Kung sasabihin kong spaghetti, ham, o kung anu-ano pa, baka mamaya papalutuan niya pa ako sa cook nila kaya nagkibit balikat ako.

"Gusto ko ng mga prutas. Hello! May period kaya ako. Kailangan ko ng healthy foods." Sabay tango ko. "Pero yang dala mo? Ano yan? Cheese stick?" Tumawa ako.

Kumunot ang noo niya.

Papalabas na kami ng gate ngayon. Naghanda na rin si Mang Elias para sa pagsakay naming dalawa. Maging siya ay inirapan ko na. Kasabwat ito ni Hector. Kalaban siya.

"Ah! Actually, Chesca." Aniya nang nasa loob kami ng sasakyan. "May dala akong prutas sa likuran. Ipapadala ko dapat sayo talaga ito ngayon." Ngumisi siya at kumindat sa akin.

Iyong ngisi ko kanina ay napawi na lang na parang bula. Ipapadala? Nilingon ko ang likod ng kanilang Jeep at nakita ko ang mga basket na may lamang mga prutas.

WHAT IN THE WORLD?

"Buti pinaalala mo. Mang Elias, patulong ako mamaya ipapasok natin 'to sa kanilang bahay. Ganun pala pag may period? Pwedeng pakopya ng kalendaryo mo sa pagpeperiod nang sa ganun ay malaman ko kung kailan kita bibigyan ng prutas?"

Natulala ako sa sinabi niya.

"May strawberry diyan, marami. Hindi kasi ako kumakain ng strawberry. Ikaw? Mahilig ka sa strawberry?"

Shit lang! Walang pumapasok sa kokote ko dahil sa sinabi niya. At mas lalong walang pumasok sa kokote ko nang naaninag ko na ang bahay namin. Kitang kita ko pa si mama na nag wawalis ng patay na dahon sa aming bakuran. Tumayo siya ng maayos nang nakitang dumating ang sasakyan nina Hector. Nakita ko ring mabilis na lumabas si tiya habang dala-dala niya ang bilao. Sumigaw pa si Tiya at mabilis ding lumabas si papa at tiyo na parehong may dalang sasabunging manok. Halatang sa pagmamadali ay hindi na naiwan pa ang trabaho.

Kumabog agad ang puso ko sa kaba. Ngunit si Hector at Mang Elias ay mabilis na bumaba at inisa isa ang mga basket sa likuran. Ano pang hinihintay ko? Mabilis din akong bumaba bago pa may atakehin sa mga kapamilya ko. Agad akong kumaway nang sa ganun ay makita nila ako.

"CHESCA!" Halos mapaos si mama nang isigaw niya ang pangalan ko.

Tumakbo pa ito sa gate at pinagbuksan ako.

"M-Mama."

"Anong ginagawa ng Dela Merced na iyan dito?" Pagngangalit niya.

"Ma, calm down. Uhm..."

Shit! Ni hindi ko pa ito napag isipan!

"Ano? Kukunin niya na ba sa atin ang lupa? CRAIGGGGG?" Sigaw agad ni mama.

Mabilis ding lumabas ang kapatid ko at ang pinsan kong si Teddy. Pareho silang laglag ang panga.

Uminuwestra ko kay Craig na tulungan si Hector at Mang Elias sa pagdidiskarga ng mga basket.

"Hindi po. Calm down, mama." Sabi ko sabay hawak sa kamay niyang nanginginig sa braso ko.

"Magandang hapon po." Nakangising bati ni Hector nang biglaan siyang pumasok sa bahay namin dala ang isang basket ng strawberry.

"ANONG GINAGAWA MO DITO?" Sigaw ni mama sabay turo kay Hector.

Napawi ang ngiti ni Hector sa sigaw ni mama.

"MAMA!" Sigaw ko sabay baba sa kanyang nakaturong kamay.

Nanliit ang mga mata ni mama.

Pinahid ni Hector ay kamay niya sa kanyang jersey at naglahad ng kamay.

Seryoso niyang tiningnan si mama. Maging ang nakatungangang tiya, tiyo at papa ko ay kanyang pinasadahan ng tingin.

"Ako nga po pala si Hector Dela Merced. Nandito ako para ligawan ang anak ninyo." Dinig na dinig sa boses niya ang awtoridad. Hindi ako pwedeng magkamali, siya nga ang hari dito. Nakakapanuyo ng lalamunan ang kanyang boses na umalingawngaw sa buong bakuran namin.

End This War (Alegria Boys #3) (Published under MPress)Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora