What the fuck!

Habang nakababad ako sa bath tub ay patuloy na umiikot sa aking isipan ang mga ideas kung paano ba ako makakabawi. Ayoko sa sitwasyon namin. Nag-iisip din ako kung paano makakaganti kay Raze.

Hindi ko alam kung paano ako nakatapos sa pagligo at ngayon ay nakadamit na. Nagsusuklay ako sa harapan ng salamin nang maalala ang cellphone ko.

Hindi pa kami nagkikita ni Cedric kaya hindi ko rin alam kung nasa kanya ba ang cellphone ko. Baka itanong ko na lang bukas.

Naghintay akong katukin ni Ace ang pinto para itanong kung ready na ako na lagi naman nyang ginagawa ngunit walang katok ang bumuhay sa loob ko.

Napabuntong-hininga ako bago tinapunan ng huling tingin ang itsura ko sa salamin. Pagkalabas ko ay nakatayo sa gilid ng pinto ng kwarto ko si Ace na halatang kanina pa naghihintay.

"You took two hours. Why?" Malamig na tanong nito.

Makikita pa rin ang lamig nya sa kanyang mata na wala man lang reaksyon. "Akala ko kasi kakatukin mo ako..." Nahihiya kong tugon.

I felt uneasiness suddenly. Hindi ko alam kung anong gagawin ko sa harap nya. Nakakatakot ang mga titig nya.

"I didn't bother... Baka kasi nag-ayos ka ng husto para sa kanya."

Nalaglag ang panga ko sa sinabi nya at pinanuod syang maunang maglakad. Napairap ako sa inaasta nito. Bakit sila ni Angel? Naghalikan din naman sila pero hindi ako nagalit ng ganito!

You are unfair and I hate it!

Ibinalin ko na lang sa labas ng bintana ang paningin ko nang maramdaman ang awkwardness sa pagitan namin. Kasalukuyan kaming nagbibyahe. Seryoso syang nagdadrive habang ako ay hindi magkaundagaga sa paglipat ng paningin ko.

Pakiramdam ko ay magkaka stiff neck ako. Nakakasakal ang hangin sa loob. Napagpasyahan kong sindihan ang radio ngunit mabilis nyang pinigilan ang kamay ko.

"Ayoko ng maingay."

Lumobo ang pisngi ko. Ayoko na!

"Humingi na ako ng patawad, kung hindi mo matatanggap 'yon. Wala na akong magagawa." Malamig kong tugon.

"Tsk."

Hindi na ako nagsalita pa. I did my best but I think, my best was not good enough. I love that song pero ngayon ko lang naramdaman ang lyrics na 'yon.

Hindi na ako namangha sa laki ng kompanya nila since nakapunta naman na ako rito dati. Hindi ko alam na may kompanya pala sila sa labas ng HU.

Habang nasa elevator kami ay bigla kong naalala ang tanong ko kay Ace nung isang araw. Kung bakit hindi sila magkasurname ng kuya nya.

Nalaman ko na hindi pala lumaki si Ace kasama si Mr. Valdez at Luxury. Ang pangalan ng kanilang ina ay Veronica. Masaya naman sila no'n namumuhay hanggang sa humadlang sa kanila ang pamilya ni Tita Veronica. Pinaglayo silang dalawa. Naiwan si Lux kay Mr. Valdez.

Alam no'n ni Mr. Valdez na buntis si Tita Veronica kaya ginawa nya ang lahat para makuhang muli ang mag-ina. Nanganak si Tita Veronica kay Ace at sa kagustuhan ng kanyang magulang ay sinunod nila ang apelyido nito sa kanila. Craige.

Lingid sa kanilang kaalaman na may dinaramdam na palang sakit no'n si Tita Veronica. Nalaman na lang nila nang malala na ito. At bilang huling pakiusap nito ay hiniling nyang ibigay si Ace kay Mr. Valdez na sinunod naman ng kanyang mga magulang.

Sampong taon lang si Ace nang mamatay ang kanyang ina. Labis ang pagdurusa nya higit kay Lux dahil sya ang naging kasama nito sa mahabang panahon.

Chasing Hell (PUBLISHED)Onde as histórias ganham vida. Descobre agora