" Look Jasmine, wala akong sinabi sayo na ikaw ang isasama ko this weekend.. "





" But I am your girlfriend! " mas lalo akong napanganga sa sinabi nito.. Napatingin pa ako kay Zein.. Kung girlfriend niya pala ito bakit ako ang isasama niya sa event na iyon?






" Wala tayong relasyon Jas, alam mo yan.. " ouch! Napangiwi ako dahil sa sinabi niya.. Kitang kita ko ang sakit na bumakas sa mukha ng babae.. Halos maiiyak pa ito.. At namamangha parin ako dahil sinasabi lahat ng iyon ni Zein habang ang kamay ay nananatili parin sa balikat ko.. Walang nagawa ang babae kundi ang umalis.. Sinundan nalang namin iyon ng tingin.. Napapailing ako, napaka'playboy naman talaga.. " Oh para saan naman ang iling na yan? " nilingon ko siya..







" Ako po ang nasasaktan para sa kanya Sir.. " napakunot noo siya saka niya lang binitawan ang balikat ko..







" Don't be.. Hindi mo siya kilala kaya wag mo siyang panghinayangan.. " sabi niya sabay naglakad na papuntang hagdanan.. Sinundan ko siya..






" Totoo bang isasama mo ako sa event ngayong weekend? " hindi ko na napigilang itanong.. Tumango naman siya ng nagpatuloy parin sa paglalakad.. " Bakit ako? " muli ko pang tanong na siyang nagpatigil sa kanya at kunot noo akong nilingon.. Ito na yata ang matagal ko nang hinihintay na sagot.. Baka naman gusto niya talaga akong i'date.. Tika saan galing ang isiping yun?






" Bodyguard kita RC, dapat lang na nandoon ka.. Tsaka may ka'date akong iba.. " sabi niya sabay nagpatuloy sa paglalakad at hindi na ako nilingon.. Nanatili ako sa kinatatayoan ko.. Oh ano ka ngayon RC? Hopia? Sino ba kasing nagsabi na umasa ka? Natural na isasama ka dahil bodyguard ka nga naman.. Ano bang ini'expect mo?








Dumating ang haponan na hindi na ako bumaba para kumain.. Ewan ko nga ba, parang wala ako sa mood para kumain.. Oy hindi ako naaapektohan ha.. Hindi talaga.. Promise.. Kaya nang pinapuntahan ako ng isang katulong ay sinabi ko nalang na busog pa ako.. Mamaya nalang siguro ako bababa kapag tulog na silang lahat..







Nakahiga lang ako sa malaking kama habang nakatingin sa kisame.. Marami akong iniisip.. Trabaho ang ipinunta ko dito.. Namuhay ako na kuntento na sa buhay kung ano man ang meron ako ngayon at ang kapatid ko.. Kahit ang personal kong buhay hindi ko na iniinda dahil sa kakuntentohan ko.. Pero nag'iba ang lahat mula ng makilala ko si Zein.. I mean nakikita ko naman kung ano lang ang turing niya sa akin.. Bodyguard niya.. Nothing more nothing less.. Pero bakit ako nagkakaganito?







" Hindi ko dapat ito maramdaman.. Hindi nga niya seniseryuso yung magandang babae kanina, ako pa kaya? Erase na yan.. Erase na! " sabi ko at bumangon.. Hindi ko talaga dapat ito maramdaman.. Hindi! Maya maya lang ay naisipan ko nang lumabas.. Alas onse narin ng gabi kaya paniguradong tulog na ang lahat.. Magtitimpla lang naman ako ng gatas at kakain lang ako ng tinapay.. Okay na yun..







Maingat akong bumaba patungo sa kusina para wala akong maisturbo.. Buti nalang talaga at sanay na sanay na ako dito sa malaking bahay nila kung hindi siguradong maliligaw ako dito.. Naalala ko tuloy yung unang araw ko dito.. Pinasok ko ang kwarto ni Zein..



Nakahinga ako ng marating ko ang kusina.. Ini'on ko ang maliit na ilaw sa gilid para may liwanag naman kahit papano at nagsimula na akong gumawa ng makakain ko.. Gutom na kasi talaga ako.. Eh kasalanan ko rin naman.. Maaari ko naman sigurong hindi siya pansinin kanina, eh di sana nakakain ako.. Pero nandito na ako eh..








" Late brunch? "





Muntikan ko na talagang mabitawan ang basong may lamang gatas na hawak ko nang marinig ang boses na yun.. Kung kailan naman kampanteng kampante na sana ako sa pagkain saka naman may dumestorbo sa akin.. Nilingon ko siya at gayon nalang ang pagbilog ng mga mata ko nang makita ko na naman siyang topless.. Grabe, uminit yata dito sa kusina.. Naglakad siya papunta sa ref at kumuha ng tubig.. Hindi ko siya tinitingnan pero alam kong nasa akin ang tingin niya.. At ngayon ko lang din naalala na manipis na tshirt lang ang suot ko at naka panty short lang ako sa baba.. Hanggang gitnang hita lang naman kasi ang haba ng tshirt ko..







" Bakit hindi ka sumabay sa pagkain kanina? " tanong niya kaya napilitan akong tumingin sa kanya.. Pero agad din akong umiwas ng makita na naman ang katawan niya.. Napapalunok tuloy ako ng wala sa oras..








" Wala po kasi akong gana kanina.. Tapos na naman ako, aakyat rin ako pagkatapos.. " sabi ko habang hindi tumitingin sa kanya..







" Iniiwasan mo ba ako RC? " doon na ako deritsong napatingin sa kanya sabay agarang umiling.. Parang nasobrahan pa yata ang pag'iling ko na nagmumukha ng OA..







" Hindi ah.. Bakit naman kita iiwasan? " tanong ko pa sabay subo sa tinapay.. Nagkibit balikat lang siya at lumapit sa akin.. Sinilip niya ang pagkain ko at napakunot noo..








" Yan lang ang kinakain mo? " tanong niya.. Tumango ako.. Umiling iling siya sabay kuha ng dalawang plato sa lagayan.. Pati kutsara kumuha rin siya.. Nakakunot noo lang ako habang tinitingnan siya sa ginagawa.. Mabilis siyang gumawa ng chicken sandwhich na tig isang dangkal yata ang haba.. Napalunok tuloy ako dahil alam kong masarap iyon.. Para sa akin kaya ang isa? " Gusto mo? " tanong pa niya.. Wala sa sariling napatango ako.. " Eh di gumawa ka.. " sabi niya sabay subo.. Letiral akong napanganga.. Seryuso ba siya? Kakainin niya yan lahat? Sinilip niya ako ng may ngiti sa labi sabay tulak sa isang plato papunta sa akin.. " Sige sa'yo nayan.. Kawawa ka naman.. " inirapan ko nalang siya pero hinila ko ang plato at kinuha ang chicken sandwhich.. Mahina siyang tumawa habang kumakain.. Hindi ko tuloy maiwasang pagmasdan siya.. Alam ko sa sarili ko hindi ko na ito mapipigilan.. May gusto na ako sa kanya.. At hindi talaga ito maganda..







----------------------------------------------------
Sabaw yata..

The CEO's Heart (COMPLETED)Место, где живут истории. Откройте их для себя