Chapter Twenty-Eight

Mulai dari awal
                                    

Halos tumulo ang luha ko sa narinig. Hindi pa rin ako makakilos sa aking kinatatayuan. Dahan-dahang lumapit sa akin si Gel. Isang malakas na sampal ang bumagsak sa mukha ko, napahawak ako sa pisngi ko.

"Ooopsss! Sorry! Para iyan sa ginawa mo sa akin sa party. Pasalamat ka at hindi ako nakunan, imagine mo na lang kung nangyari iyon, kamumuhian ka ni Rome dahil pinatay mo ang anak namin." Sabay ngiting nang-iinis. "Oh and by the way, hindi pa ito alam ni Rome, paano lagi kang nakabuntot sa kanya. Kung alam mo ang salitang respeto, hayaan mong ako ang magsabi sa asawa ko." Pahabol niya at naglakad palayo.

Naging bingi ako, wala na akong marinig, wala na rin akong pakialam kung ano pang putanginang sasabihin niya. Ang tanging naiisip ko lang ay ang lahat ng pinagsamahan namin ni Rome. Everything is a lie! All this time na sinusuyo niya ako ay may nangyayari pala sa kanila ni Gel! All this time ay linoloko niya ako! All this time si Gel pa rin ang mahal niya!

I found myself kneeling on the ground, naramdaman ng tuhod ko ang tumutusok na buhangin ng beach, parang sakit na tumutusok din sa puso ko ngayon. Umalingaw-ngaw sa aking tenga ang ihip ng hangin kasama ang mahina kong hagulgol. Yumuko ako at tinakpan ang mukha ng aking kamay. Nagdilim ang paningin ko. Nanginig ang buong kalamnan ko. Wala akong ibang maramdaman kundi sakit at sama ng loob. Para akong mababaliw.

"Ray?" tawag ng isang pamilyar na boses. Lumingon ako, si Bae. "What happened?" sabay lapit at akap sa akin.

"Wala. Let's get inside." Sabay punas sa luha sa mga mata ko.

"No you're not okay!"

"Bae, please... Hayaan mo na muna ako."

Huminga siya ng malalim at tumango. Inakbayan niya ako at pumasok sa loob ng bar.

Agad kong nakita si Rome, nakaupo siya sa stool na nasa stage. Ngumiti siya sa akin. Hindi ko alam ang mararadaman ko sa kanya.

"Gusto niyo bang marinig kumanta ang star of the night?" masiglang tanong ni Rome sa audience sabay turo sa akin.

"Yes!" sigaw ng karamihan ng tao sa loob ng bar.

"Ray, please join me here. Let's sing this song." Nakangiti niyang sabi. Nag-umpisang tumugog ang gitara. Umentrada rin ang violin. Parang alam ko ang kantang ito.

*!* Para kang asukal
Sintamis mong magmahal
Para kang Pintura
Buhay ko ikaw ang nagpinta
Para kang unan
Pinapainit mo ang aking tiyan
Para kang kumot
Na yumayakap sa tuwing ako'y nalulungkot

Kaya't wag magtataka
Kung bakit ayaw kitang mawala

Hindi siya kasing galing ni Bae at Kazuki, dahil wala siya sa tono, pero hindi ko napigilang mapangiti sa kabila ng sakit na nararamdaman ko.

*!* Kung hindi man tayo hanggang dulo
Wag mong kalimutan
Nandito lang ako
Laging umaalalay
Hindi ako lalayo
Dahil ang tanging panalangin ko ay ikaw

Kasabay ng pagpasok niya ng chorus ay ang pagpiga ng sakit sa durog na durog kong puso. Napansin ko na dahan-dahan akong naglalakad palapit sa stage. Tinatamaan ng pulang ilaw ang gwapo niyang mukha. Napangiti ako. Nasa harap ko siya, ang pangarap ko, alam kong mananatiling pangarap na lang siya.

Tumango siya sa akin, senyales na ako na ang kakanta. Kinuha ko ang isang mic sa staff ng bar at umakyat sa stage.

