Chapter 22 *Surprise*

12 2 1
                                    

Lily's POV

Nakaramdam ako nang kaba noong mabalitaan ko na umuwi na daw si Haye mula sa Europe. Kaba dahil sa tingin ko may galit pa rin siya sa akin tapos napapansin ko na unti unting nawawala na yung tiwala niya sa akin. Halos lahat ng galaw ko ay alam niya kaya kahit saan ako magpunta ay tiyak na may nakamatyag na mga mata sa akin.
Nagkulong lang ako dito sa kwarto ko , dala na rin siguro ng pagod dahil marami kaming ginawa ni Yulesis Nagtayo ulit kasi sila ng bagong branch kung kaya't naging mas busy kami at naging hectic pa ang schedule namin. Ang nakakatawa nga is kung ano yung sched ni Yulesis ay siya na ring sched ko tapos parang kanang kamay niya ko sa trabaho niya. I wonder kung kami yung magkakatuluyan , ang sarap siguro na ganito yung magkasama kami sa trabaho. Nang mahagip ng aking mata ang salamin ay nakita ko ang aking repleksyon.

Simpleng simple ako at walang kakolorete sa mukha , kaya nga nagtataka ako kung bakit nagustuhan ako ni Yulesis .

Lumapit pa ako lalo sa salamin at masusing pinagmamasdan ang sarili ko, paano kaya kung hindi ako naging ganito kasimple? Paano kaya kung naging mapag-ayos ako katulad ni Lianne. Paano kung kaya kong magsuot ng mga magagarang damit gaya ni Amanda? Ngumiti ako habang pinagmamasdan ko ang aking sarili , isang ngiti na punong-puno ng pag-asa.

Hindi ko na iisipin kung ano man yung mga bagay na bumabagabag sa akin. Sa twing nakakasama ko si Yulesis , sumasaya ako at nagkakaroon ako ng tiwala sa sarili ko. Ganoon ako nagiging masaya sa piling niya. Walang pag-aalala , walang kaba at walang takot dahil alam ko na hindi niya ako hinahayaang masaktan ninuman.

-Tok tok tok!

Dali dali akong nagtatakbo papunta sa aming salas para pagbuksan ng pintuan ang kumakatok.

Biglang nabuo sa akin ang excitement dahil ang kutob ko ay si Yulesis lang ang kumakatok sa pintuan ko.

Nang binuksan ko na ang pinto ay di na ako nakaimik pa ..

"Hey , you miss me? Bakit parang takot na takot ka?" , hinaplos haplos niya yung mukha ko , ang lakas talaga ng tibok ng puso ko dahil sa kaba.

"P-pasok ka"

Iginiya ko siya papunta sa loob at dire-diretso ako sa kusina para ipaghanda siya ng makakain. Kinakabahan ako dahil parang hindi na siya yung Haye na nakilala ko.

Nagprito ako ng bacon at nagluto ng fried rice , pinagtimpla ko rin siya ng gatas at dinala iyon sa kanya sa salas.

"Woah! Thanks Bae " , sabi niya at hinalikan niya ako sa pisngi.

Ang astig niya rin ano? Parang wala lang yung time na sinabihan niya ako na I am a bitch. 2 linggo na rin ang nakalilipas mula noon pero nakatanim parin kasi iyon sa puso ko.

"Welcome " , I said then I smiled sweetly , I am trying to be okay at pinipilit ko pa rin na maging okay kaming dalawa.

"Join me here" , he said as he smile widely at me.

"No Bae , kumain na kasi ako kanina kaya papanoorin na lang kita" , then I held his hand , pinipilit ko na ibalik kung ano yung pagtingin ko sa kanya tulad noong dati.

"I want you to be my wife , Bae "

"Me too. I-I want to spend the rest of my life with you " , I said at sana hindi niya napansin yung pagka-crack ng boses ko dahil di ko talaga alam kung bakit ba nasasaktan ako .

"Bae , here . (he handed me a paper bag) Wear that , fix yourself and after I eat we will have a date okay? Babawi ako sayo."

I nod and mouthed the word thank you at pumunta na ako sa kwarto ko. Ni-lock ko agad yung pinto , pagbukas ko ng paper bag ay tumambad sa akin ang isang red dress . Maganda siya at eleganteng tingnan.

