This is it!

4K 75 4
                                    


Ano na bang nangyari samin?

Magkakaayos pa kaya kami?

Matatawag na ba niya akong HONEY?

Babalik pa ba kami sa dati?

At mamahalin niya pa kaya ako?

Parang hindi na talaga, kasi nga hindi na niya ako maalala.

------------------------------------------

"So? Ano na Couz? Magkwento ka naman. Duh! Ang tagal mo kayang nawala. I'm sure may mga big surprises. I'm excited to listen. Come on." Inayos niya pa ang pag upo niya. Ready talaga ang gaga makinig.

"Yeah. You're right, Couz. Naaalala na nga niya ako eh. We went to San Diego and Paris just to spent our time together. Iniwan pa nga namin yung twins sa Mommy ni Ian. Grabe! Ang sweet na naman niya at kung minsan halos langgamin na kami sa kasweetan namin. I'm very proud of us. Atleast ngayon, pwede na naming ituloy what we've started."

"Worth it ang pakikipagwar mo sa babaeng yun. Eh nasan naman si Kuya Ian ngayon?" Sunod pa niyang tanong. I just flip my hair and keep in talking.

"Nasa kwarto na siya Couz. Lam mo na. Hehe. Medyo napagod kanina sakin-este sa biyahe namin." Medyo kinikilig ko pang sabi. Duh!!

"Thanks God. Sabi na nga ba eh. Magkakaayos din kayo.We need to celebrate it. Okay?" Nakita ko na naman yung geniune na tawa niya. Punung-puno ng pag-asa yung mga ngiti niya. At dun ako nagguilty.

"Lam mo ikaw? If I were you, I'll go home early. Remember may baby Shone na naghihintay sayo at may Daddy Ryan na sabik na sabik nang makita ka." She just nod.

Ayaw ko naman siyang mamoblema sa mga problema ko. I'm already old enough to handle such things.

"Irish, always stay happy." She said and she bid her goodbye.

God will bless her.

Matapos ko siyang ihatid sa pinto papasok na sana ako ng makita ko siya na nakatingin sakin.

Marami nang nagbago. Isa na siya rito.

"Binibigyan mo na naman ng pag-asa yang sarili mo. Hanggang kelan ko ba sasabihin sayong, hindi kita maalala?" Ayan na naman ang mga halos nanlilisik na mga mata.

"Maybe for now, you can't remember me pero I know in time, you will. And I'm looking forward to that."

Lumapit ako sa kanya. Ngumiti ako at hinaplos ang pisngi niya, pero mali ako para gawin yun. Itinaboy niya ang kamay ko.

Sabi ko sa sarili ko, hinding hindi ako susuko hangga't hindi niya ako naaalala. Ibibigay ko yung pagmamahal na binigay niya sakin dati. Siguro karma ko to kasi pinahirapan ko siya dati.

Pero ang hirap pala. Mahirap.

3 years ago.

Nawala siya sakin.

Lumpo. Ganyan ako maidedescribe nung nawala siya. Naging wasted ang buhay ko until such time na marealize kong may twins pa ako. Sa kanila ako kumuha ng lakas ng loob to continue everything.

Hanggang sa makita ko siya. He's with her wife "Alice". Pero I did everything para makuha siya sa babaeng yun. Sinabihan ko siyang kapag hindi niya ibinigay sakin si Ian, magdedemanda ako. Natakot naman siya kaya, she gave up Ian.

Tawagin niyo na akong desperada. Tatanggapin ko yun. Pero alam kong ganun din ang gagawin niyo kapag may kinuha sayong pag-aari mo.

"Why are you crying?" Halos pasigaw na sabi niya. I just closed my eyes para di ko makita yung galit niyang mukha.

Gusto kong maaalala na niya ako para di na siya ganto sakin. Pag maalala na niya ako, naniniwala akong babalik kami sa dati.

"You're hurting me." At yun! Yung gago kong luha,tumulo na naman.

Kung maalala niya lang ako. Hindi niya ito magagawa sakin.

"You dont have a right to complain. Ginusto mo to!"

Ano bang mali sa ginawa ko? Kinuha ko lang naman siya, ako ang tunay na asawa diba? So tama yung ginawa ko diba?

"Mahal kita. Kaya kita inagaw sa kanya!"

"Tang ina! Love ba yun? You killed our baby! Mamamatay tao ka! At kahit kelan hindi ako magmamahal sa isang tulad mo!"

Hindi ko sinadya yun.

God knows the real story. Hindi ko sinasadyang mawala ang baby nila.

Hindi ko alam na buntis si Alice. Nagkaroon ng gulo, the day after ko siyang takutin na magdedemanda ako. Nagkatulakan. Nagkasabunutan. Hanggang sa naitulak ko siya. Napalakas yun kasi sobrang galit ako.

"Tss. Dont cry. Hindi sayo bagay."

+++++++++++++

Vommefan. :-) first comment ... Cute na. Hehe

I raped her (He raped me) BOOK2حيث تعيش القصص. اكتشف الآن