"Ah... K, p-pede ba tayong magusap?" sambit ni Vice.

"May aasikasuhin pa ko bukas, I have to go." aalis na sana si Karylle nang bigla syang niyakap ni Vice sa likod.

Tumindig ang balahibo ni Karylle. Di nya man aminin pero namiss nyang may yumayakap na Vice sa likod nya.

Pipiglas na sana sya nang naramdaman nyang basa ang balikat nya. Umiiyak na pala si Vice.

"Kurb--K, I'm sorry... I'm sorry for everything. Sorry kung niloko kita. Patawarin mo ko. Pero maniwala ka, mahal parin kita." tugon ni Vice.

Onti onting namumuo ang luha ni Karylle, ayaw na ayaw nyang umiiyak si Vice. Ngunit nangibabaw padin ang galit niya kaya pumiglas sya sa yakap.

"Paano pa ako maniniwala dyan? Eh niloko mo nga ko diba? Dapat ininform mo ko na pustahan lang pala yun, edi sana tumulong ako sa ambagan sa pusta." tugon ni Karylle.

Dahan dahang lumuhod si Vice kay Karylle. Tila lumambot ang tuhod ni Karylle dahil hawak hawak ni Vice ang kamay ng dalaga.

"Please, patawarin mo ko. Mahal kita, Karylle. Please." hagulgol ni Vice.

"Tumayo ka, hindi ako Diyos." sambit ni Karylle. Sumunod naman si Vice.

"Alam mo, hindi ko na alam kung maniniwala pa ko na mahal mo ako. Kase simula nang nalaman ko na pinagpustahan mo lang ako, pakiramdam ko noon walang tao ang kayang magmahal sakin. Nangbaba ako sa sarili ko, Vice. Hindi ko ba deserve na mahalin ako? Bakit ganon? May nagawa ba kong mali? Ano bang mali sa nagmahal ng totoo? Grabe naman kayo. Sa tingin mo, madali sakin tong pinagdadaanan ko ngayon? Hindi, Vice! Araw araw pag-gising ko iiyak ako. Umiiyak ako araw araw kase pakiramdam ko, walang pwedeng magmahal sakin. Hindi ko na nga maalis yung sakit eh. Buti ka pa nga, nagpasko ka ng kasama pamilya mo. Ako, wala. Kase wala namang nagmamahal sakin eh. Mahal mo ko? Pero bat mo ko niloko?" at tuluyan nang humagulgol si Karylle.

Natahimik si Vice sa narinig. Hindi nya inaasahan na grabe ang sakit na naidulot nya kay Karylle. (A/N: aba' y puta ikaw ba naman ipagpustahan t*ngin*ng yan)

Lalapit na sana si Vice nang biglang lumabas si Buern, "Ate punta ka na sa loob bago pa magsi--- uy, K." tugon ni Buern.

"Buern, hi. Sige, Merry Christmas sainyo. Congrats sa movie mo." tugon ni Karylle at umalis na.

"Meme, tara na." tugon ni Buern.

Pumasok na sila ng sinehan, habang si Vice ay medyo tulala kahit magmemensahe na sya sa mga nanood ng movie nya. Lutang in short.

****

Kinabukasan ay maagang pumasok si Karylle, madami syang aayusin dahil may dadating na investor na gustong makipag-business partners sa DIC.

Halos hindi nga makausap ni Toni dahil hindi ito lumalabas ng opisina nya. Kaya napagdesisyunan nyang bilhan ng pagkain si Karylle.

Pagpasok nya sa opisina ni K, inilapag nya ang isang box ng pizza, dalawang platong lasagna at isang litro ng coke.

"Kumain ka muna kahit isang oras lang. 6pm pa naman dating ni Ms. Wa. 1pm palang oh." tugon ni Toni at binuksan ang mga pagkain.

"Pasensya ka na ha, first time kase na merong makikipagbusiness partner saakin, ayokong madis-appoint si Ms. Wa. Ang ganda pa man din ng furniture company nila." tugon ni Karylle at kinuha na ang isang platong lasagna.

"Oh, kamusta pasko mo kahapon?" tanong ni Toni.

"Nagkita kami kagabi." bulong ni Karylle, ngunit narinig ito ni Toni.

Perks of being a Fangirl (Vicerylle)Kde žijí příběhy. Začni objevovat