Nang makumpleto kami, naupo na kaming lahat at saka nag-simulang magharutan. Hindi pa rin naman maalis ang tingin ko sa ibang mga estudyante na nagkumpulan sa harap ng tv at nagbubulungan.

Maya-maya pa, ang kaninang ingay ay napalitan ng sobrang katahimikan. Tanging tunog na lang ng tv ang maririnig at tutok na tutok ang lahat dito.

"Ssshhh..ayan na wag kayong magulo." Saway ng ilan sa mga magugulo.

"Ano bang nangyayari dito?" Tanong naman ni Iya.

"Manahimik ka pa teh para malaman mo. Tss." Pagtataray at pambabara ni Tal kay Iya.

Napailing na lang si Iya sa sinapit niya kay Tala at ako naman titig na titig din na naghihintay sa balita.

Ilang saglit pa..

"Isang sikat na Korean Star o miyembro ng isang koren boy group, boyfriend nga ba ng isang pilipina na kasalukuyang nasa bansa nila para magtanghal?"

Biglang nagtilian ang mga babaeng estudyante na animo'y kilig na kilig sa balita. Eto lang ba hinihintay nila? Grabe. Napailing na lang ako at napa-face palm dahil pati ako nakihintay sa walang kwentang balita.

Ibinaling ko na lang ang pansin ko sa labas ng bintana.

"Isang miyembro ng EXO - na si Kai na pinakamagaling na dancer ng grupo ang nasabing may girlfriend na isang filipina. Ang filipina diumano ay isang ring sikat na model sa ating bansa. Alamin natin sa report ni Nina Corpuz.."

Tuloy-tuloy pa rin ang panonood nila pati na rin sila Derick habang panay naman ang higab ko sa isang sulok.

"Narito tayo ngayon sa SM Entertainment para alamin ang totoo sa likod ng mga balita. Sino nga ba ang nasabing pinay na kinaiinggitan ngayon ng napakaraming babae sa iba't ibang parte ng bansa?"

Napahigab ulit ako atsaka nagdesisyong tumayo para iwan ang lahat ng hangal na nakikinig sa oras na 'to. "Pare, una na ko.." Tapik ko kay Boom na nakasalampak sa lamesa na may subong apple.

Nagulat na lang ako at napatingin kay Boom ng biglang malaglag ang apple niya mula sa kamay niya.

"Ui Tol, okay ka lang?" Tanong ko sa kanya ng makita siyang nakanganga at tulalang nakatingin sa tv.

Winasiwas ko ang mga kamay ko sa harap niya..

"Pare, ano bang nangyayari sayo?" Kalabit ko pa sa kanyang ulit bago ko balak lingunin ang tv.

"Ooops...Oy! Pare tara na!" Biglang napatayo si Boom at hinila ako papalabas ng canteen.

"Bakit pare? Ano bang nangyayari? Ano ba yung nakita niyo?" Pagpupumiglas ko sabay harap tv.

The Legendary GANGSTER Meets Miss BRAINY Girl (KathNiel)Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