Chapter 38: Unexpected

Start from the beginning
                                    

"Nung college po kasi ako, ung unang beses na napanaginipan ko kayo, yung boyfriend ko nun, which is ex ko na po ngayon, nakita ko na niloloko ako sa panaginip at nagkatotoo. Ngayon po naman nanaginip ulit ako, niloloko din daw po ako nung bf ko ngayon which is ex ko na rin po, at totoo pa rin. Ang nakaka-lito po dito, parehas sa mga panaginip na yon, may isang lalake na nagcocomfort sakin pero malabo ang mukha. Bakit po ganon?"

MC: "Nako iha, kaya nga ako nag-retire na sa pagiging manghuhula dahil humihina ang extinct ko kaya naadik na ako sa kakalabas ng bahay dahil alam ko na hindi naman ako gaano ka-pro sa pagiging fortune-teller, na-pilitan lang ako siguro dahil angkan kami ng manghuhula, namana ko naman kaso hindi 100% kaya tinigil ko na, minsan nga sablay pa ako manghula pero ang nagugulat ako eh matagal mo na pala akong napapanaginipan. Hmmmn, weird pero iha wag kang maniniwala sa lahat ng nakikita mo sa panaginip mo"

"Yung mga lola ko din po, nananiginip din daw po dati, pero minsan mali, minsan hindi. Ang weird di ga po?"

MC: "DI naman, siguro genes lang yan. Anyways, ayun nga sinabi ko, panaginip lang yan eh. sabi mo nga hindi lahat nangyayare. Pero yung mga tong nakikita mo na malabo ang mukha, pakiramdam ko yan yung mga taong hindi mo pa nakikilala o NAKILALA MO NA PERO HINDI MO PINAPANSIN."

Napaisip ako.

Ang weird pero nalilinawan na ako.

Tama sya eh, panaginip lang yun, pero yung unang beses kong managinip, nagkatotoo, yung ngayon nagkatotoo.

Pero may lalaki na andyan para sakin na siguro hindi ko lang napapansin.

Si Paul?! O___O

MC: "Uy iha?"

"Hindi po kaya sya yung ex ko? yung kauna-unahang napanaginipan ko na niloko ako?"

MC: "Ay hindi si John? joke. Biro lang iha. Pwede, nasa puso mo yan. Kung sino ang palagay mo, at kung maniniwala ka sa panaginip mo. Eh ako ngang fortune-teller dati, hindi naniniwala sa mga nangyayare sa panaginip ko eh. Ikaw, ikaw ang bahala. Ikaw ang gagawa ng sarili mong istorya."

"Tama naman po kayo, tsaka di naman ako madalas managinip."

MC: "Sa palagay ko, guide lang yan iha sa tunay na buhay. At siguro, warning na rin sayo na may ganitong mangyayare at kung hindi mo kokontrahin o babaguhin ang perspectives mo sa buhay / lovelife mo, baka dun pa lang nangyayare."

"Baka nga po, kasi nananaginip muna ako, tapos saka pa lang nangyayare."

MC: "At siguro kaya ako ang nasa panaginip mo at ikaw ang nasa panaginip ko.... Isa lang ang dahilan nyan......"

"Ano po?"

Naging seryoso ang mukha nya.

MC: "Magiging ninang ako sa kasal mo.."

Tumawa sya at niyakap ako na parang sobrang excited.

Naloka ako kay Madam!

Akala ko naman kung ano na.

Natawa ako bigla :D

MC: "Oh diba napatawa kita, hahaha. Wag mo nang problemahin iha yang panaginip mo. Palagay ko naman kasi kaya ako talaga ang napanaginipan mo, at nagkita tayo, eh andito rin ako para i-guide ka o magiging andito lang ako kapag may problema ka..."

"Baka nga po. Marami nga po akong tanong at dapat ikwento na wala akong mapagsabihan eh.."

MC: "Tumpak! Baka yan na yung role ko"

Biglang dumating si John.

J: "Anong role po?"

"Wala, eto naman, bakit ang tagal mo?"

Second Chance Book 2: Our Destiny (Tagalog)Where stories live. Discover now