*!* Di baleng maghapon pang umulan
Basta't ikaw ang sasandalan
Liwanag ng lumulubog na araw
Kay sarap pagmasdan
Lalo na kapag nasisinagan ang iyong mukha
Ayoko nang magsawa
Hinding hindi magsasawa sa iyo

Kaya't wag magtatakaKung bakit ayaw kitang mawala
Kung hindi man tayo hanggang dulo

Wag mong kalimutan
Nandito lang ako
Laging umaalalay
Hindi ako lalayo
Dahil ang tanging panalangin ko ay ikaw

Hindi ko pinahalata sa kanya ang sakit na kumakain sa akin. Nanatili akong nasa tono at malinis na pagkakakanta. Pumikit ako, inisip ko ang masasayang panahon na kasama ko siya, lalo na kanina habang nasa langit kaming dalawa. Pagpasok ko sa refrain ay biglang bumigat ang pakiramdam ko, sobrang bigat na nag-umpisang mag-crack ang boses ko at mabalot ng luha ang mga mata ko. Unti-unting pumatak ang luha ko pagpasok ko sa chorus, the song says it all. Dumilat ako, kitang-kita ang pag-aalala sa kanyang mukha. Tinaas niya ang kanyang mic at sinabayan ako sa bridge.

*!* Bahala na ayoko muna magsalita
Hayaan na muna natin
Ang daloy ng tadhana

Pagpasok ng instrumental ay lumapit siya sa akin. Hinawakan niya ang braso ko.

"Bakit ka umiiyak?" bulong niya sa akin. Hindi ako makakibo. Hindi ko alam ang sasabihin ko. Gusto ko siyang awayin, pero pinigilan ko ang sarili ko, masyadong nangingibabaw ang pagmamahal ko sa kanya para magalit pa ako. Gusto kong sabihin ang nalalaman ko, pero tama si Gel, dapat siya ang magsabi dahil siya ang nanay ng magiging anak nila.

"Wala." Sagot ko. Alam niyang nagsisinungaling ako.

I heard the que sa last chorus, sabay naming kinanta ito. He took the melody or lead vocals while I took the higher harmony. Pumikit ako at hinayaang puso ko ang kumanta para sa bumibigay kong katawan.

*!* Kung hindi man tayo hanggang dulo
Wag mong kalimutanNandito lang ako
Laging umaalalay
Hindi ako lalayo
Kung hindi man tayo hanggang dulo
Wag mong kalimutan
Nandito lang ako
Laging umaalalay
Hindi ako lalayo

Dahil ang tanging panalangin...
Dahil ang tanging panalangin ay ikaw

------------------------------------------
*!*Kundiman. Silent Sanctuary
------------------------------------------

Kinanta ko ang second to the last line, hindi siya sumabay, nanatiling nakatingin ang nangungusap niyang mga mata. Sinagot niya ang linya ko at hinaplos ang aking mukha.

"Rome, layuan mo na ako." Mabilis akong tumakbo palabas ng bar.

Kasabay ng pagbilis ng tibok ng puso ko ay siya ring pagbilis ng hakbang ko. Hindi ko napigilang humagulgol. Nadaanan ko ang ilang hilera ng puno ng buko na noo'y nagsasayaw gawa ng malakas na hangin. Isang kamay ang pumigil sa akin. Lumingon ako, nakita ko si Rome.

"Ray anong layuan!? Anong sinasabi mo? Bakit kita lalayuan!? Ray hindi pwede iyon!" nagbago ang kanyang mukha. Hindi ako kumibo. "Ray please... Huwag mong gawin ito." Unti-unting nabalot ng luha ang kanyang mga mata. Hindi ko napigilang humagulgol. Lumunok ako, pilit akong humanap ng lakas para sabihin ang mga salitang lalabas sa bibig ko.

"Kung gayon ako ang lalayo." Pautal-utal kong sabi.

"Hindi... Ray hindi... Huwag mo naman akong itaboy ulit please." Pag-iyak niya sabay akap sa akin. Napapikit ako. Gustong-gusto ko siyang akapin, gusto ko siyang halikan, pero hindi na pwede. Pilit ko siyang tinulak palayo.

"Rome, maraming tao ano ba nakakahiya." Bulong ko sa kanya.

"Wala akong pakialam! Ikaw ang mahal ko! Mahal na mahal kita Ray! Huwag mo akong itaboy ulit please!" unti-unti siyang napaluhod at inakap ang hita at bewang ko. Lalong lumakas ang paghagulgol ni Rome, parang tinutusok ng sibat ang puso ko sa bawat pagtangis niya.

"I'm sorry." Bulong ko sabay tulak sa kanya ng malakas. Iyon ang na siguro ang pinakamasakit na ginawa ko sa buong buhay ko, ang itulak palayo ang taong pinakamamahal ko.

Kasabay ng pagtalikod ko ay siya ring pagtalikod ko sa pagmamahal ko para sa kanya. Tumakbo ako palayo papunta sa kadiliman, sa kawalan. 


ITUTULOY

SPECIAL NOTE: If you enjoy this story, please vote for it. YOU CAN VOTE EVERY CHAPTER. COUNTED PO ANG BAWAT VOTES. :-)

Dear Stranger (Pinoy BoyxBoy)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang