Chapter 12 : Embarassment 2.0

Depuis le début
                                    

“aaaaaaaaaaa!!!! Iriss ano bang ginagawa mo!!!!” anong mukha na ihaharap ko sakanya neto!! Iris naman e!!

Makalipas ang ilang oras naisipan kong lumabas para sana bumili ng pagkain, palabas na sana ako ng pinto pero bigla kong nakita si ken na lumabas ng condo nya at napabalik ako bigla ng condo ko, ayoko syang makita!!!

Lumipas ang ilang minuto nakalabas na ako at nakita ko si stell na nasa labas nakatambay at lumapit ako sakanya

“ayo!! What's up lasinggerang kapit bahay ni KEN?!” binatukan ko sya dahil nakuha nya pang mang asar

“lah sigi ipag sigawan mo pa sige” tumawa naman si stell

“ano nakauwi ka kagabi?” tanong ni stell at napatigil naman ako bigla dahil wala akong maisagot

“huy iris!”

“ha? Ahm... Oo nakauwi ako haha sigi mauna na ako” pa alis na sana ako nang bigla kong makita si ken na naglalakad papunta sa direksyon ko kaya napabalik ako

“oh akala ko ba aalis ka?” tanong ni stell

“ha? Ako aalis? Hindi ah pabalik nanga ako ng condo e” nagmamadali akong umalis sa lugar na yon at bumalik sa condo ko nilock ko yung pinto ko at umupo sa sala

“iisa lang kami ng building ni ken paano ko iiwasan yoon!! Kasi naman e!” nagkulong lang ako maghapon sa condo ko at hindi na lumabas dahil may chance na magkasalubong kami anytime

Byernes na ng gabi at may pasok ako sa convenience store na pinapasukan ko, nasa loob lang ako ng store at nakaupo

“oh bakit ka nakasimangot jan?” tanong sakin yung owner ng pinapasukan ko na si ate sammy

“e kasi te parang di yata ata ako makakalabas ng condo ko ng buong araw kasi may chance na makasalubong kami ng kinaiinisan ko” pagrereklamo ko kay ate sammy

“bakit ano bang nangyari?” tanong nito

“ganito kasi yan” kinuwento ko sakanya lahat at halatang nakangiti pa si ate sammy loka-loka talaga

“so ano? May nangyari sainyo?” napatayo ako ng biglang banggitin ni ate sammy yon

“ha?! Hoy!! Ate sam wala, walang ganong nangyari si ate sam talaga kung ano ano nalang iniisip” teka bakit parang namumula ako, bwisit bwisit

“hay nako iris lumang galawan nayan danas ko nayan” sinundan naman ito ng tawa nya

“lumang galawan ka jan, nakitulog lang ako yun lang wala nang iba!” bumalik naman ako sa pagkakaupo ko

“ok sabi mo e” bumalik si ate sam sa pagaayos ng mga product sa lagayan habang nakangisi parin

Naalala ko kagabi habang nakahiga ako, may nakita akong lalaki na naghubad ng pangitaas nyang damit habang nakatalikod saakin, hindi ko na maalala yung iba dahil sa sobrang kalasingan kagabi.

Napatayo ako nang biglang may pumasok na customer “Goodevening sir! Oh? Josh?” nagulat ako nang pumasok si josh kasama sina justin at pau

“oh? Iris? Dito ka pumapasok?” tanong nito at diretso na pumunta sa counter

“oo di ba halata?” sarcastic kong sagot at tumawa naman ito

“ano nakauwi ka kagabi? Grabe bagsak na bagsak ka e halos di kana mapatayo” napatingin naman ako kay ate sam at nakatingin din ito saakin nang banggitin 'to ni josh

“ako? Oo nakauwi ako wag kang magalala” pagpapalusot ko

“mabuti, akala ko duon ka natulog sa condo ni ken kasi kahit kami na kaibigan nya di niya pinapatulog don” bigla namang nasamid si ate sam at tumawa ng mahina, nakakabaliw na

“ano bang pinunta nyo dito sa store? Magchismis o bumili?” pagsusungit ko

“eto nanga bibili na” nagikot ikot naman si josh na may dala dalang basket at naiwan naman sa counter yung dalawa

“pau, si stell nasaan?” tanong ko

“busy yon, nakila ken yata may inaasikaso” ani ni pau

Makalipas ang ilang minuto nagbayad na si josh at umalis na “una na kami ha”

“ge ingat!” pagpapaalam ko

Bumalik naman ako sa inuupuan ko at nag cellphone. Nagdaan narin ang oras at nagsarado na yung store at umuwi narin ako, hindi ako sumakay dahil sayang sa pamasahe kaya naglakad nalang ako, at dumaan nalang sa shortcut na dinaraanan ko.

Safe akong nakauwi sa condo ko nang may maaninagan akong isang anino na papalapit saakin

“s... Si ken si ken!” nagtago ako sa gilid at dumaan naman si ken at nilagpasan ako, nakahinga naman ako ng maluwag at nagpatuloy na sa paglalakad.

Nasa pintuan na ako ng condo nagmamadali akong hinanap yung susi sa bag ko dahil nakikita kong malapit na si ken, halos natataranta na ako dahil di ko mahanap, nahulog ko yung mga gamit ko at dinampot ko ito.

“tf are you doing?” napashut up ako nang magsalita si ken

“wow ano to sahig? May sahig pala rito wow” napakagat ako ng labi sa kahihiyang nagawa ko nanaman, dinampot ko yung susi at agad agad kong binuksan yung pinto at nagkulong sa kwarto

“IRIS NAMAAAN!!!! PWEDE BA, BAKIT KABA NATATAKOT JAN!!!”

Pumunta ako ng kwarto ko at humiga at tumitig sa kisame

“parang ayoko nang lumabas ng condo bwisit!!!”

Chase Me Until Dawn MR. FELIP (School Days)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant