A.S.C Chapter 24

219 6 4
                                    


Cheska's POV


Pagkatapos naming mag-meryenda ni kuya. Hindi muna kami natulog. Nagkwentuhan muna kami. Kinukwento nya sakin kung ano ang naging buhay nya doon sa France.

Napakahirap pala ng trabaho ni kuya doon. Super pressure daw talaga. Kaya pala parang puyat na puyat si kuya.

"Ahm kuya, take a rest first. I know your tired.. " I insisted

"Okay princess. I'm gonna rest first." and kuya gave me a kiss on the forehead.


----------------------------------------------------------------------------------------------------


Andrew's POV


Nabalitaan kong nakarating na pala si Kuya Zach. Nag text kasi si besplen Cheska na kararating lang daw nya kahapon. Excited na nga ako eh. Namiss ko talaga yung bonding namin nina Kuya Zach at Keith. Tsaka yung basketball. Yun talaga ang pinaka-namiss ko sa kanila. Wala naman kasi akong ibang kalaro maliban kay Sven. Sina besplen naman palagi nalang mga 'girl thing kuno' ang inaatupag. Aish! Naiinis nga ako minsan eh. Palagi ko ngang tinatanong sa sarili ko kung bakit ako lang ang lalake sa aming tatlo. Para na nga akong nagmumukhang bakla kasasama sa kanila eh. Pero wag ka! Gwapo ata to!


*ding dong*


Nasa may gate kasi ako nila Cheska. Bibisitahin ko sina Cheska at Kuya Zach. Kukumustahin ko silang dalawa. Actually si Kuya Zach lang talaga ang pinunta ko dito. Pano. Eh palagi kaming magkasama nyan ni Besplen eh. Ayy! Hindi pala. Paminsan-minsan nalang pala simula nung naging kami na ni Crystal.

"Oh hijo! Si Cheska ba hinahanap mo? Nandun sya sa kwarto nya. Pasok ka." panimula ni Manang Rose.

"Ahh si Kuya Zach po? Nandyan po ba sya?" tanong ko

"Oo nandun din sa kwarto ni Cheska. Pumasok ka nalang dun." bungad ni Manang

"Sige po." at pumasok na ako


***


*tok tok tok*


"Come in!" sigaw ni besplen

"Uy! Besplen! Kuya Zach!" sigaw ko agad sa kanila.

"Kevin!" sigaw naman ni kuya zach

"Kuya, Andrew po, hindi Kevin." pagrereklamo ko

"Oo nga pala. Ayaw mo pala tawaging Kevin."

"Besplen anong nag-udyok sa'yo para pumunta dito?" Ang lalim nun ah!

"Ang lalim nun besplen ah. Marunong ka na palang magtagalog?" biro ko. Syempre alam ko naman na marunong na syang magtagalog.

"Ayy nako besplen! Hindi ka talaga updated! Palibhasa busy ka na sa Crystal mo!" pagmamaktol kuno ni Cheska

"Oy! Hindi naman besplen. Sadyang busy lang talaga ako sa basketball." oo nga pala. Kasali ako sa varsity team ng basketball. Kaya todo practice na kami. Malapit na kasi ang finals.

"Kamusta na nga pala ang pagba-basketball mo?" tanong sakin ni kuya zach

"Okay naman po kuya medyo pagod lang kaka practice. Malapit na kasi finals eh." sabi ko

"Ah ganun ba so kailan finals nyo?"

"Next week na po."

"Uy princess nood tayo ng game nila Andrew." pagkukumbinsi ni Kuya Zach kay Cheska

"Try ko kuya." sabi ni Cheska na hawak-hawak ang kanyang baba na parang nag-iisip

"Sige na princess. Para kay Andrew naman to eh. And para sakin narin. "

"Sige na nga.." ngumiti si Cheska

"Yes." tumalon pa si kuya. habang hawak sa kamay si Cheska

"Oy! Kuya lemme go!Nahihilo ako!" sabi ni Cheska na nakapikit. Nahihilo na ata.

"Haha! Sorry princess natuwa lang ako. Ngayon ka lang manonood ng basketball eh simula nung nagbreak kayo ni Sven." Sven?! Nag break sila ni Sven?! Magkakilala pala sila? Naging sila?

"SVEN?!" napasigaw ako

"Ah..eh.." nakayuko si Cheska

"Nag-break kayo ni Sven? Naging kayo pala?" sunod sunod na tanong ko. Tumango lang si Cheska

"Putek! Cheska! Ba't di mo sinabi? Eh pinsan ko yun eh." nanlaki ang mata nila

"Pinsan mo si Sven?!" sabay nilang sabi

"Oo." yan lang sagot ko

"Ba't di mo sinabi?"

"Akala ko alam mo na eh.." napakamot ako sa batok ko

"Eh ikaw ba't di mo sinabi na naging kayo pala? At kaka-break nyo lang.."

"No. Matagal na kaming nag-break.." matagal?

"Matagal? Eh kakakilala nyo lang ahh.."

"Matagal na kaming magkakilala. A year ago."

"HA?!"

"Pwede wag sumigaw besplen?! You're destroying my ear.."

"Sorry naman." napakamot nalang ako sa ulo ko.

"Kuya. I guess it's time para malaman na nila Andrew and Stacey.." Cheska sighed

"Sige lang princess. It's your decision. Hindi ako mangingialam. You're old enough to handle this kind of things.." kinuha nya agad ang phone nya at dinial ang number ni Stacey.


A Second ChanceKde žijí příběhy. Začni objevovat