Chapter 1

17 7 3
                                    

01.

"Holly, natulog ka ba?" Salubong sa akin ni Jules sa may hallway ng CAS building. Humikab lamang ako at nagpatuloy sa paglalakad hanggang makapasok na kami ng room namin. 

"Hey... what's up with you, Holly? You like tired." Rio comments as soon as he saw us. Hindi ko na sila pinansin at dumiretso na sa upuan ko sa likod katabi ng bintana namin. Binaba ko na agad ang bag ko at umub-ob. May ilang minutes pa naman bago mag start ang class at usually late naman ng 5-10 minutes professors namin kaya may oras pa ako para ipikit mga mata ko.

"Hulaan ko, pinuyat 'to ng concept paper nila." Sabi ni Jules mula sa harapan ko. Nakaupo kasi si Jules sa harap ko habang si Rio naman ay sa kanan ko. 

"You haven't finished that yet?" Tanong ni Rio sa akin.

"Lah, tapos na kayo do'n? Sa isang araw pa naman deadline no'n." Mukhang nakuha naman ni Rio atensyon ni Jules sa kaniyang tanong. 

"What? Jules, the deadline is today. 11:59 PM?"

"Teh, OA ka. Sa Wednesday pa kaya pasa no'n," Napabuntong-hininga ako sa dalawa. Umayos na ko ng upo at iniangat na ulo ko. Hindi rin naman ako makakatulog dahil sa dalawa kong kasama. Ang sakit ng ulo ko talaga.

"Right... and it's already wednesday, stupid." Kunot-noong paalala ni Rio kay Jules. Nanlaki ang mata ni Jules sa sinabi ni Rio at agad-agad kinuha ang phone niya. Nang mabuksan niya ito ay lalong bakas sa mukha niya ang gulat pagkakita sa araw ngayon. 

"Hala?! Wednesday na ba?! Amp, hindi ko napansin ang oras!" Natawa ako sa sinabi niya. Umiling-iling na lang si Rio sa reaksyon ni Jules.

"Have you even started it yet?" 

"Manahimik ka nga! 'Di nakakatulong." Natatarantang ani Jules habang may mga pinipindot sa phone niya.

"I think you mean 'thank you, Rio' for telling you the day today. You're welcome." Pang-aasar ni Rio kaya masama siyang tiningnan ni Jules. Nagkibit-balikat lang si Rio bilang sagot.

"Paano na 'ko nito? Wala pang nagsisimula samin! Ano 'yon, buong grupo namin unaware na ngayon ang pasa?!" Galit na tanong ni Jules. Nagbabasa ata siya ng convos niya sa phone. 

"Sino ba leader niyo?" Tanong ko. 

"Ako." Simpleng sagot ni Jules habang hindi inaalis ang tingin sa kaniyang phone. Rio scoffed at what Jules said which made her turn to him.

"You're so irresponsible," Bulong ni Rio sa sarili niya pero napakinggan pa rin no'ng isa. Umamba naman siyang sakalin si Rio pero pinigilan niya rin sarili niya.

"Bakit ba naging kaibigan kita? Hindi ako madadaan ng paenglish-english mo, Rio." 

"Who said I was your friend?" Patuloy na pang-aasar ni Rio. Tinawanan ko na lamang sila nang tumingin sa akin si Jules na parang sinasabi pigilan ko siya saktan si Rio. 

Habang pinanonood sila mag asaran, hindi ko napigilan sarili kong pag masdan lalo sila.

Kaibigan ko na si Jules at Rio simula highschool. Si Jules noong grade 7 ko nakilala habang si Rio ay noong grade 8. Simula nang mabuo kaming tatlo ay kami-kami na lang din talaga ang laging magkasama. Akala ko nga ngayong college kami magkakahiwa-hiwalay pero mali pala ako dahil itong dalawa ay sinundan ako hanggang dito sa MalU. Pinilit ko pa ang dalawa na mag enroll sa university na gusto nila pero sabi nila sa 'kin ay wala naman daw silang gustong university kaya susundan daw nila ako. Pare-parehas din naman namin gusto ang Psychology kaya ito rin 'yung course na kinuha nila. Swerte naman kami kasi nagkasama kaming tatlo sa isang section. 

A Spirit's Wishحيث تعيش القصص. اكتشف الآن