Nag-isip si Alex. Lahat ng mga sinasabi ng binatang inspektor ay siya ring mga nalalaman niya tungkol sa babae. Kung ganoon ay hindi ito nagsisinungaling at nagkamali siya sa kanyang hinala.

Tumingin sa kanya si James.

 “Our first suspicion was wrong. She is not a member of venomus, not a spy or neither an asset of the syndicate….”

 Kaya ba siya pinatawag dahil sa maling report niya?

“But our other suspicion is correct. That she is being used by venomus…”

Napatuwid siya ng upo at naghintay ng mga susunod pang mga sasabihin ng nagsasalitang kasamahan.

“…this girl is the current source of information ng sindikato tungkol sa mga galaw ni Blake Monteverde sa loob ng campus…”

“Bakit naman siya magbibigay ng impormasyon kung hindi siya konektado sa sindikato?” hindi napigilang tanong niya.

“Grace Capulong has hidden obssession towards Blake Monteverde….”

Hindi siya nakakibo sa nalaman. Si Grace? Ang inosenteng mukha ng babaeng yun ay may tinatagong lihim tungkol kay Blake.

“Her obsession started during their freshmen year. They used to be classmates in two subjects and since then, this girl started to stalk Blake. And on their sophomore year she made sure na lahat ng subject na inenroll ni Blake ay ganun din ang mga kukunin niya. That’s why she has exactly the same schedule with him.”

“Paano siya ginagamit ng venomus?” tanong niya nang may hindi makapaghintay na mukha.

“She’s half blackmailed but at the same time it’s half voluntary on her part. During her stalking days, nadiskubre siya kaagad ng venomus na sa mga panahong iyon ay minamanmanan na rin si Blake. The kid was threatened to follow their orders or else they would reveal her identity to Blake Monteverde. At first she was hesitant until she found out that all she had to do was to stalk Blake even more. Thus, she started to enjoy it. Para sa kanya mas lalong nagkaroon ng justification ang ginagawa niya. She willingly followed the orders without knowing the identity of the people na nag-uutos sa kanya at kung para saan ito. In short Inspector Valdemor, this girl doesn’t know anything about the kidnapping scheme.”

“Paano niyo nalaman ang lahat ng mga ito? Hinuli niyo ba si Grace? Pinaamin niyo ba ang batang iyan ng sapilitan? Tinakot ba natin ito?” nag-aalalang sabi niya.

 “No. We didn’t do any harm to her. We sent professional asset to get closer to her.”

 Nagpalit ng litrato ang projector. Lumabas dito ang pinagtabing larawan nina Blake at Grace.

 “These two persons are our main gemstones to resolve the case of venomus. Sila ang mga taong magdadala sa atin sa sindikato….”

Tumingin uli si James sa kanya nang may nag-aalinlangang mga mata.

Ang Alalay Kong Astig! ( Published Under Pop Fiction/Summit)Место, где живут истории. Откройте их для себя