Nakatingin ako sa window.

Ayokong tumingin sa harapan ko. Para akong dinudurog na ewan.

Haishh ano ba kasi talaga ito?

Nag earphones nalang din ako para hindi ko nadidinig ang usapan nila.

Parang natatamaan ako sa pinapakinggan ko ngayon ah.
Bakit parang nakaka relate ako.

(A/N= GUYS NEED NIYO PAKINGGAN MEDIA XD MAGANDA UN MUSIC PROMISE. BUKSAN NIO TAPOS BASAHIN UNG DITONG PART SALAMT)

Tuwing tititigan mo parang natutunaw ako, hindi mapakali nanlalamig pag nasa iyong tabi

Ngunit tuwing kausap ka wala
Namang nasasabi nauutal parang sinasakal biglang napipipi,

Hindi normal sa akin ang ganito ngunit ANG NADARAMA AY GUSTO

Hindi ko alam kung ano ba to
Tila nahuhulog sayo
Bakit lumulukso ang puso ko kapag nandyan kana..

sht. Parang ako ung nasa kanta ah?

"EEIIII PAMSYYY!!!" Bigla kong tinanggal ang earphones ko dahil tinawag ako ni Mara.

"Oh?"

"Ihatid na muna natin si Diane ok?"

"Okay."

Wala ako sa mood talaga buset.

Nang maihatid na namin si Diane ay lumipat nako sa harap.
Nang ihatid namin pala si Diane kanina ay nakita kong hinalikan ni Mara si Diane sa pisngi.

Ewan koba kung bakit nagagalit ako.
Napakatahimik ng biyahe. At medyo malayo din ang bahay ni Diane.

"Erin? Napansin ko lang. Bakit kanina kapa tahimik. Pati sa airport."

Nakasandal ang ulo ko sa mirror dahil inaantok nako at 12:15am na.

"Ewan." Matipid kong sagot.

"Ewan daw. may problema ba?"

"Wala nga."

"Ows? Meron eh. Sorry kung d kita masyado nakausap kanina. First time kasi ulit namin magkita ni Diane."

"Ah."

"Ang tipid mo naman sumagot!"

"Bakit ka nagagalit hmf!!" Tanong ko.

"Hindi ako galit!"

"Tsk! Ewan. Dont talk to me." Inirapan ko nalang siya.

"Pamsy naman. Sabihin mo naman kung ano nagawa ko."

"Wala nga. Wala lang ako sa mood."

"Red days kaba?"

"Baka."

Kahit na kakatapos lang ng red days ko last week.

Pinikit ko nalang ang mga mata ko.

"Pamsyyyy gising andito na tayo."

"Mmm."

"Isa! Pipisilin ko pisngi mo."

"Eto na gigising na."

"Pamsy bukas sunduin kita after school. Lalabas tayo nila Diane."

"Ayoko. Kayo nalang dalawa."

"Kasama sina Agean and more!"

"Ahh basta ayoko!"

"Susunduin pa din kita."

"Arrgg kulet."

She's Miss Perfect ( GirlxGirl )حيث تعيش القصص. اكتشف الآن