"Yun naman pala ee. Maiintindihan niya yun. Saka importanti sayo tong trabahong to. Alam mo yan bhebs."

Tama naman yung bestfriend ko. I need this job. Tumango tango ako sa mga sinabi pero di makuhang gumalaw ng mga paa ko.

Ayoko na ganito lang.

Hinila na ako ni prince palabas ng room at siya na mismo ang nag sarado ng pinto.

"Nag-aalala na din si tita sayo." Ang mama ko.

Ang bigat ng paa ko habang hila-hila ako ni prince palabas ng hotel.

"Prince..5 minutes." Hirit ko pa sa kanya. Umiling lang ito.

Haist!!!!

Naghihintay na kami ng taxi. Palinga-linga ako hoping  na makita ko pa siya.

Please. Please. Sana naman dumating ito. Nagdadasal na ako niyan ha.

Gusto ko manlumo ng may taxi na huminto sa harapan namin. Unang sumakay si prince. Parang ayoko!

Di ako makagalaw sa kinatatayoan ko. Ang hirap pala.

Nag palinga-linga uli ako. Nag babakasali.

"Bhebs?!" Tawag ni prince.

Para akong binagsakan ng langit at lupa.

For the last time tiningnan ko na lang yung hotel. Gusto ko tuloy mapa-iyak. Drama ko! Mag kikita panaman siguro kami. Saka ko na lang ipapaliwanag kung bakit kailangan ko umalis at di na siya na hintay pa.

Ilang segundo pa ang lumipas at pumasok na ako sa loob ng taxi.


---


GIRL 1 POV*


Nasa loob ako ng taxi at pauwi na ng hotel. Hanggang ngayon di pa din mawala-wala ang mga ngiti ko sa labi.

Lunch na. Siguro gising na si ms. Pangit. Natagalan ako dahil pinahirapan ako ng hawak-hawak ko, si spongebob. After so many years sa toms world nakuha ko din siya. Sana matuwa ito sa dala ko. Bumili na din ako ng foods tas yung ice cream na paborito nito.

Palapit na kami ng hotel ng may mahagip ang aking mga mata.

Huh? Si ms. Pangit ba yun? Pasakay ito ng taxi.

Nag mamadali akong bumaba. Pero sakto naman ang pag andar ng sinasakyang taxi nito.

Siya nga ba yun? Kinakabahan tuloy ako.

Di naman siguro.

Dumeretsyo na ako ng room. Ang tahimik. Kumakabog ang dibdib ko ng maabotan kong wala siya sa kwarto.

Bumili lang siguro ito ng foods. Sabi ko sa aking sarili . Wag mag-isip ng kung anu-ano, babalik pa yun.

Nilapag ko na ang pagkain na dala ko at ipinasok lang muna yung ice cream sa refregirator. Dito ako sa sofa habang hawak-hawak si spongebob. Dito ko na siya hihintayin.

Tumagal ang aking pag-aantay pero wala padin ito.

Umupo, tumayo, palakad-lakad na ang ginawa ko. Di na ako mapalagay.

Di iyun aalis ng basta-basta. Sabi ko sa aking sarili.

Ilang oras na ang lumipas.

Sino ang niloloko ko?

Umalis na siya! Iniwan niya ako ng hindi man lang nag papaalam! Ganun lang ba yun? Ginamit lang ba talaga niya ako?

E.yung nangyari samin ka gabi ano yun? one night stand? One night thing sa kanya? wala lang? Natikom ko ang aking palad. Nangi-nginig ang buong katawan ko.

SHIT!!!!!!!!!!!!!!!!!!!

Naibato ko si spongebob.

Gusto kong mag-mura! Gusto kong sumigaw!!! Na-aawa ako sa sarili ko. Naiiyak ako. Ilang beses ba ako masasaktan?

Tumawa ako ng pakag. Pareho-pareho lang sila! Babae? Lalaki? anung pag kakaiba? Wala !

Pasalampak akong humiga sa kama. Ang sakit! Yinakap ko ang aking tuhod. Ayokong umiyak. Pero di ko mapigilan di tumulo ang aking luha.

Alone.

Again.

Di ko kaya!

Ilang oras akong ganun. Di gumagalaw. Di ko alam.

Nakakapagod! Tiningnan ko ang kwarto. Napapaluha nanaman ako. Naiisip ko siya. Tanga lang! Nahulog ang loob ko sa kanya in 5 days! Ni pangalan niya di ko alam!

Tanga! Tanga! Tanga!

ARgh!!!! Sarap sabunotan ang aking ulo! Ayoko na mag stay dito, naaalala ko lang siya. Kaya agad akong nag-impaki. Bukas aalis na ako. Papakalasing na muna ako. Umalis ako ng bahay para takasan ang sakit, pero anu ang nahanap ko? panibagong sakit! At mas matindi pa!

Katapos kong bumili ng beer iinom na naman ako. Gusto kong makatulog! Ayoko mag-isip! Gusto ko ulit malunod! Sh*t! Wala ng nagbago sa buhay ko! Anung mali sa akin?

Cge inom pa. Iyak lang. Ganun lang. Ganito na talaga siguro.

---

Dumating ang umaga.

Pag dilat ko agad kong pinikit ang aking mga mata.

'Panaginip lang ang nang yari kahapon. Panaginip!' Kombinsi ko sa aking sarili. For sure pagdilat ko an diyan pa si ms. pangit sa tabi ko at natutulog.

Dahan-dahan kong binuksan ulit ang aking mga mata. Dahan dahan kong nilingon ang side kung saan natutulog ito.

The reality slapped me. Tumulo ulit ang luha ko.

She's gone.

---

Pagkatapos kung maligo at uminom ng gamot, wala, aalis na talaga ako.

Pag labas ko ng hotel may napansin ako.

"Anak. Wag ng makulit nag tratrabaho si tatay." Nakita ko ang ang guard na kinaka-usap ang kanyang anak.

"Wala ako kalaro dun ee," nagmamaktol na sabi nung batang babae.

"Asan na ba kasi nanay mo. Mapapagalitan ako nito."

Nilapitan ko sila. Inabot ko yung spongebob sa bata. Yup. Dala-dala ko pa din yun.

"Maam. Wag na po," sabi nung guard.

"Ayos lang kuya. Wala na naman nag mamay-ari niyan ee." Saka ko pinat ang ulo nung bata. " Pakabait ka."

"Salamat ate." sabi ito sabay ngiti.

Bago ako pumara ng taxi for the last time tiningnan ko ang hotel.

Bittersweet.

---

Paglapag na paglapag ng eroplano dumeretsyo agad ako sa bahay namin.

Pag pasok ko nakita ko agad ang kapatid ko na nakaupo sa sofa. Si Alice.

Pag kakita niya sa akin bigla itong tumayo at nilapitan ako. "Pwede ba tayo mag-usap?"

Di ko siya pinansin at tuloy-tuloy lang akong umakyat ng hagdan. Gusto kong matulog.

"Pakinggan mo muna ako. Mag papaliwanag ako." Nakasunod na sabi niya sa akin. 

Paliwanag? huh! Anung paliwanag ang dapat kong marinig after ko makita silang dalawa ni rick na hubot hubad sa kama niya.

"Wag ngayon Alice. Wala ako sa mood," sabi ko.

"Pero kakausapin mo din ako diba? Kailangan mo marinig ang paliwanag ko," nag-susumamo ito. I just nod saka ako pumasok ng kwarto at nag lock.

Di na ako galit sa kanya. Pero di ko pa kaya patawarin siya.

Sa ngayon, nasasaktan ako hindi dahil sa kanila ni rick. Kundi dahil...

Napabuntong hininga ako. Erase. Ayoko muna siyang isipin. Lage na lang ako umiiyak. Nasasaktan. Tama na? I will never fall in love again.


Love me, Hate me : STRANGER [GxG]Kde žijí příběhy. Začni objevovat