"Pero . . ."

"Wala ka nang dapat problemahin Calvin, palalabasin namin na nasa States si EA para sa isang business proposal, habang ikaw tinetrain ka namin to be just like him, madali lang ang maging siya dahil nasa dugo mo ang pagiging Clutch"

"Pero pasensya na po hindi ko talaga kaya ang pinagagawa nyo, mali po ito, manloloko ako ng mga tao sa gusto nyong ipagawa sakin"

paalis na sana ako ng bigla nya kong pigilan sa pamamagitan ng deal

"I made a deal with you iho, kung hindi ka tutupad sa deal na to then let's cancel this deal" What?!

napatingin nalang ako sa kaniya ng gulat na gulat

"Anong si . . sinabi nyo . . .?"

ng biglang lumapit sa kaniya ang lalaking kausap ko kanina, nakita ko na may binulong ito sa kaniya pero sinaway nya lang ito

"Hindi nyo pwedeng gawin yun"

"Then if you don't want to lose ang Nanay nanayan mo ay pumayag ka na Calvin, oras na para bumalik ka samin"

"Pero kung pababalikin nyo po ko para lang gawin ang gusto nyo para nyo naring pinamukha sakin na alila lang ako sa pamilyang to"

at umalis ako sa kwarto ng ospital, at nagpahangin muna sa labas

makalipas ang ilang minuto bigla kong nakita na papalapit na sakin ang lalaking pangalan ay Victor na tiyuhin ko daw

"Iho pagpasensyahan mo na ang Tita mo, she just want for you to be part of this family again, nagkataon nga lang na kailangang kailangan si EA dahil sya ang nagpapatakbo ng kumpaniya, kapag nalaman nila na naaksidente si EA pag-aagawan nila ang posisyon at pwedeng mawala sa inyo ang Clutch Corp."

"Pero gulong-gulo na po kasi ako, hindi ko na maintindihan kung sino ba talaga ako, Calvin? Franco? Ano ba talaga ang totoo? Gusto ko na hong malaman ang totoo"

narinig ko na huminga sya ng malalim at saka nagsalita

"Halika sumama ka sakin"

at sumunod lang ako kung saan sya pumunta

nakarating kami sa isang private na room

"Buksan mo"

binuksan ko ang pintuan ng isang private room and i saw the important in my life laying on the bed

"Nay . . ." at bigla syang napatingin sa akin

kaya lumapit agad ako sa kaniya at niyakap ang nanay ko ng mahigpit ng sobra sobra

"Nay, salamat po sa Diyos at magkasama na ulit tayo, salamat po sa Diyos dahil maipapagamot ko na kayo, hayaan nyo po babayaran ko din sila sa perang hihiramin ko para maipagamot kayo"

humiwalay sa pagkakayakap ang Nanay ko at tiningnan nya lang ako sa mata

"Pero anak totoo ang sinasabi nila, ito ang buhay mo, wag mong sayangin ang pagkakataon na mapalapit ulit sa pamilya mo" Totoo? Sila nga ang pamilya ko?

"Pero Nay bakit . . .? Bakit hindi mo po sinabi sakin? Bakit po?"

pilit ko mang gustong pakinggan ang sinasabi ni Nanay pero hindi ko magawa dahil gulong-gulo ang isip ko

"Anak, I'm sorry, I'm sorry"

tumayo ako at pinunasan ang mga luha sa mga mata ko at tumingin ng seryoso sa Nanay ko

"Wag po kayong mag-alala, babayaran ko ang ginawa nila para sa inyo, hindi ko din po kayo itatakwil bilang magulang ko, pero asahan nyo po na ang Francong kilala nyo ay naglaho na na prang bula"

at iniwan kong umiiyak ang nanay ko sa kwarto sa ospital

********************************

TITO VICTOR'S POV

pagkalabas na pagkalabas ni Franco ay nakita ko kung paano sya nanlumo

I can feel his pain, pero wala akong magawa dahil alam kong nahihirapan sya sa sitwasyon nya ngayon kaya lumapit lang ako sa kaniya and tap his back

"Franco alam kong mahirap pero hindi mo naman pwedeng takasan ang katotohanan na isa kang Clutch, don't blame the person na nag-alaga sayo at tinuring ka na tunay na anak, why don't uou give us a chance to know your real family, forgive your nanay for lying to you, and be free to have what you deserve to have, nandito ako as your Tito and also as your friend, I'm here to help you"

tumingin sya sakin at niyakap ako and there i felt something, i felt compassion and care.

and i promise to myself that i will be here to support my nephew in his every decision

********************************

A/N: Nakakaiyak ba ang drama ng mag Tito? haha xD


The Choiceजहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें