I'm Married ♡: Chapter 24

En başından başla
                                    

“Oo nga! Ang kulit mo po! Tss.” Sabi ko dito.

“Talaga? Nagising na ba sya? Critical pa din ba ang condition nya? Maayos na ba pakiramdam nya?” Tanong nya ulit.

Alam na din ng school ang buong nangyari kay bestfriend. Pati teachers naaawa kay bestfriend.

“Woah. Kailan ka pa nagkaroon ng PAKIELAM sa bestfriend ko? Alam mo, kung isa na naman to sa pusta nyo, pwes, wag ka ng pumusta dahil sisiguraduhing talo ka.” Sabi ko sa kanya. Sa pagkakaalam ko kasi, pinagbabawalan sya ni Tito Andy na pumunta sa ospital. Dapat lang, sino bang magulang ang hindi magagalit kung hindi dahil kay Ivan hindi maaksidente ang anak nila? Gosh. Ang bad ko. Naninisi ako. Sa bagay, totoo naman kaya. :P

“Bigyan nyo pa sana ako ng pagkakataon. Hihingi lang ako ng tawad.” Tila nagmamakaawang sabi nito.

“Sorry, pero hanggang ngayon hindi pa sya nagigising. In short, comatose pa din sya hanggang ngayon. Sabi ng doctor, minsan natagal daw ng ilang linggo, buwan, yung iba nga daw mga ilang taon. Depende daw sa kondisyon. Kahit doctor, hindi masabi kung kailan sya pwedeng magising. Intayin nalang daw na magising ito. Alam mo Ivan, sana nagsinungaling ka na lang. Para hindi na dumating sa puntong nangyari ito. Pero, wala na. Nangyari na. May napala ka ba? Binalikan ka ba ni Ianne? Hindi naman di ba? Wala ding nangyari Ivan. Mas pinalala mo lang ang sitwasyon mo. Dahil kahit magulang ni bestfriend, galit sayo.” Sabi ko sabay talikod at naglakad ng palayo sa kanya.

Sya ang dahilan kung bakit nasa critical na kondisyon si bestfriend! :’(

Sana hindi na lang sya ang minahal ni bestfriend!

“Kyla…”

“OH?!!” Sigaw ko. Ay, si Vince pala. =_= Kasama si Josh.

“Kung andito ka para bwisitin ang araw ko. Sorry na lang pero wala ako sa mood makipagbangayan sayo ngayon.” Sabi ko habang naka-cross arms pa.

“Kamusta si Alisa? Ok na ba sya?” Tanong nito.

“Unli po kayong magbabarkada! Tss. Hindi pa nga! Hanggang ngayon comatose pa din sya!!!” Sabi ko. =_= Tss.

“Kyla, sya nga pala. Kay Alisa ba ang lahat ng to?” Papalakad na sabi ni Ivan sa kin.

“Sayo kaya yan! As if naman na nagvavarsity jacket ng panlalaki si bestfriend. Tss.” Pinakita nya sa akin yung mga gamit na palihim naming kinuha ni bestfriend sa kanya. Shhhh lang kayo ha?

“Hindi. I mean, kinuha nya talaga to sa.. a-akin?” Tanong nito.

“Malamang. Tss. Aaminin nya dapat na sya yung nakuha ng nawawala mung mga gamit nung monthsarry nyo pero…. Narinig namin ang usapan nyo at nangyari yung aksidente. Pero, alam mo… Kung hindi nangyari yung aksidente at humingi ka ng tawad, alam kong papatawadin ka nya.” Sabi ko sa kanya. Hindi ko alam pero may tumulong luha sa mga mata ko.

“Kyla….” Sabi nilang tatlo.

“Kasi ikaw eh! *hik* Dapat hindi *hik* mo nalang pinaasa si bestfriend! *hik* Alam mo bang ikaka----- Alam mo bang galit na galit sina Tita at *hik* sinabing wag ka ng muling papalapitin kay bestfriend? Tas alam mo yung masakit? Yung dalawang linggo kang living dead sa classroom? *hik* Sya lang yung bestfriend ko! Sya lang ang kausap, ka-kwentuhan, at katawanan ko sa room! *hik* Pero, asan na sya? Andun sa ospital! Hindi ko man lang alam na kung kailan sya muling gigising! Tinitingnan ko pa lang sya sa stretcher, sobra na akong naaawa sa kanya. *hik*” Pero, kaagad ako niyakap ni Vince.

“Kyla, sorry. May nararamdaman naman ako kay Alisa. Pero, yung panahong yun. Naguguluhan pa ako. Bigyan nyo sana ako ng pagkakataon para mapatunayan ko ang nararamdaman ko para sa kanya.” Boses ni Ivan.

Pero, hindi ako naniwala. Nagsinungaling na sya ng isang beses. Malamang, magsisinungaling pa din sya. Kaya, hindi ako maniniwalang may nararamdaman na sya kay bestfriend. Dahil baka, GUILT lang ang nararamdaman nya.

Napayakap din ako kay Vince. Kailangan ko lang talaga ng masasandalan ngayon.

Ilang minuto din bago ako bumitaw kay Vince. Agad ko ding pinunasan ang mga luha sa mga mata ko, “Sorry. Dapat hindi kita sinisisi. Nangyari na eh. Sorry sa mga nasabi ko. Nadala lang ako ng emosyon ako. Pero, sana. Humingi ka ng tawad sa kanya.” Sabi ko at naglakad ng palayo sa kanila.

Ivan’s POV

Tama si Kyla. Kahit magulang ni Alisa, galit sa kin. Ni-ayaw na nila akong papuntahin sa ospital. Pero, bakit ganto? 2 weeks na ang nakalipas, pero, binubalabog pa din ni Alisa ang isipan ko. Parang napalitan nya si Ianne dito sa utak ko.

Kada maiisip ko yung ngiti at tawa nya, mas lalo akong nasasaktan.

Sobra ko na syang miss. Gustong-gusto ko na ulit syang makita. Gustong-gusto ko na ulit mahawakan ang mga kamay nya. Gustong-gusto ko na ulit syang mayakap. Gusto kong sabihin na may nararamdaman ako para sa kanya. Pero, ba’t parang huli na ang lahat para sa aming dalawa?

*Shake head*

“Ivan..” Napa-angat ang ulo ko. Si.. Aaron.

“Pre, upo ka.” Sabi naman ni Vince. Andito kami sa may bar ngayon. Pinasara namin ang bar ni Josh. Gusto naming kaming magbabarkada lang. Pinapasok siguro si Aaron dahil alam na kaibigan din namin ito.

“Narinig ko ang nangyari kay Alisa. Ano bang nangyari Ivan?” Tanong nito.

“Ako nalang magkukwento. Ganto kasi yun.” At ayun, kinuwento ni Vince ang lahat ng pangyayari. Feeling ko nga talagang sinaulo nya ang bawat pangyayari eh. Pati yung sinabi ni Kyla, sinabi nya din.

“Ivan, hindi kita sisisihin sa nangyari. Pero, mali ka. Dapat, hindi mo muna isinaisip si Ianne. Dapat, pinaliwanag mo. Dahil, sigurado akong mahal mo na si Alisa. Naguguluhan ka lang dahil ang laging nasa isip mo ay ang bawiin sa akin si Ianne. Pero, baka sa pag-iisip mong yan. Minamahal mo na pala si Alisa.” Napatigil ako sa pag-iinom. Hindi kaya’t mahal ko na nga si Alisa? 

I'm Married ∞ | ✓Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin