Ang unang kajejehan

6.5K 372 137
                                    

Dedicated sa kanya dahil natuwa ako sa comment niya. Ehe.

Hindi pa po naeedit kaya sorry kung may typo.

-----------------------------------------

Kasalukuyang nag-aayos ang EXO dahil kakatapos lang nila mag-shoot para sa EXO's Showtime. Ang iba ay nag-aayos ng gamit, at ang iba ay natutulog o nagpapahinga.

Pumunta si Chanyeol sa sofa sa kanilang sala habang nakasmile ng nakakatakot. Nakita ni Kris na nakasmile ito na ganto kaya imbis na umupo siya sa may sofa upang manood, umalis na lang siya. 'Putangina. May balak yun. Sigurado ako.' naisip niya at pumunta na lang sa kwarto niya.

Nananatili pa rin nakangiti si Chanyeol habang hawak ang kanyang cellphone. Pumunta si Luhan sa may side niya dahil nandun ang WiFi at titingnan niya sana ang password dahil nadisconnect niya ito sa phone niya.

Tumingin si Chanyeol sa kanya habang nakangiti ng nakakatakot. Busy si Luhan sa pagtype sa kanyang phone ngunit nang maramdaman niya ang nakatingin na si Chanyeol ay bigla siyang natakot pero nakuha pa nito magsalita.

"Ano?" tanong ni Luhan ngunit nag-smile lang sa kanya si Chanyeol ng nakakatakot ng hindi nakurap. "Nakakatakot ka." sabi ni Luhan at umalis na lang dahil natatakot na talaga siya.

Nang makaalis na si Luhan biglang dumating si Lay ng nakapikit. Natutulog ata. Nananaginip pa ata kaya umabot na sa puntong naglakad na papunta sa sala. Nakatingin lang si Chanyeol sa kanya at biglang nagsalita si Lay nang nakapikit.

"I'M WALKING ON RAINBOWS~~~ OH OH~~~ OH~~ UNICORN~~~~~ UNI----puta. Anong ginagawa ni Chanyeol dito sa panaginip ko? Futa~!! Bakit ganyan siya makangiti~!!!!! Ang mga unicorn ko ay di pa magaling ngunit umalis na!~~~~~~~~~ Natakot kay Chanyeol~~~~~ Bumalik kayo!!" sabi ni Lay at biglang tumakbo kung saan habang nakapikit pa rin.

Putangina. Hanggang panaginip, nandun pa rin si Chanyeol.

Out of nowhere, biglang dumating si Kai at D.O. Nag-uusap sila at umupo sa may sofa kung saan nakaupo ang nakangiting si Chanyeol. Hindi pinapansin ng Kaisoo si Chanyeol. Tumingin sa kanila si Chanyeol habang nakangiti pa rin. Tumingin sila kay Chanyeol ngunit walang bakas na takot sa kanilang mukha.

Umiwas na lang sila ng tingin at nagkwentuhan na lang.

"Hyung, ang hot ko." sabi ni Kai.

"Yabang talaga. Tss." sabi naman si D.O

Nakatingin pa rin sa kanila si Chanyeol at slow motion na pumupunta malapit sa kanila hanggang sa makadikit na siya sa idol niyang si Kai.

"Putangina, Hyung. Ano ba problema mo?" sabi ni Kai.

Katulad kanina, nag-smile lang siya. Nag-smile ng nakakatakot. Umalis na lang ang dalawa at pumunta sa kusina upang maglandian---ah este, mag-usap.

Sunod na dumating ay si Sehun at Tao. May dala silang popcorn at nagtatawanan pa. Umupo sila sa carpet at binuksan ang T.V.

Bigla nilang nabato ang kinakain nilang popcorn.

"PUTANGINA BAKIT THE GRUDGE TO PUTANGINA!" sigaw ni Sehun.

"HOY TEKA PUTA! NASAN NA BA YUNG REMOTE HALA PUTANGINA" sigaw din ni Tao.

Biglang nagsipuntahan ang iba pang member sa sala dahil sa pagsigaw ng dalawa.

"PUTA ANO BA NANGYARI" sigaw ni Chen.

"HOY ANO BA ANG INGAY NIYO! NAGPAPAHINGA!" sigaw ni Suho.

j3J3 3x0Where stories live. Discover now