Matapos ko itong pagmasdan ay sinuot ko na ito at laking gulat ko nang tumingin ako sa salamin dahil bakas na bakas ang hubog ng aking katawan , nakakapagtaka hindi naman kasi ako nag-gi-gym pero bakit ang ganda ng hubog ng aking katawan.

Naalala ko na wala nga pala akong make-up kit kaya dali dali akong pumunta sa kwarto ni Lianne at doon na lang ako naglagay ng lipstick at blush on sa aking mukha.

Bago pa ako bumaba ay tinangay ko na yung silver stiletto na nakasama doon sa paper bag.

Bumaba na ako at nadatnan ko roon si Haye , he looked at me from head to toe and he exclaimed the word 'WOW'

"Your a goddess Bae" , he said at unti unting lumapit sa akin . Kinakabahan talaga ako dahil hindi ako sanay sa ganitong uri ng damit na suot ko ngayon.

"A-ahm Bae, ahm masyado ka ng malapit" ,dahan dahan ko siyang itinulak

Naglalapat na kasi yung mga noo namin and naiilang ako.

"Okay" , he said at hinila na ako palabas ng bahay namin at isinakay niya ako sa kotse niya.

Tahimik lang kaming dalawa ni Haye kaya hindi ko na namalayang nakatulog na ako sa kotse niya.

HAYE'S POV

Umuwi na ako from Europe dahil aside sa tapos na ang business doon , natatakot pa rin ako na baka maagaw sa akin si Lily. I know it sounds bad because of what I did to her , its just na nasira yung tiwala ko sa kanya and I hate her dahil ang bilis niyang nagpadala at ang nakakainis pa sa kanya she's so numb para hindi maisip na baka ginagawa lang yun ni Yulesis para makaganti sa akin dahil nga naging gf ko si Lianne . Well , Lianne fooled me , she said na she's pregnant at may nangyari daw sa amin pero later on lang namin na laman ni Minzy na wala naman pala.

I hate Lianne!

Sa dami ng iniisip ko hindi ko na namalayan pa na nandito na pala kami sa condo ko at nakatulog na pala si Lily dito.

Di ko na siya inabala pang gisingin kung kaya't binuhat ko na lamang siya tutal 2nd floor lang naman yung unit ko dito eh.

Nang buhat buhat ko si Lily , I can't help it na hindi siya pagmasdan , she's so gorgeous. Sobrang ganda niya talaga kung kaya hindi na ako nagtataka pa doon sa Yulesis na iyon! Ang sama sama talaga ng kutob ko sa lalaki na yun at nagpapasalamat ako doon sa tao na tumutulong sa akin para manmanan si Lily at Yulesis , I don't know kung sino siya dahil ayaw niya talagang magpakilala. Then yun na nalaman ko na nagkiss na pala sila. Wow ha?!
Nanggagalaiti ako sa twing naaalala iyon at ipinasok ko na si Lily sa condo. I lie her down on my bed which is full of petals of roses , tapos doon sa kitchen ay may nakahandang food para sa aming dalawa. I will also sing a song for her and I find it romantic na isayaw siya with the rhythm of music.

Ang tagal naman niyang gumising kaya ginising ko na siya.

"Bae gising na , I have something for you"

Naalala niya kaya na it's our monthsary today?

"Hmm?" , she said tapos nangingiti ngiti pa sya.

"Bae com'on"

"Ano ba? Itong tao talaga nato!", inis niyang sambit.

"Bae?"

"Uhm? Inaantok pa ako Yulesis! Mamaya na lang okay? I love you "

Nagpantig ang tenga ko sa narinig.

"A-ano? You love me? S-sino ba ako?!"

"Ikaw si Pabebe Yulesis , mamaya na ha? Wag kang mag-alala paggising ko mahal pa rin kita" , sambit niya habang nangingiti ngiti pa.

Nanginginig na ako sa galit . Hindi maaari to! Hindi pwede to na basta basta na lamang akong iiwan ni Lily!

Walanghiya ka Yulesis Bernardo!
Humanda kayo sa akin ngayon! Tingnan lang natin kung matanggap at mahalin mo pa rin si Lily sa bahay na maaari kong gawin sa kanya!

Masusurpresa ka Lily! Humanda ka!

LilyDonde viven las historias. Descúbrelo ahora