But that's exactly what I am feeling right now. Naiinis ako, gusto kong magwala sa inis at galit. Pakiramdam ko pinagtaksilan ako ng lahat.

"Ngunit kung tunay ka ring kaibigan, hinding-hindi mo babalaking gawin 'yan sa mga itinuring mong kaibigan. Hindi ba tama ako Alexis?" Lumingon ako kay Luella. Ano'ng pinagsasasabi nitong tutubing 'to? At talagang kinakampihan pa niya sila Samara? "Hindi mo alam ang sinasabi mo dahil wala ka sa posisyon ko. Hindi ikaw ang niloko at hindi rin ikaw ang nasasaktan!" Bulyaw ko sa paru-paro.

"May punto si Alexis, Luella! Kahit sinuman ang nasa ganoong posisyon ay paniguradong magagalit din. Sino ba naman ang hindi masasaktan kung ang mga mismong kaibigan mo ang tatraydor sa'yo?!" Galit na galit pa rin si Neesha, and for the first time in forever nagkasundo kaming dalawa ni Neesha.

**

"Hayaan mong ako ang magturo ng leksyon sa mga kaibigan mo kapag napatunayan nating tinatraydor ka nga nila" Bahagya akong natawa sa mga sinabi ni Neesha. Naglalakad ako, habang sya naman ay lilipad-lipad malapit sa may kaliwang balikat ko. Papunta kami ngayon sa may park, ayun lang kasi ang naiisip kong lugar na wala ng masyadong tao ng ganitong hatinggabi. "Para namang may magagawa ka. Sa liit mong 'yan?"

Lumipad sya sa harapan ko at tumigil sa tapat ng mukha ko habang naka-crossed arms at nakatingin ng masama sa'kin. "Tila yata masyado mo ng minamaliit ang kakayanan ko, mangmang" Mas lalo akong natawa dahil bumalik na naman sya sa pagiging masungit.

"Hindi naman masyado, slight lang" Natatawang sagot ko. Naglakad na ulit ako kahit na daldal pa ng daldal yung paru-paro.

Malapit na kami sa park nung tumigil sya saglit sa pagsasalita, kaya ako naman ang nagsalita. "Mga magagaling na salamangkero at salamangkera ang mamanmanan mo," Paalala ko, nakakapag-alala kasi dahil baka kung ano ang gawin nila sakanya kapag nahuli sya.

Pero ang mas iniisip ko eh kung ano'ng isasagot ko kapag hinanap sya sa'kin nung dalawang palaka.

"Alam ko" Tipid na sagot nung butiki.

Huminto ako saglit sa paglalakad upang humarap at tignan sya ng mata sa mata. "Huwag kang papahuli" Dugtong ko.

"Maaasahan mo ako sa bagay na iyan" Sagot niya. I smiled at her. There's no doubt, magkasundo na kami nitong tutubing 'to.

**

Hinihintay kong mapuno ng tubig ang takure na hawak ko nung marinig ko ang usapan nung dalawang bubuyog.

"Ang sabi sa akin ni Neesha ay may importanteng bagay lamang daw syang aayusin sa ating mundo" Nag-aalalang pahayag ni Calista. Kahit naman ako, kung ako ang nasa posisyon nilang dalawa mapapaisip din ako kung ano ang gagawin ni Neesha sa kabilang mundo.

"Ano naman daw iyon? Hindi naman sya namaalam sa'kin. Hindi kaya may itinatago syang sikreto sa atin?"

"Hindi ko alam Luella, ngunit hindi maganda ang kutob ko rito"

"May iniutos akong kunin ni Neesha sa kabilang mundo. Sabi niya kasi sa'kin may pupuntahan sya, so ayun sinabi ko kuhanin na rin niya 'yung naiwan kong gamit. Kayo talagang dalawa, tamang duda kayo minsan kaya hindi kayo magka-lovelife eh. Tingnan niyo ako, tiwala ako sa bebe Lucian ko"

"Hindi naman sa ganon, bihira naman kasing humiwalay sa amin si Neesha, nais niya laging magkakasama kami, kaya nakakapagtakha lamang"

"Tama ka riyan, nagagalit pa 'yun kapag may naalis na isa sa aming tatlo"

"Hahahaha ano ba kayo, mga tutubi talaga, masyadong paranoid. May gagawin lang sya dun at kukuhanin niya 'yung pinakuha ko. Ayun lang okay? Other than that, hindi ko na alam"

Writer's BlockOnde as histórias ganham vida. Descobre agora