Action 3 - Songs of Our Hearts

Ξεκινήστε από την αρχή
                                    

"Nahihilo, nalilito. Asan ba ko sayo? Asan ba ko sayo?" pagpatuloy niya sa kanta niya.

'Mamaya, Thesis,' bulong ko sa sarili ko, 'mamaya, sasagutin ko ang tanong mo.'

*Vivi's POV*

Limang kanta lang ang napatugtog namin at ako ang kumanta sa dalawang huling kanta. Ang una kong kinanta ay yung kanta ng Moonstar88 na 'Migraine' at ang pangalawa ay yung kanta ni Gabriel na 'Out of Reach.'

Alam kong alam ni Kaz na siya ang pinapatamaan ko pero naiinis ako dahil wala akong nakitang reaksyon sa mukha niya. Nakatitig lang siya sa akin at hindi ko alam kung tumitig ba siya dahil sinusuri niya mukha ko o dahil pilit niyang ini-imagine na si Patricia ang kumakanta para sa kanya.

Hindi na kami nagkausap ni Kaz dahil umakyat sila kaagad sa entablado matapos naming kumanta. Gaya ng nakasanayan nila, si Marco ang kumanta bilang lead singer, pero dahil maraming tagahanga si Kaz sa mga guests, hindi maiwasang magrequest ang karamihan na kumanta din ito.

Hindi naman binigo ni Kaz ang mga tagahanga niya. Kinuha ni Marco ang gitara mula sa kanya at nagpalit sila ng pwesto.

"This song is for my wife," saad niya kaya naghiyawan ang lahat. Napabuntong hininga na lamang ako. Ito na naman kami, magpapanggap na naman.

Ngumiti ako pero naramdaman ko ang paghawak ni Rhie sa kamay ko. Siya lang ang nakakaalam sa tunay na sitwasyon namin kaya naiintindihan niya ang paghihirap na nararamdaman ko. Huminga ako ng malalim saka pinisil ang kamay niya, isang paraan ko sa pagsasabing, "okay lang ako."

Natahimik ang lahat nang simulang ipatugtog ni Mago ang gitara saka kumanta si Kaz. Hindi ko alam kung bakit ako naiiyak sa kanta niya, "Sayo" by Silent Sanctuary. Hindi ko maiwasang isipin na lahat ng ito ay pawang pagpapanggap lamang. Akala ko magiging okay ako. Hindi pala.

" Tumingin sa 'king mata. Magtapat ng nadarama. Di gustong ika'y mawala dahil handa akong ibigin ka kung maging tayo, sa 'yo lang ang puso ko," pagkanta ni Kaz sa chorus.

Akala ko okay lang ako. Akala ko kontento na ako na kunwari ay mahal niya ako pero hindi pala. Higit pa sa pagkukunwari ang gusto kong mangyari. Mahal ko na siya. Nahulog na ako at hindi na ako makabangon pero alam na alam kong hindi niya masusuklian ang pag-ibig kong ito kaya kunwari, nagpapanggap lang akong mahal ko siya.

Bumilis ang tibok ng puso ko nang biglang bumaba ng hagdanan si Kaz. Nabingi na rin ako sa hiyawan ng mga tao sa paligid. Naramdaman ko ang paghigpit ng hawak ni Rhie, siguro naramdaman niya ang panginginig ng aking kamay. Hindi ko inasahan ang paglapit ni Kaz sa akin.

Napalunok ako nang inilahad niya ang kamay niya sa harap ko. Siniko ako ni Ely na para bang sinasabi niya sa akin na tanggapin ko ang kamay ni Kaz. Tumingin ako sa maamo niyang mukha bago ko tinanggap ang kamay niya. Sana kinantahan ko na lang siya ng, "How Could an Angel Break My Heart," kasi napakaamo ng mukha niya.

Mahina niya akong hinila saka sinama sa entablado. Naging maingay naman ang lahat habang magakaharap kami. Naramdaman ko ang mahinang paglandas ng kanyang daliri sa aking kamay bago niya ito hinila pataas saka hinalikan. Siguro kung totoo ito, ako na siguro ang pinakamasayang babae sa mundo. Nilagay niya ang kamay ko sa balikat niya saka niya pinulupot ang kamay sa baywang ko habang kinanta ang chorus.

Nagpalunod ako sa musika at sumabay sa galaw niya. Okay na siguro ito. Kahit papaano, kahit pagpapanggap lang, magiging kuntento na lang ako na naramdaman ko kung paano magmahal ang isang Kaz Legaspi.

Isang malagkit na titig ang iginawad niya sa akin kaya napayuko ako. Hindi ko kasi maiwasang isipin na hindi naman para sa akin ang mga titig na yun. Pero naramdaman ko ang pagdampi ng kanyang noo sa noo ko. Nabingi na ako. Hindi ko na marinig ang mga tao sa paligid. Nabulag na ako, wala na akong ibang nakikita kundi siya, siya na nagmamay-ari ng puso ko.

Nakaramdam ako ng mainit na likidong dumadaloy sa aking mga pisngi. Umiiyak na pala ako. Bakit ako umiiyak? Hindi ko alam dahil hindi ko rin alam kung ano ba dapat ang nararamdaman ko. Para kasing totoo na ang pagpapanggap ni Kaz pero ayoko namang umasa.

Nakapikit ako pero alam kong daliri niya ang nagpunas ng aking mga luha. Akala ko hanggang doon lang pero naramdaman ko ang mahinahon niyang paghawak ng aking baba saka ito bahagyang itinaas para makasalubong ng aking mga labi ang kanyang mga labi.

Wala na akong pakialam sa lahat. Mahal ko ang taong 'to. Ilalabas ko ang nararamdaman ko kahit alam kong pagpapanggap lang ito para sa kanya. Gusto ko, kahit papano, malaya kong naiparamdam sa kanya pag-ibig kong ito. Sana dumating ang araw na mahalin din niya ako.

"Tama na yan, Pare," naputol ang halikan namin nang tinapik siya ni Marco, "sa bahay niyo na yan ipagpapatuloy, maraming naiinggit oh," biro ni Marco.

"Kunin mo na kasi si Patricia," biro ni Angelo kay Stuart.

"I am working on it, Pare," saad ni Stuart, "pero yung Rubi mo, mukhang nagkakalabuan kayo ah," napansin ko naman ang lungkot sa mga mata ni Angelo.

"Condolence, Pare," umiiling-iling na saad ni Mago.

"Lumayo ka nga kay Kaz, Mago," pumagitna si Marco sa dalawa, "baka maghasik ka na naman ng lagim. Ayusin mo na yung sa inyo ni Arlene para hindi ka na bitter."

Mahina akong tumawa habang unti-unting lumayo sa kanila pero naramdaman ko ang paghigpit ng yakap ni Kaz, "saan ka pupunta?"

"H-huh?" nautal ako.

"Aist!" saad niya, "sabi ko, saan ka pupunta."

"Babalik sa upuan. Hindi naman ako kasali sa usapan niyo," sagot ko.

"Huwag ka na lang muna lumayo," saad niya, "dito ka na lang muna sa tabi ko."

Hindi na ako nakakibo dahil nakita kong papalapit na sa amin ang mga magulang ko.

"I am so happy for both of you," niyakap ako ni mommy saka hinarap si Angelo, "Angelo Cruz, right?"

"Ako nga po," magalang na sagot ni Angelo.

"What a small world!" napalakpak si mommy, "Vivi, alam mo bang si Angelo Cruz sana ang ipapakasal sayo ng daddy mo?"

Naramdaman ko ang bahagyang pagluwag sa pagkayakap ni Kaz habang nagpatuloy naman si mommy sa pagsasalita, "kung sakaling hindi ka nakasal kay Kaz, hindi rin naman problema dahil sigurado kami ng daddy mo na magkakasundo kayo ni Angelo. Naalala mo ba yung bestfriend mong si Angela?"

Hindi ako nakasagot pero tumango ako, "siya ang kapatid ni Angelo. Si Angelo ang tinatawag niyong kuya Gelo dati."

"Really?" hindi na akon nakapagpigil, "bakit hindi ko nakita si Angela?"

Nakita ko ang biglang pagbaliktad ng ngiti ni Angelo.

"I am sorry Angelo," hinawakan ni mommy ang kamay ni Angelo, "hindi niya alam ang nangyari kay Angela. She was in Singaport when that happened."

"Bakit? Anong nangyari kay Angela?" nagugulohan ako.

"Ahm, Kaz," saad ni mommy, "siguro dapat nating bigyan ng oras sina Angelo at Vivi," lumingon si mommy sa akin, "hindi namin sinabi sayo dahil alam naming mahihirapan kang tanggapin yun. Si Angelo na ang bahalang magpaliwanag ng lahat."

Nakita kong hinila ni mommy si Kaz. Kinakabahan akong humarap kay Angelo. Si Angelo, si kuya Gelo, ang first crush ko, ang puppy love ko, ang batang lalaking nangakong papakasalan ako paglaki namin. Bakit hindi ko siya agad nakilala?

___________________

AN: Matitinag kaya ni Angelo ang KaVienne team? May mabubuo kayang GeVienne love team? Hahaha--- sa susunod na update ulit, Lovely people.

Ramdam niyo na ba ang tension?

Yung kanta sa media, operator ni Kaz Legaspi ang kumakanta diyan. Pakinggan niyo, ang lamig ng boses.

Sana nagustohan niyo 'tong update na 'to. VOTE, COMMENT and SHARE niyo poi tong story na 'to sa friends niyo. Till next ulit!

NOT EDITED

NOT REVIEWED

MAY CONTAIN ERRORS --- but I am open to constructive criticisms.


My On-Cam Wife (Published Under Psicom publishing, Inc)Όπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα