25. Pakikipag-Usap

Start bij het begin
                                    

Minsan na niyang napasadahan ang parehong basic engineering equation na iyon. Simula kasi nang ideklara ng bunso nilang nais raw nitong mag-Engineer sa kolehiyo, inalam ni Mason kung anong klaseng Math problems ang kakaharapin ng kapatid kung sakaling pumasa.

Maya-maya pa ay bumulong ang dalagang iyon sa kasamang lalaki na tumunghay sa kanya. Sinundan pa iyon ng mapagmatang pagtingin rin sa kanya ng mga kasama nito.

“Pre, anong problema mo?” tila may pagbabanta ang tinig ng lalaki.

Naramdaman ni Mason ang maagap na paghawak ni Clarisse sa braso niya na para bang sinasabihan siyang huwag nang patulan ang mga ito. Kumurap lamang siya. “1.078 times 10 raised to -4 ohm,” kalmadong sagot niya dito.

Kumunot naman ang noo ng kausap na tumingin sa iba pa nitong kasama. Ang isa sa mga ito na may hawak pang papel at lapis ay mabilis na nagsulat at pagkatapos ay tumango kaya muling nagtinginan ang mga ito sa kanya. Mahina namang natawa sina Clarisse sa naganap.

Lumapit tuloy ang mga ito sa kinauupuan nila.

“Cool. You did all that in your head, huh?” tumatangong sambit ng lalaking kani-kanina lamang ay tila gusto siyang kwelyuhan. “I bet you’re an engineering student, right?”

 

“BAA actually,” tipid na sagot naman ni Mason.

Muling tumango ang binatang di nalalayo ang edad sa kanya. “Raiden,” pagpapakilala nito at nag-offer ng pakikipagkamayang ginantihan naman niya.

“Mason.”

Ipinakilala pa ni Raiden ang mga kasama subalit hindi na nag-atubiling alalahanin ni Mason ang mga pangalan ng mga ito dahil para sa kanya, hindi naman sila interesanteng kilalanin. At ayaw rin niyang madalas na makadaupang-palad ang mga ito. Sa tikas at galaw pa lamang kasi ay batid na niyang mapagmataas ang mga ito. Lalo na si Raiden na siyang tumatayong pinuno ng grupo.

Umiiling naman ang mga kaibigan ni Mason nang magsimula nang magdagsaan ang iba pang mga kaklase.

“Imba talaga ‘yang utak mo, Mase,” namamanghang sambit ni Gwyndele at sumang-ayon ang tatlo pa nilang kasama.

“Grabe, kinabahan ako dun! Akala ko aawayin ka eh,” bulong ni Clarisse na sapo-sapo ang dibdib.

“Pero oo nga. Mase, hindi ka ba napapaaway dahil dun sa ugali mong ‘yun?” pag-uusisa ni Kier at umiling naman si Mason. “Kung hindi ka lang siguro gwapo, ilang beses ka na sigurong nabugbog ‘no?”

Natawa naman si Patrick. “’Yung totoo, pre. Nababakla ka na yata eh!” puna niya at muli silang nagtawanan.

Pagkauwi ni Mason sa apartment noong araw na iyon, pinagnilay-nilayan niya ang mga naganap. Siguro nga ay kailangan niyang bawas-bawasan ang ‘staring-while-thinking’ na ginagawa niya. Baka mamaya nga ay mapahamak siya dahil dito.

From A DistanceWaar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu