CHAPTER 27

5.1K 223 2
                                    

MOBI POV

"Shit awww!! Ahhh!! Bwiset kayo aray!! "

Ang mga sigaw na yun ang nagpapamulat sa mahimbing kung pag tulog

Iginala ko agad ang mga mata ko di pamilyar ang lugar malamang di ko to kuwarto kaya pinilit ng mga brain cells ko na alalahanin ang mga nangyari sa akin kahapon at parang bomba na sumabog lahat sa utak ko yun

"Nanadito pala ako sa condo ni Sam "

Bumangon na ako at lumabas ng kwarto nakita agad ng mata ko ang mala dyosang si Sam bz sa paghahanda ng kung ano

Marahil naramdaman niya na may nakatingin sa kanya kaya mabilis niya akong nilingon

"Oh! Gising kana pala halika kumain kana "
Nakangiting sabi niya

"Siguro nahipan ng masamang hangin to si Sam bkit parang bumait "

"Hoy! Anong binubulong bulong mo dyan "

"Ah! Wala "
sabay lapit sa lamesa

"Sino nga palang kaaway mo kanina bakit sigaw ka ng sigaw "
Hinila ko na ang upuan at umupo
May kinuha naman sya at inilapag sa mesa

"Ahh!! Ito yun "sabay turo sa sunog na hotdog "nanalalaban kasi sya kaya lumaban din ako "

"Ahhh!!! " kumuha ako ng isang hotdog at isang loaf bread at kumain na nagutom ako kasi di naman ako kumain kagabi

"Hey!! Alam kung masarap akong mag luto pero dahan dahan lang"

Nangmarinig ko yun natawa ako

"Anong nakakatawa "

"Don't flattered you're self miss Samantha gutom lang talaga ako wala akong choice "

Pag kasabi ko non binato niya ako ng hotdog na sunog at tumama sa damit ko kaya pinagpagan ko ito nagulat ako sa soot ko isang malaking white shirt na may malaking print sa harap nang basahin ko yun nagulat talaga ako

I LOVE SAM ♥

Yan yung nakalagay sa shirt napatayo tuloy ako sa kinauupuan ko

"What d' ano to! "

"Damit malamang tsss! Bobo lang "

"Hoy ayaw ko nito di moko fans no "

Agad ko namang hinubad ang damit ko pero syempre wrong move nanaman ako nakita ko kung gaano sya nakatitig sa katawan ko kaya naman nakaisip ako ng isang magandang idea

Lumapit ako sa kanya
"Te-teka anong gi-ginagawa mo "
Putol putol nyang sabi
Haha i like this kaya lumapit pa ako lalo sa kanya sobrang lapit na ng katawan namin sa isat isa I bend my knee's para pumantay sa kanya

" you're drooling babe! "
Bulong ko sa tenga niya
Sabay tingin sa mukha niya gustong gusto ko nang matawa sa mukha nya hahah para syang tood di gumagalaw kaya pinitik ko ang noo niya

"Ouch!!! "
Sabay tulak sa akin

"Nasan na yung damit ko kagabi"

"Hindi mo na yun makikita tinapon ko na "

"What anong susuutin ko "

"Problema mo na yun " sabay tayo at may kinuhang kung ano sa kabinet niya "here inumin mo to tapos umalis kana ayaw ko nang makita yang mukha mo "

Kinuha ko naman ang gamot na ibinigay niya iinumin ko na sana kaso natigilan ako
"Ito ang pinaiinom mo sa aken kelan pa naging gamot sa lagnat ang lomotil ha!! "

"Alam mo ikaw dapat nga magpasalamat kapa sa akin dahil inalagaan kita anong magagawa ko yan lang ang gamot na meron ako kaya imumin mo na yan at umalis kana "

No way hindi ko iinumin tong gamot baliw na sya baliw talaga kaya kahit ayaw ko sinuot ko nalang ang damit na hinubad ko kanina

"Oh! Diba bagay kaya sayo ang cute mong tingnan "
Nakangiting sabi niya

"Uuwi na ako salamat sa pagkain mo "
Paalam ko pero di niya ako pinansin kaya umalis nalang ako

Nang makauwi na ako agad akong pumunta sa office ni dad wish ko lang nandito si pare ngayon sa bahay para makapag explain ako yari nanaman ako baka bawiin niya agad ang car ko
Tok! Tok! Tok!
Mahinang katok ko sa pinto ng office ni dad

Pero mukang walang tao kaya naisip kung umalis nalang kaso di pa ako nakakalayo nakarinig ako ng mga kalabog at ungol na sa tingin ko galing sa loob ng office ni dad nakaramdam ako ng kaba baka nilooban na kame at ginapos ng magnanakaw si mom and dad kaya mabilis kung sinipa ang pinto at nabuksan ito
Na sana .....sana talaga di ko nalang ginawa dahil halos mapaupo ako sa nakita ko
nag me-make love lang naman sila nakapatong si mom na almost naked na kay pare na nakaupo naman sa office chair niya sa sobrang gulat ni daD naihagis niya si mom at nahulog ito sa lapag

"ouch!!!"
Sigaw ni mom

"What d' hell dad mom nakakadiri kayo hay!! Tsk! Tsk!"
Inis na sabi ko pano naman kasi kinabahan pa ako sa kanila at natakot yun naman pala rated spg lang ang makikita ko

"Ehem!! Ah si-sige honey ah! Ma-magbihis kana mag uusap lang ka-kame ni mobi "
Utal na sabi ni dad
Tumayo naman agad si mom at inayos ang sarili niya na pulang pula sa kahihiyan

"Mobi pwede ba sa susunod kumatok ka naman muna "

"Okey okey" sabi ko habang itinataas ang kamay ko na parang sumusuko na sa laban lumapit naman ako sa kanya at umupo
" anyway kaya pala ako pumunta dito kasi.........ahhh! Dad pwede ba alisin nyo muna yang kalat na lipstick ni mom sa mukha mo "
Inis na sabi ko nadi- distract kasi ako hay...

"Mobilyn wag mo nga akong tingnan ng ganyan I'm still your father and besides wala kameng ginagawang masama ng mom mo natural lang yun mag asawa kame "

Galit na sabi niya kaya naman ako nalang ang susuko mag bubulag bulagan nalang ako sa karumaldumal na ginawa nila ngayon ngayon lang

"Sorry dad pero pare sana naman next time sa room nyo gawin yun not on your office nakakahiya buti nalang at ako lang ang nakakita "

Huminga naman muna sya ng malalim bago ulit magsalita

"Anyway san ka galing kagabi at di ka umuwi tinatawagan kita pero di mo sinasagot tapos pumunta dito si Maria fe ang sabi niya halos sabay lang daw kayo umuwi pero ni anino mo di namen nakita "

Naku ito na nga ba yung sinasabi ko eh haharapin ko na ang kaparusahan na ipapataw sa akin ni pare
(Oh! Mobi mamili kana
a. Itatakwil kana nila
b. Ipapatapon ka sa kawalan
c. Papatawan ka ng kamatayan
d. Bawiin ang lahat ng kung anong meron ka ngayon at di kana pamamanahan.

Manalangin kana at tawagin ang lahat ng kilala mong santo

Go pili na )

"Heh ! Ikaw nanaman lumayas ka nga "

"Hindi mo na ako ginalang mobi sinong pinapalayas mo "
Galit na sabi ni pare

"A-e dad nagkakamali kayo ng iniisip nakitulog lang po ako sa kaibigan ko "

"At sinong kaibigan naman yun "

"Si ano po si .....si "

"Sino ba talaga !!"
Sigaw niya kaya napatayo ako sa gulat

At dahil don nag iba ang reaksyon ng mukha niya yung kaninang galit na galit untiunting napalitan ng ngiti
Nagtaka naman ako sa biglaang pagbabago ng mood niya

" Di mo na kailangang mag explain sorry kung nasigawan kita sige makakaalis kana "

Yun lang tapos okay na absuwelto na ako
ang mabuti pa umalis na ako baka magbago pa ang isip ni pare
"Ah....cge po dad may pasok parin kasi ako "
Nag lakad na ako palabas

"By d' way Nice shirt huh!! "

Ano daw nice shirt

By d' way Nice shirt huh!!
.
.
.
By d' way Nice shirt huh!!
.
.
.
By d' way Nice shirt huh!!

Ahhhhhhh!!!!!! Hinde







****
Nakuuuu! Ang saya ko dami kong vote salamat po uli sobra

Sa nag aantay ng ud ko ito na po sana magustuhan nyo
Kahit isa lang

NhizeG777 😁

I'm In love With My EnemyTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang