Nandito kami sa loob ng room habang hinihintay ang prof namin napansin ko din na may mga transferee.

Dumating na ang prof namin at mukhang terror ito at ka 1st day 1st day mag di discuss!! Hay nako naman pero sa bagay nandito kami para mag aral hindi para tumunganga lang.

Ang iba nag kwentuhan lang halatang hindi sila interesado sa lesson namin.

Natapos na ang morning class namin at nag tungo sa canteen nakapila kami ni Agean dahil kami ang bibili ng mga pagkain ng mga ugok na yon ang tatamad!

Nasa unahan ko si Agean at nauna na siyang umorder
Pagkatapos namin umorder naglakad kami habang hawak hawak ang tray na may laman.

"SH*T!"

Napatumba ako dito sa sahig dahil may nakabangga sakin pareho kaming nakaupo dito sa sahig at haltang gulat na gulat ang mga estudyante at pati tong naka bangga sakin dahil natapon ang laman ng tray sakin at nasa buhok ko ngayon ang sarsa ng asado!!! Arrgh eto pa naman ang ayoko sa lahat ang nadudumihan ako put*!

"Sorry talaga sorry hindi ko sinasadya nataki-" hindi pa niya natatapos ang paliwanang niya inunahan kona siya ng galit.

"Ano kaba naman!! Tumingin ka naman sa dinadaanan mo!! Ano pang magagawa ng sorry mo natapon na sakin tong pagkain!" Mag sasalita pa sana ako nang pinigilan nako ni Agean.

"Mara ano kaba naman hindi naman niya sinasadya e halika na." Tinayo ako ni Agean pati na din tong babaeng naka bangga sakin buwsit!.

Naglakad na palabas yong babae na parang shock na shock siya at ako naman ay kinaladkad ako ni Agean sa banyo at tinulungan niyang tanggalin ang sarsa sa ulo ko at ako naman pinupunasan ko ng tissue etong white blouse ko! Naka kunot parin ang akin nuo.

"Ano kaba naman Mara masyado ka namang rude dun sa girl hindi naman niya ginusto ang nangyari e." Napa buntong hininga nalang ako ng malakas.

"Alam mo naman na ayaw kong nadudumihan tong sarili ko nakakadiri."

"Arte! Iligo mo lang yan Miss perfect at maaalis din yang amoy mo." Halatang nag pipigil siya ng tawa dahil ngayon lang niya ko ulit makita na halos masuka nako pandidiri.

"Alam mo buti nalang at napigilan moko kundi napaiyak kona yong babaeng yon pano nako ngayon wala akong dalang damit."

"Okay na yan tsaka malinis na din naman yang ulo mo pero ung damit mo nga lang ung madumi."

"What?! Nooo ayokong maglakad ng madumi ang damit ko para akong pulubi." Reklamo ko

"Edi sige mag hubad kang nag lalakad!" Sabay hinihila ang damit ko

"Eii waaag."

"Arte mo kasi pati tuloy ako nadumihan may date pa kami ni Anna hmp!"

"Hay bahala na nga putek mauna kana sa classroom paki sabi nalang kina Rina okay nako."

"Sure ka? Baka naman sugurin mopa ung naka bunggo sayo."

"Oo sure nako tsupi kana!" Sabay tinulak ko siya ng mahina palabas sa CR.

Nandidiri parin ako dito sa suot ko argh amoy na amoy ko ung sarsa parang gusto ko nang maligo!

Hinuhugasan ko ang mukha ko ng paulit ulit hanggang sa makuntento ako.

Nag tungo nako sa room namin
At pag pasok ko nakatingin sakin lahat ng kaklase ko at napatingin din yung prof.

"You're late Ms. ?" Mukang bago ang prof namin ah at tutal tinanong niya ang pangalan ko sa nag punta ako sa gitna at nagpakilala sa prof

"My name is Tamara Sazon but you can call me Mara for short." Nakataas ang isang kilay ng prof namin at napansin niya ang damit ko na may sarsa

Pinaupo ako ng prof at tinabihan ko sina Agean at ako naman diring diri parin sa sarili ko ugh!

Napansin ko na naka yuko itong babae na katabi ko sa left side ko at napansin kona umiiwas siya sakin tinitigan ko ng mabuti ang kanyang mukha ng mapansin ko na SIYA ANG NAKA BUNGGO SAKIN KANINA.

Mukhang iniiwasan niya ko dahil mukhang walang mukha ang mai haharap niya sa sakin dahil sa nangyari kanina.

Ngayon ko lang napagmasdan ang kayang mukha hindi siya kagandahan hindi rin siya cute
Ang dami niyang pimples sa pisngi at dry na dry ang buhok niya at kung mapagmamasdan mo pa siya mukha talaga siyang lampa mag kasing tangkad lang kami.

At napaka tahimik lang niya mukhang hindi friendly ang dating bago lang cgro siya dito.

"Hoy miss perfect." Bulong sakin ni Agean habang kinakalabit ako

"Bakit?"

"Kanina kapa naka tingin sa katabi mo ah teka siya ba yung naka bunggo mo? Nakoo wag mong sabihing may binabalak ka ha."

"Wala no ni ayoko na ngang lumapit sa kanya baka malasin nanaman ako."

Natapos na ang klase namin at si Agean naman umalis na makikipag date pa daw kay Anne sina Trisha at Lara naman umalis na din pati nadin Rina. Nako mag isa nanaman ako. Pero hindi kona din matiis ang sarili ko dahil sa lagkit ng katawan ko kaya pumunta nako sa sasakyan ko at umuwi sa bahay.

Pagka pasok ko sa bahay deretso agad ako sa kwarto at nag hubad ng damit dahil maliligo nako.

---------------------------------------------------

Hi guys sana na enjoy niyo ang 1st chapter dahil nagsisimula palang yan.

^___^

She's Miss Perfect ( GirlxGirl )जहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें