba?" malungkot na tanong ni Raya sa binata.

"Hindi ko talaga maintindihan ang iyong mga sinasabi," saad ni Karyo.

"Ang ibig kong sabihin, maayos na ba ang pakiramdam mo?"

"Sa iyong pakiwari ba ay sasagutin ko iyan nang may katotohanan? Binawi ang buhay ng mahal ko. Balak pa naman naming magpakasal pagkatapos ng rebolusyon. Hindi ko alam kung kailan ako muling ngingiti dahil naglaho lahat ng pangarap namin, hindi ko alam kung saan ako magsisimula" matabang na sagot ni Karyo.

"Move on," sagot ni Raya. Napatingin nang may pagtataka si Karyo sa kanyang sinabi.

"Ang ibig kong sabihin, hindi natin hawak ang buhay natin. Mayroong nakatadhana para sa ating lahat. Walang nakakalam kung ano ang kani-kaniya nating kapalaran, maging ang nangyari ngayon sa kasintahan mo, hindi natin naisip iyon. Kung ang mundo ay binabalot ng kahiwagaan ng biglang pagpanaw, hindi ba't dapat tayong maging handa sa lahat ng bagay?At kung dumating man iyon, kailangan matatag pa rin tayo at magsimula ulit. Gawin mo na lamang inspirasyon ang inyong mga moments.. i mean.. ang ibig kong sabihin.. gawin mo na lang pampalakas ng loob ang inyong pag-iibigan at ang mga alaala ninyong dalawa upang mabuhay. Eh ano naman ngayon kung wala na si Matyang? Mawawalan ka na rin ba ng ideyalismo ng kalayaan? Gawin mong inspirasyon si Matyang upang magtagumpay ang hangarin mo.. na hangarin rin ng bawat Pilipino," paliwanang ni Raya.

"Maaring tama ka, pero hindi ganoon kadali, kalahati ng puso ko ang nawala at naiwan itong sugatan" saad ni Karyo habang namumulot ng bato at itinapon ito sa ilog.

"Hihilumin ng panahon iyan," sabay turo ni Raya sa dibdib ni Karyo at ipinagpatuloy, "May darating ding gagamot ng sugat mo at hindi papansinin ang peklat na nakaukit diyan. Dahil mas mahalaga ang kasalukuyan kaysa nakaraan." Ngumiti ng matamis si Raya.

Napayuko si Karyo. Umepekto nanaman ang mahiwagang pananalita ni Raya.

"Iibig ka ulit, maniwala ka," sambit ni Raya habang nakikinita niya ang napipintong pag-iibigan nina Karyo at Emelita.

Sa likod ng ngiti ni Raya, nakakaisip na siya ng kwentong isusulat at isusunod niya.

Biglang tumayo si Karyo. "Tumalikod ka, maglilinis lang ako ng katawan, may kakatagpuan ako mamayang alas dos impunto," utos ni Karyo.

"Sus! Nahiya ka pa! Nakita ko na yang katawan mo kanina pa, at nahawakan ko pa!' panunudyo ni Raya sa binata.

Nakita niyang namula ang binata.

"Matutuwa kaya si Emelita pag nakita niyang ganito kainosente ang magiging nobyo niya?" naisip ni Raya. Kinilig siya sa part na iyon.

"Hindi kaaya-ayang nakikita ng dalaga ang katawan ng isang binata," pagmamatigas ni Karyo.

"Okay! Fine!" bulong niya sa sarili at tumalikod na.

Hinagis naman ni Karyo ang damit niya sa dalampasigang kinauupuan ni Raya habang nakatalikod si Raya sa ilog. Naririnig ni Raya ang tunog ng mga tubig habang naghuhugas si Karyo ng katawan.

Kinilig siya nang bigla. Nasagi tuloy niya ang kamiseta ni Karyo. Nakaawang ang isang kwintas sa isang bulsa ng kamiseta. Kinuha iyon ni Raya. May orasan. Piniindot niya ito. Nakakita siya ng hugis pusong larawan ng magkasintahan. Bigla niyang naalala ang lumang kwintas sa kanyang apartment. Kahawig na kahawig ito ng kwintas ni Karyo. Bigla niyang nabitawan ang kwintas sa tubig. Ang talsik ng tubig ay naging maingay. Nabingi siya sa ingay na narinig niya kaya siya napapikit. Bigla siyang nahil dahil parang gumagalaw ang kanyang paligid.

Está Escrito (It is Written)Where stories live. Discover now