M.U (at kwentong pag-ibig kalerki)

139 0 0
                                    

M.U anu nga bang ibig sabihin ng dalawang letra nayan na kadalasang naririnig natin sa dalawang taong nagkakamabutihan? hmmmmm. Eto sabi ng friend ko. M.U, Isang magulong usapan. Hindi kayo, pero parang kayo. May mga tawagan, pero walang commitment. Pwede kang mag selos, pero di pwedeng mag reklamo. Pwede kang masaktan, pero di pwedeng manumbat. And when the time comes na mag paligaw sya sa iba or manligaw sya sa iba, hindi mo sya pwedeng pigilan. Dahil nga "M.U." lang kayo. "Masarap sa Umpisa" Pero "Masakit Umasa"

Sa panahon ngayon ganun na lang ba kadali magbitiw ng mga salita lalo na kung sa taong iyong binibigyang importansya o kaya sa taong iyong madalas kausap, sa kaibigan o sa minamahal. Pinag-iisipan paba natin ito? Madalas ako ang taga payo sa aming magkakaibigan eh wala eh parang ate nadin kahit na mas bata ako sa kanila, Alam nyo kahit na wala ka pang experience sa mga bagay bagay maari ka paring magpayo sa mga kaibigan mo o sa kahit kaninong taong nanghihingi ng payo sayo, Basta ba alam mo ang tama't mali at naiintindihan mo ang kanyang problema. Angalan namang bumanat ka kaagad ng payong pag-ibig eh ibang payo pala ang hinihingi sayo shunga lang teh.Hahaha.

Madalas ngang hinihingi nilang payo sakin ay tungkol sa LOVELIFE kahit na single ako nakapagbibigay parin ako ng payo sa kanila, Tulad ng friend ko na di malaman ang gagawin sa lovelife nyang kinukurikong na hahaha, Dahil wala namang paki sa kanya ang boyfriend nya pero nagbubulag bulagan parin sya kahit na nasasaktan sya, Then sabi ko sa kanya ui friend may katarata kaba? o may macular degeneration?, Sabi nya ha? anu bang pinagsasasabi mo eh wala naman akong problema sa paningin, Sabi ko sa kanya alam mo friend hindi literal na katangian ng mata mo ang tinutukoy ko kundi ang damdamin mo kasi alam mo namang walang care sayo yang boyfriend mo, boyfriend mo nga bayan? oh baka nakita mo lang yan sa kangkungan eh di na love yan friend. Sina sayang mo lang ang tibok ng puso mo lalot wala namang tumatanggap ng ikatitibok nito, Tapos nun more on dada parin sya pinag tatanggol parin nya yung boyfriend nyang kangkungero, Tapos nun napaiyak na lang sya, Sabi ko sakanya o ngayon na realize mo na di ba sabi ko nga sayo ilaan mo yang tibok ng puso mo sa taong karapat dapat sa tibok nyan at sa pagmamahal na binibigay mo, Sayang yan friend sayang talaga. Pagkatapos nun buti nama't natauhan ang gaga hahaha paglipas ng ilang araw iniwan na nya yung BF nyang kangkungero. Tapos nun tinulungan ko syang humanap ng bagong Boylet ahhah yah! landi hahaha echos! Haha.

Kaya sa lahat ng umiibig FAKATATAG lang at sa mga umuusbong palang ang pagmamahalan abay siguraduhing matibay ang kapit ng ugat dahil maraming bagyo ang pwedeng dumating sa inyong relasyon.

SALAMAT SA PAGBABASA

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jun 19, 2013 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

M.U (at kwentong pag-ibig kalerki)Where stories live. Discover now