CHAPTER 30

3.3K 115 20
                                    

MAINE's POV

"Nana kayo na po munang bahala kay Cadee. May pupuntahan lang po ako" pagbibilin ko tska iniabot sa kaniya si Cadee.
Binalingan ko naman si Ate Beth na kasalukuyang nag-aayos ng school bag ni SethGab.
"Ate Beth kayo na rin po bahala kay SethGab. Hindi ko po kasi alam kung makakabalik ako kaagad" pagbibigay alam ko naman dito.
"Oo kami ng bahala rito. Huwag kang masyadong mag-alala. Pero saan ba ang punta mo?" nagtatakang tanong ni Nana.
"May lalakarin lang po akong papers" tangi kong sagot. Wala kasi akong ibang pinagsabihan tungkol sa pagbabalik ko sa showbiz para surprise.
"Bakit hindi ka pa sumabay sa asawa mo? Kaaalis lang din naman niya" tanong pa ulit nito. Hindi pa rin kasi nila alam na hindi kami nagpapansinan hanggang ngayon. Though sabay-sabay pa rin kaming kumakain hindi naman nila napapansin na may mali.
"Eh magkaibang way po kasi kami" pagdadahilan ko na lang.

Napatingin ako sa wrist watch ko, 7:45 am. Almost an hour travel din papunta sa office kaya maaga akong gumayak para maaga rin akong makaalis. Professional Code: Bawal ma-late.
"Bye bye na muna anak. I love you" hinalikan ko si Cadee sa pisngi tska tuluyang nagpaalam.

By 8:30 am ako nakarating sa office. Buti na lang at hindi traffic ngayon.
"Good morning Meng. Mabuti naman at maaga kang nakarating" bati ni Mam Jen tska bumeso sa akin na sinuklian ko naman ng ngiti. May mga ilan ding tao sa loob ng room na bumati. Most faces were familiar but some were new.
"May ilang media rin na nag-aabang for some interviews. I know familiar ka naman sa ganitong situations kaya kayang-kaya mo 'yan. Andyan na rin pala 'yung mag-aayos sa'yo" pagbibigay alam pa ni Mam Jen. Of course I know na may media talaga. Syempre showbiz eh. Given na 'yun.

Nilagyan lang ako ng konting make-up at lipstick tska kinulot ang dulo ng buhok ko.
"Ang ganda mo talaga Maine. Simpleng simple pero pak na pak! Hindi mo aakalaing may dalawa ng anak. Ang sexy pa rin eh. Ganiyan ba kapag alagang Alden Richards? Paalaga nga rin ako" sabi pa ng baklang nag-ayos sa akin.
"Ayyy. Ayyy. Salamat" natatawa ko namang sabi.

Ilang sandali lang tinawag na ako ni Mam Jen kasi oras na para sa contract signing. Flashing lights from the cameras almost made me blind. All eyes on me. Shock was evident among those invited press people. Hindi kasi nila alam na ako ang magbabalik sa showbiz ngayon. Kumbaga they're just there to get the latest showbiz scoop.

Maayos na natapos ang event na hindi man lang ako nag-entertain ng questions. I signed a 2-year contract with the network. Officially, I'm back. Hindi naman siguro masyadong magiging mahigpit 'yung schedule kasi magazine shoots, guestings and teleserye pa lang naman ang naka-line up sa ngayon. Kaya sigurado akong hindi naman ako mawawalan ng time para sa pamilya ko lalung-lalo na sa mga anak ko.

May pa-lunch sila sa office para raw i-celebrate ang pagbabalik ko. Eto 'yung isa sa mga namiss ko. 'Yung kung paano nila ako alagaan at pahalagahan. Ibang klase kasi talaga silang magmahal parang tunay na pamilya.
"Grabe si Louisa. Nagkaasawa at nagkaanak na ako ng dalawa hanggang ngayon nandito pa rin!" nabibilib kong sabi. Katatapos lang naming kumain at kasalukuyan kaming nagkukwentuhan.
"Ang masakit pa dun, nakakadalawa ka ng anak. Samantalang ako, hanggang ngayon wala pa ring asawa!" kunwaring naiiyak na sabi nito.
"Sus jowa nga wala, asawa pa hinanap mo. 'Wag ka ngang berat!" singhal ni Ate Deth dito na siyang ikinatawa ng lahat.

Hindi namin napansin ang paglipas ng oras. Mag-aalas sais na pala. Hindi naman halatang namiss namin ang isa't isa. Nagkakilala na rin kami ng mga bagong staff na ngayon ko lang din nakita kaya mas lalong nagkasarapan ng kwentuhan.
"Kayo talaga hanggang ngayon makukulit pa rin. Pero mauuna na ako sa inyo. Alam niyo na 'duties'" pagpapaalam ko sa kanila na sinabayan ko pa ng kindat.
"Nakoo. Anong klaseng 'duties' ba yan?" makahulugang tukso nila sa akin.
"Tse. For our eyes only. Hahahahacharot!" pang-aasar ko rin. Haaaay. Good times.
"Sus! Sige na. Humayo ka na at magpakarami na kayo" dagdag pa nila.
"Hala! Inaano ba kayo?" nagpapabebe ko namang sagot. Napuno tuloy ng tawanan ang opisina.
"Awwww. Namiss namin 'yan. Welcome back Menggay!" lumapit naman sila sa akin tska yumakap.
"Ang dadrama oh" pagbibiro ko para pigilan ang luhang nanggigilid na rin sa aking mga mata.
"Eto na talaga. Final na. Uwi ka na baka hindi ka na namin palabasin dito. Kawawa naman si Alden kung sakali" pang-aasar muli ng mga ito. "See you tomorrow. May shoot ka agad bukas para sa isang magazine. Iba ka talaga Meng! Ganda babai oh!" ako na mismo ang pumutol sa usapan dahil hahaba na naman ito at baka gabihin na ako sa daan. Isa pa miss na miss ko na agad ang mga anak ko kaya uwing-uwi na talaga ako.

Ng makasakay ako sa sasakyan chineck ko muna ang phone ko. May mga ilang messages din pero puro 'congratulatory messages' naman lahat. Miss na miss ko ng makakita ng message mula sa asawa ko. Nalulungkot man ay nagmaneho na ako para makauwi.

Tahimik ang naging biyahe ko pauwi. Tanging ingay lang mula sa radyo ang maririnig mula sasakyan ko at madilim na ng makauwi ako. Hindi ko inaasahan na pagbukas ko ng pinto nakatayo doon ang asawa ko na naka-cross arms pa at seryosong nakatitig sa akin. Hindi ko naman alam ang gagawin ko. It feels awkward.
"H-hi" tangi kong nasabi tska matipid na ngumiti pero hindi pa rin ito natitinag.
"Bakit hindi ka nakinig sa akin?" diretsahang tanong nito. Tila napipi naman ako. Gusto kong magpaliwanag pero walang salitang lumalabas sa aking bibig.
"Tell me! Nagkulang ba ako sa pagpapaalala sa'yo? Ganiyan ka na ba talaga katigas?" madiin ngunit mahina nito sabi na tila ba takot na may makarinig sa pagtatalo namin. Unti-unti na namang tumulo ang luha ko. Naghahalo-halo ang nararamdaman ko. Gusto ko siyang yakapin para magpaliwanag pero pakiramdam ko wala akong karapatan. Gusto kong sabihin sa kaniya na miss na miss ko na siya pero pakiramdam ko wala siyang pakialam. Malaya pa ring tumutulo ang aking luha pero para akong namamanhid at wala akong maramdaman.

- -
Dear KS,

Thank you for the 14 months of love. Minsan medyo nakakawalang gana pero aaminin ko na matapos ang mahabang araw ng realidad nag-rereplay pa rin ako. In the most unexpected time, you came and bid good bye. See you again soon. I'll miss you.

PS. How can I replay your episodes without being emotional?
PPS. How can I get you out of my system?
PPS. How can I unlove you? Charot! Hahahaha

-keiraesqueza-

A Life Beside Him (AlDub/MaiChard)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant